Celebration
Sa Hyrsos cinelebrate ang sixteen birthday ko at katulad ng nakagawian engrande iyon at hindi lang basta handaan. Nandoon din ang mga Corrins. Gulat pa ang mukha ni Pierre Corrins nang bumaba ako sa grand staircase ng palasyo.
I grinned at him when our eyes met. His brows furrowed and he took a sip on his glass habang nakikipag-usap sa mga pinsan. Sa kabilang table naman ay ang mga matatandang Corrins na may iba ding pinagkakaabalahan, probably about business since nakita ko din doon si lolo at ang iba pang bisita namin.
Alam na din ni lolo na nagiging malapit ako sa mga Corrins. Wala namang problema iyon sakanya ayon nga lang meron siyang dalawang specific na taong gusto niyang huwag ako masiyadong makihalubilo. Ayaw niyang maging close ko si Ashen Corrins at si Pierre Corrins dahil kapwa playboy at womanizer ang reputasyon ng dalawa. Matinik at lapitin daw ng babae. Siguradong problema lang ang dala. Grandpa even told me na mas papaboran niya pa kung si Park Corrins ang magiging close ko lalo na at kilala ito sa pagiging gentleman. Tinawanan ko na lang si lolo at hindi na namin iyon pinag-usapan.
Nang lumapit ako para makipag-usap saglit sa magpipinsang Corrins ay agad nila akong winelcome. Ipinaghila ako ni Park ng upuan na inaasahan ko naman na gagawin niya mula sakanya. I smiled at him politely and told him na hindi na ko uupo dahil ieentertain ko lang sila saglit at lilipat na sa ibang table but they all suggested that I should sit.
I chuckled before sitting down. Pagod na din naman ako e. Sasabihin ko na lang kay lolo na hindi na ko mageentertain ng ibang bisita dahil pagod na ko. Ang bigat ng gown na suot ko at sobrang taas ng heels na suot ko. Ang hirap maging babae pero mas mahirap kung prinsesa ka. I shook my head mentally.
"Happy birthday, your highness!"medyo pabirong bati ni Ashen saakin.
"Thank you."I said laughing at his joke.
"Sixteen kana. Siguradong madaming manliligaw sayo pagbalik mo sa Hacres Harith."dagdag pa niya.
"Ashen, she's still young. Sixteen palang. And I don't think she can allow just some kind of suitors."si Park iyon.
"She's a Princess, Ashen. Hindi basta-bastang babae."seryosong sabi ni Deyron Corrins na sinang-ayuan naman ni Elysian Corrins.
"Woah! Tama na. Baka naman dahil alam niyo ng prinsesa ako...may special treatment ako? Just treat me normally. "May diin na sabi ko sakanila.
"Huh? We'll treat you like how we treat our girl cousins and si Zoey."ani Deyron. Kahit na parang seryoso ay mabait naman ang lalaki.
"Oo nga. Hindi porket prinsesa ka e makakaasa ka na itratrato kita sa mansion namin na parang prinsesa."Pierre grinned."Sa mansion namin you're just normal."
I still don't like Pierre pero kumpara sa limang Corrins mas madalas ko siyang makasama dahil sa mansion ako nila tita Paris naglalagi. Gustong-gusto kasi ni tita Paris na bumibisita ako doon. Pangarap pala niyang magkaroon ng anak na babae pero hindi nangyare. Kaya naman ng dumating ako ay pakiramdam niya nagkaroon siya ng anak na babae.
"Whatever, Pierre."I rolled my eyes.
Mas lalong lumapad ang pagkakangisi niya at nang oras na para sa sayaw ay tumayo na ko at iniwan ang table nila.
I'm dancing with Stefan. I know him since I was three? Guwapo ang lalaki at kaedad ko lang din ito pero mayabang.
He grinned proudly while we're dancing. Nagpapalakpakan ang mga nanunuod saamin at todo ngiti pa ang lalaki.
"Smile, Caroline."utos niya habang sa mga taong nanunuod pa din ang tingin niya.
Sarcastic ko siyang nginitian nang lumingon siya saakin. I don't like Stefan either. Kumpara naman kay Pierre mas nakakabwisit si Stefan. Ang kabwisitan ko kay Pierre ay kaya ko pang itolerate at natutuwa ako pag nabwibwisit ko siya. Pero si Stefan...I just hate him basically. Ayoko lahat sakanya. Ang blonde na buhok niya, pati ang pananamit niya. Nakakainis ang lahat sakanya.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Cupid's Arrow
RomancePierre Corrins (4) He lost all his control whenever she's around and he's not blind to see that he is falling for the trap because he is now stuck with the cupid's arrow.