Hello SsenasyA, thank you.
--
Joanna
Abala ako sa pag hahanda ng makakain namin. Kahit sa ganitong paraan man lang ay maipakita ko ang pag mamahal sa aking pamilya.
Masakit ang nangyaring pag-uusap namin ni Aaron nitong huli ngunit wala na akong ibang magagawa kundi tanggapin ang naging resulta.
"Ate Joanna, what are you cooking po?" Agad akong napalingon sa aking anak na nakadungaw sa kalan.
"Hmmn adobo ana-Sofia." Nakita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata sa aking sinabi.
"Wow! Paborito po namin ni daddy yan, ate!" Mas lalo akong napangiti sa kanyang turan pero...
"Thank you po, palagi rin po kasing adobo ang niluluto ni Mama Kristin para sa amin." Purong saya ang nakapaskil sa kaniyang magandang mukha. I never intended to be hurt by what she said, but I felt that way.
"M-mama Kristin?" Aking pagtanong.
Bahagyang nalungkot ang mga mata ng aking anak nang itinaas niya muli ang kaniyang tingin sa akin.
"Sana po siya nalang mama ko, wala po kasi 'yung real mommy ko."
Nakaramdam ako nang pagkirot sa aking dibdib. Sana hindi ka galit sa akin anak. I'm so sorry baby.
If only I had the courage to speak up. If only it wouldn't affect you so bad...
Ngumiti kaunti sa akin si Sofia bago muling nagsalita,
"Ikaw po ate Joanna? Mayro'n po ba kayong baby?"
Ngumiti ako sakanya at dahan dahang tumango habang tinitimbang ang kanyang reaksiyon.
Magsasalita na sana ang aking anak nang bigla itong maantala dahil sa tunog ng door bell.
"Ako na po ate, continue cooking nalang po!" Hindi pa man ako nakakasagot ay kumaripas na siya ng takbo.
Sinundan ko siya nang tingin bago muling hinarap ang kalan at ipinagpatuloy ang pagluluto. Ilang minuto ang lumipas at napatigil ako nang maulingan ang boses ng isang lalakeng bata.
"Hi Sofia! How are you?"
"Kuya Clark!"
"Where's Papa Aaron?"
"Daddy is sleeping pa kuya."
Palakas nang palakas ang mga boses kaya alam kong palapit sila nang palapit sa aking pwesto. Nanatili akong kalmado habang hinihintay ang bisita.
Hanggang sa dumungaw ang isang pamilyar na batang lalake sa pintuan ng kusina.
Takang taka siyang nakatingin sa akin bago ibinalik ang tingin kay Sofia.
"Kuya, this is Ate Joanna pala."
"Ate, this is my kuya Clark." Pagpapakilala ni Sofia.
"Hello po, good morning." Kiming bati niya sa akin na sinabayan nang kaunting kaway.
"Hi Clark, magandang umaga rin sa'yo." Lumapit ako sakaniya at niyakap ko siya, magaan ang aking loob sa batang ito.
Naramdaman ko naman ang pagyakap niya pabalik.
"Clark, anak?" Agad kaming napahiwalay sa pagkayakap nang may magsalita sa aking bandang likuran.
Dahan dahan akong lumingon at nakita ko ang babaeng nakasalamuha ko noon sa harap ng bahay.
"Ate Joanna, she's my mama po."
"Mama Kristin, she's ate Joanna our helper po." Mababakas ang tuwa sa mukha ng aking anak. Magkayakap silang dalawa ngayon.
BINABASA MO ANG
Her Broken Vow ✔
Romance[R 18+] "You're impossible. You left us. You left without any explanation. You left me with a child alone!" Joanna Fernandez-Villamor with Her Broken Vow. Language Used: English/Filipino 🖋 © grinnish greene
