Home
"You know what to do, Rain. Pag nakadating kana sa pilipinas tsaka mo palang kokontakin ang mga Corrins. Pinapabantayan sila ng Richard Roberts na iyon lalo na si Pierre kaya isang maling kilos lang niya siguradong tuluyan na siyang maipapakulong ng Roberts na iyon."tumatango ako kay Henry habang nasa taas kami ng simbahan at tanaw mula dito ang altar, ang mga bisita, si lolo, ang mga Roberts at doon malapit sa altar si Richard. Seryoso ang mukha nito. Ilang saglit pa engrandeng pumasok na ang bride.
Madaming photographers at madaming imbitado halos buong Hrysos.
This is Crys idea. Ito ang plano niya. Magpapanggap siyang ako. It would buy me time. Nakahanda na ang private plane na gagamitin ko at ibang pangalan para makalabas ng Hrysos kung sakaling magkaabirya sa plano at harangan ako.
"I want to see that jerk's react when he find out that it's Crys and not you."nakangising sabi ni Estefan sa kabilang gilid ko.
Bumalik ang tingin ko sa baba at pati ako ganoon din ang hinihintay.
Hindi na ko nagtagal pa at umalis na din sa simbahan. I'm sorry, lolo, but I'm choosing my home.
Napapanuod ko sa mini flatscreen tv ng private plane ang kasalang nagaganap doon. Iyon ang pinakamalaking news para sa araw na ito. Lalo na sa mga tao ng Hrysos, kay lolo, at sa mga Roberts.
By the time na sinabi na ng pari na 'you may kiss the bride' lumipad na ang private airplane sa himpapawid at wala na silang magagawa para patigilin iyon. I smirked at that.
Agad na nagkagulo nang iangat ni Richard ang belo at hindi ako ang bumungad sakanilang lahat, it's Crys grinning face. Napasinghap ang lahat ng tao doon pero hindi agad nakapagreact.
"Sorry. Pero wala sa Hrysos ang mahal niya."she grinned widely. Lalo na at hindi naman nila maiintindihan ang sinabi ni Crys pero ako intinding-intindi ko kaya natawa ako habang kumakain ng grapes sa seat ko.
Nang makabawe sila sa gulat agad nagkagulo nafocus ang camera kay lolo na napatayo na at agad na may lumapit na mga royal guards sakanya ganoon na din ang galit na mukha ni Richard nang mabilisang nazoom ang focus ng camera dito. Naguusap na si lolo at ang mga Roberts samantalang sa gilid naman nakita ko silang tatlo, Henry, Estefan, at si Crys mga nakangisi at tila nasisiyahan sa nangyayare. At ganoon din ako dito.
Nang lumapag ang sasakyan sa isang rooftop na pagmamay-ari ng malayong kamag-anak ni Estefan dito sa pilipinas ay agad ko ng kinontak si Pierre. Pero hindi ko makontak ang lalaki. Fuck! Pick it up, Pierre!
Ilang beses pa at wala talaga. Naisipan kong tawagan si Park at buti na lang may sumagot.
"Hel---"
"Hello! Park, it's me Rain. Nasan si Pierre?"I know it's rude to cut his greetings pero nagmamadali ako.
"He's here. Sa mansion ni Elysian. Sakto ang timing mo."
Tumango ako."Okay. I'm on my way there."pagkatapos binaba na ang linya.
Nagmadali na ako at agad na may huminto na sasakyan saakin, si Estefan ang nagpadala ng sasakyan na ito.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko lalo na ng huminto kami sa mansion ng mga Corrins.
Nagulat pa ang mga kasambahay doon ng makita ako pero hindi na ako nagabala na batiin sila katulad ng madalas kong ginagawa.
"SHUT IT, PIERRE! KUMALMA KA MUNA!" Si Ashen iyon. Parang nagkakagulo sila sa may living room.
"Hindi siya pupunta dito dahil ikinakasal na nga siya doon sa Hrysos! I have to fucking go there! Bitawan niyo ko!"galit na pagpupumiglas niya sa hawak ni Ashen at Deyron.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Cupid's Arrow
RomancePierre Corrins (4) He lost all his control whenever she's around and he's not blind to see that he is falling for the trap because he is now stuck with the cupid's arrow.