HBV 5: Destination

2.2K 106 40
                                    

Joanna

Hindi pa rin tumitigil ang mga luha na nag lalandas sa aking mukha.

Hindi na kami nakapag-usap pa ni Aaron, dumiretso siya ng alis pagkatapos ng kanilang meeting at hindi pinansin ang muli kong pagmamakaawa. Pinaalis na rin ako doon sa building nang makita nila ang pagtataboy sa akin ng kanilang boss.

Ayaw niya na, napagod na siya. Sumuko na siya at baka hindi na rin ako ang kinikilala nilang ina ng pamilya.

Napangiti na lamang ako ng mapait. Wala akong karapatang mag salita, ako ang umalis, ako ang nang-iwan pero sa tingin ko ay may karapatan pa rin akong masaktan. Hindi ko ginusto ang desisyon ko noon.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo? Saan po tayo pupunta?" Napatingin ako sa aking harapan nang mag salita ang driver. Mukhang gusto pa sanang niyang itanong kung anong nangyari ngunit pinipigilan niya ang sarili.

Sobrang lamig ng aking mga kamay habang tinitignan si manong na nag hihintay ng sagot. Hindi ko alam, kung ako ang papipiliin ay hindi muna ako mag tutungo doon ngunit wala ng oras.

Huminga ako ng malalim at bahagyang ngumiti bago tumingin muli kay manong at nag salita,

"Sa Garden Villa po tayo, kuya." Tumango ito at hindi na muling nagsalita pa.

Habang tinatahak namin ang pamilyar na daan ay hindi ako mapakali.

Change is seen everywhere.

Alam kong magagalit si Aaron sa akin at baka isumbat niya ang mga desisyon ko...pero kailangan ko itong gawin. Sasaluhin ko lahat ng masasakit na salita basta't makasama ko muli sila.

Sana ay mapatawad nila ako.

Ang lugar na tinatahak namin ang naging saksi sa pagmamahalan namin noon na sana kung hindi lang ako umalis ay mayroon pa rin ngayon. Halos mawalan ako ng hininga nang makita ko na ang destinasyon. Doble doble ang pag pintig ng aking puso habang papalapit kami.

Kailanman ay hindi ko kayo kinalimutan, lagi ko kayong iniisip ng ating anak. Sa taong nag daan, ilang beses kong hiniling kung maaari na ba, pero puro iling lamang ang sagot na aking natanggap. Pasensya na't nahuli ako ng dating.

Inihanda ko na ang aking sarili para dito, ilang araw ang ginugol ko para sa pag kikitang ito ngunit iba pa rin sa pakiramdam kapag nangyayari na ito sa aking mismong harapan.

"Hi mine tawagin mo akong yours hehe. Upo ka na dito."

"Architect Joanna Fernandez Villamor, diba bagay mahal? Ikaw mag dedesign ng bahay natin ha? Tsaka ilang anak ba ang gusto mo?"

"Will you marry me?"

Pakiramdam ko ay nabubuhay na lamang ako hawak ang pag-asa ng nakaraan kung kailan masaya pa ang lahat at hindi ko kinailangan na mamili kalaunan. We were very happy back then, I just wished they still felt real happiness even without my presence.

Kahit kamuhian pa nila akong lahat, I never regretted my decisions. Kahit paulit ulit pa akong papiliin, parehas lamang ang isasagot ko. It's better this way, less damage from what could have happened. This is for the best...

Ilang minuto pa ang itinagal ng biyahe at tuluyan ng tumigil ang sasakyan. Agad akong nagbayad at bumaba sa taxi.

"Ingat ka ineng," Ayan ang huling bilin ni manong bago humarurot paalis.

Hinanda ko na ang aking sarili para dito. Dahan dahan akong nag lakad papunta sa pintuan ng isang bahay.

The house that I personally designed, nothing changed on the outside but that didn't make me feel any better.

Ang kulay kahel na pintura, gano'n din ang maliit na playground para sa aming anak.

Kamusta na kaya ang anak namin? Alam kong hindi siya pinabayaan ni Aaron. Sana lang ay tinupad niya ang pangalan na isinulat ko, Sofia Kresia.

Matagal kong tinitigan ang pintuan sa aking harapan. I took a deep long breath before pressing the door bell. I anticipated the reactions from both faces...

pero ang pag-asang pinanghahawakan ko ay biglang naglaho.

"Hi! Ano pong kailangan nila?" Bumungad sa akin ang isang magandang babae. Napaka-lamyos ng kanyang boses at halatang may pinag-aralan.

"U-uhm...Aaron?" Hindi ko alam ang sasabihin ko gayong iba ang lumabas sa aking inaasahan. May iba na ba? Talaga bang huling huli na ako?

Ngumiti ang babae sa akin at tumingin sa kanyang likuran.

"Aaron! May bisita ka, aalis na ako ha? Nag hihintay na ang mga bata." Sigaw nito at hindi na hinintay sa sagot ni Aaron.

Mga bata?

"Ako nga pala si Kristin. Sige ha? Mauna na muna ako, paki-antay na lang si Aaron." Muli itong ngumiti sa akin at kumaway umalis.

Hindi pa ako nakakabawi sa pagka-bigla nang humarap naman sa akin si Aaron na nakakunot ang noo.

His face is devoid of any expression.

"What are you doing here?" Titig na titig siya sa akin at hindi kakakitaan ng gulat ang kaniyang mga mata.

He still knew how hard headed I am.

I thought I was ready for this. But honestly, I am just fooling myself, hindi ko pa kayang salubungin ang kanyang mga mata na puno ng pait at galit.

Of course, I know for sure that my husband hated me. 'Yung lalakeng pinakasalan ko, pinangakuan ko, minahal ko at iniwan ko.

"I n-need to see our daughter." My voice came out hoarse but I need to act all tough. I felt my stomach spinning, it made me nauseous.

"The audacity." He is calm this time but I know for sure that he is raging mad inside.

Before speaking again, I gained all the courage that I can get.

"Aaron, I'm staying here." I looked up at him straight in his eyes. Halos manginig na ako sa harapan niya ngunit pinipigilan ko ito at pilit na pinakakalma ang sarili. Sinubukan kong makipagtagisan ng titig para ipakitang hindi ako aatras.

"Why though? Have you run out of money?" Diretsong saad niya habang nanunuya ang mga tingin.

I felt a pang of pain in my chest. I am deeply hurt but I don't have the right to be mad. I made him feel that way. It was my choice and decision. It is my fault, I have to live with it.

VOTE | COMMENT | FOLLOW

Her Broken Vow ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon