Annoy
"Rain, nanliligaw ba sa iyo si Pierre Corrins?"minsang tinanong ako ng mga kuryoso kong kaklase. Agad silang nagkumpulan sa table ko dahil doon.
"Ghorl, uso ba sa mga Corrins ang manligaw? Si Park puwede pa pero ang ibang Corrins I doubt that."iling naman ng isa kong classmate na babae. At sang-ayon naman ako doon. Natatawa na ko sa isipang manliligaw si Pierre sa babae. Marunong ba 'yon? Siguradong hindi.
"Eh ano pala?"tanong ng classmate ko na naunang nagtanong bago bumaling saakin."Madalas kasi kayong makitanh magkasama e. May usap-usapan pa na lagi ka naglalagi sa mansion nila."she added.
To be honest it's annoying! Bakit nililink nila ako sa womanizer na 'yon? 'Ni hindi sumagi sa isip ko ang magkagusto doon o ang ligawan ako n'on.
"Wala. Parang kuya ko lang iyon."I answered them.
Mukha naman silang nagdududa sa sagot ko pero nagkibit-balikat na lang ako. Bahala sila mag-isip.
Nagdoorbell ako sa pinto ng condo ni Pierre. Ayoko sanang pumunta dito pero pinakiusapan ako ni tita Paris na dalhan ko daw ng pagkain si Pierre which is I find it odd. Ano siya bata?
I rung the bell 2 times bago may nagbukas n'on.
Isang babae. I don't know her. Mukhang bago nanaman pero in fairness maganda at matangkad. Ang gagaling talagang pumili ng mga magpipinsan ah.
"Yes?"she raised an eyebrow."Who are you?"tanong niya pa at tinignan ako simula paa pagkatapos ngumisi na parang iniinsulto ako pero hindi ko na lang pinansin iyon dahil wala naman akong pake.
"Ah. Where's Pierre?"I asked her.
"Nasa shower. Naliligo pa."she answered with a malice on her tone.
Tumango ako at iniabot sakanya ang dalang paper bag."Pakibigay na lang daw 'to."I told her.
Tumango siya at kinuha ang paper bag. Magpapasalamat na sana ako pero nakangisi siya ng mag-angat ng tingin mula sa hawak na paper bag papunta saakin at slow motion na binitawan iyon.
Medyo nanlaki ang mata ko sa ginawa niya pero agad ding nakabawi. This bitch!
"Oops. It slipped."tila inosenteng sabi niya saakin.
"Sinong kausap mo diyan?"I heard Pierre's manly voice from her behind.
"Nothing. It's just a kid mukhang patay na patay din sayo. Go ahead at magbihis kana."pagpapaalis sakanya nung babae pero hindi umalis si Pierre at sumilip pa.
Napamura ng malutong si Pierre nang makita ako.
"Rain,"aniya na tila nagpapanick.
"You know her?"nagtatakang tanong ng babae pero hindi siya sinagot ni Pierre dahil nasa akin ang atensyon nito.
"What are you doing here?"tanong ni Pierre saakin. Nakatapis pa din siya ng tuwalya at parang nakalimutan na niya iyon bigla.
"Pinapunta ako ni tita Paris para dalhan ka ng pagkain."kibit-balikat na sagot ko sabay turo sa paper bag na nasa sahig."Pero itinapon niya."at tinuro ang salarin.
Umakto naman na nagulat ang babae."I didn't, Pierre. It was an accident it slipped on my hands."she reasoned out.
Napapailing ako habang nagdadahilan pa ang babae sa harap ni Pierre. Maganda at matangkad nga pero ang ugali? Kinulang sa kagandahang asal.
"Leave."seryoso at malamig na utos ni Pierre doon sa babae na ngayon ay mukhang hindi inaasahan ang sinabi ni Pierre.
"W-What? W-why, Pierre?"pinalandi niya pa ang boses at hinawakan ang kamay ni Pierre pero tinabig lang siya ng lalaki.
"I said leave!"madiing utos ni Pierre sa babae.
Walang nagawa ang babae at hindi makapaniwalang lumabas ng condo ni Pierre pero bago iyon mabilis na pumasok si Pierre sa loob at hinabol iyong babae.
"Alyssa!"agad na huminto ang babae at nangingiti na nilingon si Pierre."I knew it. Hindi mo ko matiti---"
"You forgot your things."at inangat bi Pierre ang bag ng babae na nawala na ang ngiti.
Inis na kinuha nung Alyssa ang bag niya at nagmartsa na paalis.
Bumalik saakin si Pierre at pinulot ang paper bag.
"Thanks."he said.
"Sige aalis na ako."tinalikuran ko na siya.
Palaging ganito ang eksena pag may kinalaman kay Pierre. Minsan ay nababadtrip na ko sa mukha ng lalaki.
Kaya naman n'oong magsummer vacation na at niyaya ako ng mga Corrins na sumama sakanila magbakasyon sa isang province dito lang sa pilipinas at hindi out of the country para naman daw maiba ay hindi ako sumama.
Palagi na lang akong pinag-iinitan ng mga babae ni Pierre. Obviously he's not my type.
Pagbukas ko ng pinto sa mansion si Estefan ang bumungad saakin. WHAT IS HE DOING HERE!?
"Estefan!?"medyo tumaas pa ang tono ko dahil sa pagkabigla na siya ang pinagbuksan ng pinto.
"Good afternoon, Princess Caroline."he smiled widely. Nakakainis talaga siyang ngumiti kahit kelan.
"Anong ginagawa mo dito?"I asked him. Nangunot ang noo niya dahil hindi ako maintindihan. I fake a cough."I mean what are you doing here?"
"Oh."napatango siya."I requested my parents to go here. It's already summer here and you'll spend your summer vacation here in Philippines so I presented myself to accompany you to any places you want to go, Princess."he humbly said.
Napangiwi ako sa sinabi niya.
"RAIN!"
Napalingon ako sa likuran ni Estefan at nakita doon si Ashen at Pierre. Lumingon na din sakanila si Estefan ng nakakunot.
"May bisita ka pala."si Ashen nang makalapit silang dalawa saamin.
"Yeah."hindi sinasadyang napabaling ako kay Estefan na mas lalong nakakunot ang noo malamang dahil hindi niya maintindihan ang sinabi ni Ashen.
Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto at inimbitahan silang pumasok sa loob.
"Anyway, Princess Caroline, where's your servant? Why are you the one who opened the main door for me?"Estefan asked curiously. Iginala nito ang paningin sa kabuuan ng mansion.
"I'm in the living room and I have nothing to do so I volunteered to open the door, Estefan."
"Anong ginagawa ng payatot na prinsepe na iyan dito?"mayabang na tanong ni Pierre nang makaupo kami sa living room.
"Pierre,"I glared at him. Mabuti na lang at hindi siya naiintindihan ni Estefan pero napapakunot ang noo ni Estefan na para bang may ideya na siya ang pinag-uusapan.
"Why? Totoo naman e. Tignan mo..."sabay turo kay Estefan na confused na confused na ngayon.
"What? Me? What is he saying, Princess Caroline?"takang tanong ni Estefan saakin.
"Nothing, Estefan."sabay iling ko."Pierre, stop it!"utos ko naman kay Pierre.
Naiiling kong ibinaba ang telopono pagkatapos makausap si lolo. He is happy that Estefan is here. At sinang-ayunan din nito ang naisip na ideya ng lalaki na samahan ako sa bakasyon ko...na wala naman talaga akong plano sa totoo lang.
"Kaya naman pala ayaw mong sumama sa vacation trip namin may iba ka palang plano kasama ang payatot na iyon."nakasandal sa gilid ng pinto si Pierre at nakahalukipkip.
"Pierre! Bigla-bigla kang sumusulpot!"
"Tss."ungot niya at inirapan ako.
"Problema mo?"
"Sumama na lang kayo sa amin. Mas masaya pag madami."sabi niya na para bang ang lalim ng iniisip niya.
"Sige."I shrugged my shoulders.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Cupid's Arrow
RomancePierre Corrins (4) He lost all his control whenever she's around and he's not blind to see that he is falling for the trap because he is now stuck with the cupid's arrow.