Chapter 5

3.2K 118 3
                                    

Provide

Saglit na natigilan at nagulantang si Pierre nang makita ako. Pero agad ding nakabawe nang muli itong tumingin sa gawi ko ay umiigting na ang panga nito at masama ang tingin saakin.

Natawa na lang ako sa reaction niya.

"What's funny, Rain?"nilingon ko ang kasama ko at umiling na lang sakanya."Wala, Estefan."sagot ko dito.

It's been one year. Grandpa was so furious after my accident. Idinemanda niya ang Hacres Harith pero sa huli ay napakiusapan ko din siya na wala namang kasalanan ang mismong school kaya siya na mismo ang nagurong ng demanda. Sigurado akong kayang ipasara ni lolo ang Hacres Harith at pag nagkataon madaming tao ang maapektuhan hindi lang ang mga nag-aaral doon pati na ang mga nagtratrabaho sa Hacres Harith.

Cheska, on the other hand, was the one who take all grandpa's rage. Hindi ko nagawang depensahan ang babae dahil ito naman talaga ang tumulak saakin sa hagdan. I wanted to pity her. But I don't feel that way.

Nang magising ako pagkatapos ng aksidente ay nasa Hyrsos na ako. I was unconscious nang ibiniyahe ako pabalik sa Hyrsos. As soon as my vital sign is stable agad na akong inilipad pabalik sa palasyo.

Bukod sa head injuries ay wala ng ibang nakita pa ang family doctor namin ng icheck-up ako nito nang dumating ako sa palasyo. Nagkaroon ako ng temporary amnesia. It was hard to not remember anything, may mga iilan akong naalala pero kulang-kulang.

For five months nasa palasyo lang ako hindi ako pinayagan ni lolo na umalis o kahit lumabas ng palasyo. It was so boring...it bores me to death. Gusto kong lumabas pero hindi ako makatakas sa mga guards na dumoble ang bila na nagbabantay saakin.

Wala akong ibang mukhang nakikita kundi ang mga servant, butler, guards, si lolo at si Estefan.

For one year si Estefan lang ang madalas kong makasama. At dahil din sakanya kaya minsan ay pinapayagan akong lumabas ni lolo sa palasyo. Kaya naman nakasanayan ko na din ang presensiya ng lalaki. Hindi naman nagbago si Estefan hambog na prinsepe pa din pero kahit na ganoon ay nakikita ko namang nag-aalala siya para saakin at para hindi daw ako mabored na siya lang ang kasama ko nag-aral siyang magsalita ng tagalog. He's a fast learner ilang buwan lang ay tuwid na ang pagsasalita nito ng tagalog.

Hindi na ako muling bumalik sa kahit na anong University. Homeschool na ako pagkatapos ng aksidente. Masaya naman. Pero hindi ko naman maranasan ang totoong buhay ng isang kolehiyala. Pagkatapos din ng aksidente naging mas mahigpit si lolo saakin.

Ayaw na sana niya akong pabalikin pa sa pilipinas. At ayaw na niya akong magkaroon pa ng connection kay Pierre. I promise grandpa na hindi ko kokontakin si Pierre pag dumating ako dito.

This is actually Estefan idea. Sinabi niyang gusto niyang icelebrate ang birthday niya dito sa pilipinas. I know he's helping me because I miss Philippines. This place will always have a special place in my heart.

"You're coronation will be next week, Princess Caroline. I'm sure Prince Estefan will be your date and probably you're soon to be king. I can't wait to hear the announcement of you two's relationship and your coronation."

"I told you Estefan and I...we're just friends."I laugh at them. Shaking my head.

"She's right. We're just friends."segunda naman ni Estefan pero mukhang hindi naman naniniwala ang mga kaibigan.

Sa huli ay makahulugan na lang silang tumawa. We're having a blast. Ngayon ko lang naenjoy ang circle of friends namin nila Estefan. Kahit pala mga prinsesa at prinsepe sila ay parang mga normal na tao lang sila.

"Uuwi kana ba agad sa Hyrsos?"Estefan asked. Nagkakasayahan na ang iba at nagtungo na sa dance floor. Halos sila na ang umukupa n'on.

"Yeah. Baka ibitin na ako patiwarik ni lolo."I joked. Natawa siya doon at dumekwatro ng upo.

Stuck with the Cupid's Arrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon