Miracle
"Are you sure about this, Rain?"nakasandal sa dulo ng lamesa si Henry, nakahalukipkip.
Pagod akong tumango sakanya. Marami akong ginawa at inasikaso ngayong araw lalo na at bukas na ang coronation at umaasa ako sa pag-upo ko sa trono ay kahit papaano mababawasan ang mga taong nagaaklas laban sa pamilya namin. Matagal na pala ang plano na ito na pagaaklas laban sa pamilya ko at dahil nawalan ng namumuno sa Hrysos dahil sa kalagayan ni lolo ay mas lalong sumiklab ang pagaaklas nila ay sinamantala nila iyon kaya mas lalong gumulo ang lahat. Galit ang taong bayan saamin dahil saakin dahil hindi ko binibigyang halaga ang nasasakupan ng Hrysos at ang trono.
I understand them. Pero nagiging bayolente na sila at kanina lamang ay may inatake na royal guard. Nakulong ang ibang may kasalanan at ang mga nahuli ay kasama din sa nagaaklas laban sa amin.
Magulo ngayon sa Hrysos. Magmula sa kalagayan ni lolo at sa pagaaklas ng mga tao laban sa pamilya ko. At ang mga insidenteng nangyare at pati ang pagkamatay ng magulang ko ay naungkat din. Ang sabi ng police ng mga Hrysos may posibilidad na ang nagtangka saakin, kay lolo, at sa magulang ko ay pakana lahat ng iisang tao. Kung sino man siya kailangan mahuli na siya at mapanagot.
It's been one week, ang sabi ng mga doctor ng Hrysos hindi nila alam kung kelan magigising si lolo o kung magigising pa. Matanda na si lolo at may iniinda ding karamdaman gawa ng katandaan at ang lason na nainom niya ang nagpalala ng lahat. Isang linggo na din ang nakakalipas simula noong makipaghiwalay ako kay Pierre. Sinubukan akong balitaan nila Henry kung ano ng nangyayare sa mga Corrins pero tumanggi ako at inutos ko na huwag na nilang babanggitin ang pangalan ng lalaki. Ngayon na madaming nangyayare sa Hrysos hindi makakatulong kung makakarinig ako ng kahit na ano tungkol kay Pierre dahil baka hindi ako makapag-isip ng tama at lumipad ako pabalik sa pilipinas, pabalik sakanya.
Hindi ako kailanman nahulog husto. Hindi kailanman hanggang sa dumating si Pierre sa buhay ko.
Siguro sa mga oras na ito ay pinapalitan na niya ako o pinapaayos na ang divorce namin. Hindi ko alam. Ayoko ng isipin.
"How about hi--"
"Henry!"medyo tumaas ang tono ko ng lingunin ko siya."Sigurado na ako. Nagkakagulo na sa Hrysos h-hindi ko puwedeng isantabi at tumakas nanaman. This is different."
"I know your responsibilities but Rain how about him? You'll regret this I'm sure of that. You love him."
"I'm tired. You may leave now, Henry."
"Okay."
Naglakad na siya papunta sa pintuan pero huminto at lumingon saakin.
"I'm sure he's waiting for you. Hihintayin ka n'on."pagkatapos tuluyan na siyang umalis.
Napailing ako at napaupo. I don't want it! Ayokong hintayin niya ako.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Ngayon na ang coronation at ang pag-upo ko bilang reyna ng Hrysos. Kung nandito lang si lolo alam kong magiging masaya siya sa akin at magiging proud. Siguro ganoon din ang magulang ko kung nabubuhay pa sila.
The investigation is still on-going at kapag naging reyna na ako ng Hrysos ay mas lalo iyon mapagtutuunan ng pansin dahil iyon ang unang-una kong tratrabahuin kapag ako na ang reyna.
"Alam mo hindi bagay sayo maging reyna ng Hrysos."nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Estefan."Mas bagay sayo ang misis Corrins."he laugh on his joke pero nanatili akong walang emosyon.
Inayos ko ang suot kong gown kahit wala naman talagang kailangan pang ayusin. Gusto ko lang ibaling sa ibang bagay ang iniisip ko ngayon.
"You're thinking about him."he stated. Hindi ako sumagot kaya pakiramdam ko mas nasigurado niya na tama siya."Do you believe in miracle, Rain? Sana magkaroon ng himala at magising si King Miguel. Nandoon si Crys nagbabantay alam mo na. Si Henry sana kaso si Crys na ang nagpresinta well you will need Henry later. Nandoon na din ang auntie Melsa mo and her husband."
Tumango ako at nagpakawala ng buntong hininga.
"You're not ready for this and you will never be ready for it."he shook his head.
"Ano bang ginagawa mo dito? Diba dapat nandoon ka kasama ng nakakarami?"I asked him.
"Boring doon."he grinned."Alam mong pagkatapos ng coronation kakailanganin mo ng magiging katuwang, a king, and ang Roberts na iyon ang nakatakda para sayo. Pero kasal ka pa kay Pierre at baka mahirapan ka na idivorce ang kasal o kahit inanul?"
Tama siya. Siguradong mahihirapan nga ako kay Pierre at baka hindi na ako gustuhin n'on makita pa pagkatapos ng nangyare at ginawa ko. But I can't blame him if that happens. Kasalanan ko naman.
"Talagang tutuloy ka?"he asked nang lumabas na ako ng silid.
"Yes."walang tinging sagot ko sakanya.
He shrugged his shoulders at sumabay na saakin.
"Queen Caroline hmmm bagay pero mas bagay ang Mrs. Corrins!"hindi pa din tumitigil na pangungulit niya saakin.
Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa makadating na ako sa hall room. Nandito na ang lahat.
Ceremony ito at oath taking para sa paglipat saakin ng korona.
I wish grandpa is here.
Kabadong-kabado ako ng magsimula na ang ceremony. I wish something miracle happen right now pero hindi ko alam kung anong klaseng milagro ang gusto kong mangyare ngayon.
Tumayo na ako at nanumpa."I, Caroline Mildred Rain Phillipe..."
"WAIT!"a seconds after at ganap na akong reyna ng Hrysos but Henry interrupted. Nabaling ang atensyon naming lahat sakanya.
"King Miguel,"
Nahigit ko ang hininga ko.
"He's awake now."sabay tingin saakin ni Henry.
"Si l-lolo?"
Ngumiti at tumango saakin si Henry."He wants to talk to you,"lumapit saakin si Henry at inabot ang cellphone niya.
"L-Lolo,"my voice cracked.
I heard a long and deep sigh on the other line then I heard grandpa's voice that makes me cry.
"Caroline,"
"Grandpa!"
"Crys told me everything. I won't allow you to accept the crown. You don't belong in the palace. You belong with the Corrins."
"Grand---"
"Don't worry about anything. Like what I've told you I know everything. Your cousin told me everything. Now that I'm awake I'll handle and take care everything. You don't need to accept the obligation, Caroline. Stop the ceremony. I'm going there. Wait for me! This is an order from the King of Hrysos, from your grandpa."
"O-okay, Grandpa."naiiyak ako habang nakangiti.
"You will forever be the princess of Hrysos, Caroline. And my granddaughter. I...understand now. I'm sure this is what your parents want for you. You belong outside of the palace. Fly like a butterfly you always want to, Rain."
BINABASA MO ANG
Stuck with the Cupid's Arrow
RomancePierre Corrins (4) He lost all his control whenever she's around and he's not blind to see that he is falling for the trap because he is now stuck with the cupid's arrow.