Chapter 7

3.2K 106 1
                                    

Bahay-bahayan

Panay ang buntong hininga ni Pierre sa tabi ko habang busy akong nakatutok sa laptop na binili niya para saakin.

This is the third day of my online class. Lalaki ang professor ko at magaling itong magturo. Madali kong nagegets ang lesson o dahil fast learner naman talaga ako kaya hindi na ako nahirapan pa.

Tapos na ang exam ni Pierre noong nakaraang linggo pa. Ang sabi niya wala ng ginagawa ngayon sa Hacres Harith kaya hindi na siya pumasok. Pero nakaantabay naman saakin habang nag-aaral ako mabuti na lang at hindi niya ako ginugulo iyon nga lang panay buntong hininga niya tuwing nagkakausap kami paminsan-minsan ng professor na wala naman sa pag-aaral ang topic. Mga simpleng tanong lang katulad ng "Kumain ba daw ako bago kami nagstart?" Pag napapatingin ako sa gawi ni Pierre na katabi ko lang at nakikita niya ang kavideo call ko sa laptop samantalang hindi siya nakikita n'on. Nakasimangot siya at tinataasan ako ng kilay tuwing lilingunin ko siya.

"Is there something wrong, Rain? Hindi mo ba masagutan? What number igu-guide kita?"Professor Dantes asked nang makitang umiiling-iling ako.

"Ah. No. Wala namang problema."I answered.

"Tss,"Pierre snorted.

Mukhang narinig iyon ni Professor Dantes dahil agad itong nagtanong."Who's that? May kasama ka ba diyan?"

"Ah. Wala. Just a...cat."pagsisinungaling ko. Hindi ko kasi puwedeng sabihin na kasama ko si Pierre dahil siguradong maguusisa ito at baka malaman pa nito na nakatira ako sa condo ni Pierre.

Ang sabi saakin ni Pierre si tita Paris ang nagrecommend kay Professor Dantes. Anak daw ito ng kabatchmate niya n'on at kaclose.

Pero ewan ko at kung bakit busangot ang mukha ni Pierre sa gilid.

Maya-maya pa ay tumayo ito at nagtungo sa kitchen. Ako naman ay nagconcentrate na sa pagsagot sa activity.

Less than half hour natapos ko na agad ang pinapasagot niya."DONE!"masayang deklara ko at ngumiti kay Professor Dantes, samantalang mukhang gulat naman ang lalaki sa kabilang linya."Wow! You're really good. I can't believe natapos mo ang pinapasagot ko sa loob lang ng kalahating oras. That's not an easy question."

"Hehe,"iyon na lang ang nasabi ko at nahagip ko ng tingin si Pierre na pabalik na dito may bitbit na tray, napanguso ako at iniisip kung anong dala-dala niya.

Naglaway ako ng ibaba niya ang tray sa lamesa at makitang dessert iyon. What do you called that again? Ginawan na niya ako nito noong nakaraang araw e. Hindi ko pa iyon natikman sa palasyo at hindi din naman ako madalas kumai ng mga desserts doon.

This sweet yummy soft thing is now my favorite. Ang sarap non!

Maya-maya pa ay tumunog ang bagong biling cellphone saakin ni Pierre pati sim.

He texted me.

From: Pierre the Womanizer Corrins

I prepared your meryenda. Kumain ka muna. I'm sure may break time kayo diba?

Nang lingunin ko siya ay nakaupo na siya sa tabi ko at nakangisi.

Mas lalo akong napanguso at natakam.

"Ah, professor Dantes, may ipapagawa pa po ba kayo saakin?"I asked professor Dantes.

"Wala naman na. Halos natapos mo na lahat ang mga ipapasagot ko sayo for today. Siguro discussion na lang at sa susunod ay may exam ka."

"Ah. Can I go now? Puwede bang isend mo na lang through email ang mga handouts? Para maaral ko din...medyo mahina kasi ang signal dito. Nakikiconnect lang kasi ako sa kapit bahay e."

Stuck with the Cupid's Arrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon