Reunited
Parehas na nagsusukatan ng tingin si tito Rafael at si Pierre. Pagkatapos malaman ni tito Rafael na si Pierre ang nagtatago saakin. Nadulas kasi si tita Paris na pumunta ako dito noong nakaraang buwan kaya nagkaroon ng ideya si tito Rafael na possibleng may kinalaman si Pierre sa akin. Totoo ngang mahirap linlangin ang mga Corrins. Masiyado silang magaling para mahigitan.
Galit at disappointed si tito Rafael kay Pierre nang malaman iyon. Nagkasagutan sila at tumawag si tito Rafael sa palasyo at pinapabalik na ako doon.
"Iuwi mo na si Rain sa kanila, Pierre! What do you think of this? A game? For pete's sake, Pierre, hindi ka na bata! Rain is just what...eighteen?"
"Nineteen, dad."pagtatama ni Pierre bago umiling."And I don't think of this as a game nor joke. Tama ka. Hindi na ako bata. I know what I'm doing. At hindi siya babalik doon!"giit ni Pierre ayaw din patalo sa ama niya.
Medyo umawang ang bibig ni tito Rafael at napailing-iling sa sinabi ni Pierre na para bang hindi siya makapaniwala.
"Kung ganoon nababaliw kana. I won't tolerate this, son. Iba na lang ang pagkaabalahan mo huwag ang pagtatago..."sumulyap saakin si tito Pierre."...nang isang prinsesa."
Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga ni Pierre. Galit ito at hindi na kumibo pa. Ayaw nang makipagtalo sa ama.
Mas lalo akong nahihirapan sa sitwasyon. Nagkakagulo sila ngayon dahil saakin. Isa pa tumawag na si tito Rafael sa palasyo siguradong ilang oras lang ay may darating na dito para sunduin ako. Natatakot ako sa isipan na babalik ako sa Hrysos ng biglaan. Hindi ko alam kung anong naghihintay saakin doon pero sigurado akong kasama na doon ang pagpapakasal ko sa lalaking hindi ko pa nakikilala sa buong buhay ko.
Natatakot ako pero at the same time naaawa ako kay Pierre ito ang unang beses na nakita kong nagtalo sila ni tito Rafael. Si tita Paris naman ay nakatayo lang sa gilid at hindi alam kung sino ang kakampihan.
"At talagang kinasabwat mo pa ang mommy mo!?"binalingan ni tito Rafael si tita Paris na ngayon ay tumaas na ang kilay at lumapit sa mag-ama niya.
"Nag-iisa ko lang anak si Pierre, Raf."seryoso ang boses ni tita Paris."Alam mo kung anong kaya kong gawin at kung anong kaya kong ibigay pagdating sa anak natin. Wala akong pakealam kahit sino pa ang kailangan kong banggain dahil kung para sa anak ko wala akong aatrasan. Nawalan na ako ng isang anak, Raf. And you know how I'm in pain for years because of that...and then Rain came. Parang anak na din ang turing ko sa batang iyan. How dare you!"
"I know,"tito Raf sighed."But...this is wrong. I love our son too, Paris. Mahal ko kayo. I'm sorry."mataman na sabi ni tito Raf at mukhang kumalma na.
Pero hindi si Pierre. Nagulat ako ng mahigpit akong hinawakan ni Pierre at ngayon ay nilingon na."We need to go."aniya.
"Huh? S-saan tayo pupunta?"tuliro kong tanong. Naghalo-halo na ang iniisip ko.
Pierre shook his head. Parang hindi niya din alam kung saan kami patungo."I don't know. Anywhere. Lalayo tayo dito."sagot niya.
"Tayo? You can't just go with me Pierre."naiiling na sabi ko. May sarili siyang buhay at hindi naman puwedeng habang buhay siyang matali saakin at sa nangyayare sa buhay ko.
Mas lalong nagngingit ang ngipin niya at umigting ang bagang."I'll go with you. Sasamahan kita. We need to go. Wala na tayong oras."utas niya na para bang naiinis sa dami ng tanong ko.
Napanguso na lang ako at nagpatianod sa paghila saakin ni Pierre. Hindi ko na alam ang nangyayare.
"Y-you don't have to do this. Sa tingin ko panahon n-na siguro para bumalik ako sa palasyo."napapalunok na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Cupid's Arrow
RomancePierre Corrins (4) He lost all his control whenever she's around and he's not blind to see that he is falling for the trap because he is now stuck with the cupid's arrow.