Arms
Pierre grunted before pulling me into his arms. Sobrang higpit ng yakap niya habang ang atensyon ay nakabaling kay Henry at Estefan. Ibinalik na nila ako sakanya. Hindi ko siya nakausap ng isang linggo. Hindi kasi ako puwede basta kumontak sakanya dahil sinabi ni Estefan na pinaghihinalaan din ni lolo na baka itinatago ako ni Pierre Corrins lalo na at dito ako pinakamalapit. Kaya isang maling galaw ko lang ay maaari ko siyang maipahamak.
Sumabay saakin sa biyahe si Henry at Estefan para maitakas ako at hindi matrace na bumiyahe ako pabalik ng pilipinas. May business meeting si Henry dito kaya hindi siya paghihinalaan. Si Estefan naman ay inutusan ni lolo na magmanman sa mga Corrins. Natatawa nga ako e. Kasi hindi alam ni lolo na unang-una kong kasabwat si Estefan. Pati si Estefan ay natawa na din. Sigurado daw pag nalaman ito ni lolo ay ibibitin na siya patiwarik. Para siyang double agent sa dating ngayon.
Tinapik na lang ni Henry ang balikat ni Estefan."Pupunta ako sa burol mo pag nangyare iyon."biro ng pinsan ko.
"Shit. Gusto ko naman maranasan magkagirlfriend. Napurnada na nga kay Rain dahil hindi ako gusto ng pinsan mo tapos mamamatay pa kong single? Aba! Hindi pupuwede iyon saakin! Hahanapin ko dito sa pilipinas ang babaeng para saakin! At sisingilin ko siya ng mahal dahil ang tagal niyang dumating sa buhay ko!"gigil na sabi ni Estefan at nakikitaan ko ng kawawa ang babaeng magiging girlfriend niya. Pero syempre joke lang iyon. Mabait naman si Estefan iyon nga lang hindi pa din mawawala ang pagkamahangin dahil may royal blood akala ata lahat ng gusto niya makukuha niya.
"Where have you been, Rain?"masuyong tanong ni Pierre na nakapagpabalik saakin sa realidad.
"Kasama ko sila Henry at...Estefan."I bite my lower lips.
"Anong ginawa nila sayo?"tanong niya hindi pa din kumakalas sa pagkakayakap saakin.
Sa isang restaurant na medyo tago at bagong bukas palang kami nagkita para hindi naman kahina-hinala. Isa pa nakasunglasses kaming lahat na akala mo mga turista lang. Sabagay mukha nga naman dahil may mga lahi ang kasama ko at tingkad na tingkad ang pagkaforeigner naming lahat.
"Wala. Si Estefan pala ang nakasagot ng tawag ni tito Raf sa palasyo. Buti na lang."paliwanag ko kay Pierre. Bumaling ang tingin niya kay Estefan, galit ang reaction.
"Woah! Chill! Ang init lagi ng dugo mo saakin! Di ko naman inaagaw. Tinutulungan kita, dude. Kaya may utang ka sakin!"pasarkastikong sabi ni Estefan na hindi ko maintindihan kung anong tinutukoy niya. Sinong inaagaw?
Nag-igting lang ang panga ni Pierre pero hindi na siya nagsalita pa.
"Estefan is right, Mr. Corrins."seryosong sabi ni Henry na parang business ang pinag-uusapan."I love my cousin. At nasa side niya ako kung sinong pinagkakatiwalaan niya, pagkakatiwalaan ko din. Please don't hesitate to ask for my help kung kailanganin niyo lalong-lalo na kung para kay Rain."
"I don't need your help..."mayabang na tanggi ni Pierre na agad ko naman siyang pasimpleng kinurot at alam na niya kung para saan ang kurot ko na 'yon."...but thanks!"nakangiwing pahabol niya kay Henry.
Ikaw na lalaki ka umayos ka pinsan ko 'yang kausap mo!
Tumango si Henry at makahulugan akong nginitian. Bumingisngis na lang ako sa pinsan ko at nagsabing umorder na kami dahil nagutom ako sa biyahe.
Pagkatapos non ay naging kampante ako. Natapos ako sa kolehiyo ng nagtatago kay lolo at sa buong Hrysos at alam kong ang ginagawa kong pagtatago ay masiyadong makasarili lalo na at buong Hrysos ang umaasa saakin, umaasa sa reyna nilang rebelde.
Pero ayoko! Ayokong matali sa responsibilidad at sa taong hindi ko naman mahal pero pilit ipapakasal ni lolo saakin. Siguro nga hindi pa nadala si lolo kay papa. Hindi pa din ni lolo maintindihan na hindi niya puwede ipilit ang gusto niya. Matigas ang ulo ni papa noon pero siguro doble ang tigas ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Cupid's Arrow
RomancePierre Corrins (4) He lost all his control whenever she's around and he's not blind to see that he is falling for the trap because he is now stuck with the cupid's arrow.