Maybe people really come and go.
Aaron,
Pasensiya ka na at natagalan ang aking pagbabalik. Hindi ko lubos inisip na aabot sa siyam na taon ang dapat ay tatlong buwan lamang. Hindi ko pinangarap at ginusto na malayo sa inyo, sa katunayan ay gumagawa ako ng paraan noon para lamang malaman ang kalagayan niyo si Sofia. Sana nakita mo ang mga larawan na nakalagay sa unang pahina ng notebook na 'to.
Every picture represents that time that I was supposed to return home but it was not granted due to some problems along the way. I don't know where to start pero uunahin kong humingi ng tawad.
Alam kong malaki ang galit mo sa akin at patuloy pa rin akong hihiling kahit sa kabilang buhay ng iyong kapatawaran. Sana ay mapatawad mo ako sa aking mga kasalanan mahal.
Seven years ago was a bitter sweet life, masaya ako dahil nakilala kita noong college pa lamang tayo. Masaya ako na ikaw ang naging seatmate ko nung first day kahit na hindi pa kita type no'n. Naalala ko rin ang panahon na sinimulan mo akong ligawan sa tulong ni Liam, kamusta na rin kaya sila? Pakibalitaan nalang ako mahal dahil mukhang 'di ko na kasi kakayanin pa. Kung magkaroon man ng reunion, ikaw na rin representative ko.
Ang ganda ng mga alaala na nabuo ko kasama ka. Salamat sa munting ligaya. 'Yung panahon na nagpropose ka sa akin, wala akong ideya noon dahil akala ko ay magkakaroon lang tayo ng simpleng laro ngunit sinurpresa niyo ako ng ating pamilya.
Salamat Aaron, lagi mong tatandaan na ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huling sandali. You became true to your words na magtatapos muna tayo, magtatrabaho, at mag-iipon bago ang pagpapakasal.
Nasisiyahan ako dahil ipinagpatuloy mo pa rin ang pangarap natin kahit na wala ako sa iyong tabi.
Pasensiya na dahil nababasa ng luha ang sulat na ito, tears of joy 'to mahal dahil nakasama ko na muli kayo ng ating anak.
Lubos akong nagpapasalamat sa ibinigay mong pagkakataon sa akin kahit hindi bilang isang ina. 'Wag kang magalala, naiintindihan kita at wala akong sama ng loob sa'yo. Naiintindihan ko na baka ito na ang kabayaran ng mga kasalanan ko.
Nga pala gusto kong sabihin na sobrang proud at saludo ako sa'yo dahil nagawa mong palakihin si Sofia ng mag-isa lamang. Ikaw ang tumayong ina at ama sakaniya at nagawa mo siyang palakihin upang maging mabuti at mapagmahal na bata. Napakabuti mong ama at asawa, Aaron.
Hinding hindi ko kailanman makakalimutan lahat ng sakripisyo mo sa ating pamilya. Pasensiya na at ako ang naunang bumitaw. Naalala mo pa ba ang pangakong binitiwan ko sa harap ng altar?
I'm sorry Aaron, I broke my vow.
Pasensiya na mahal dahil hindi ko napanindigan ang mga pangako ko sa'yo.
"to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part,"
But I always have loved you, it is always you. I love you, Aaron. Nakaya niyo na wala ako sa siyam na taon na 'yon, kaya naniniwala ako na kakayanin niyo muli sa pagkakataon na ito. Sa kaunting oras na naibigay sa akin ay kayo ang pinakamagandang alala na paulit ulit kong ipagpapasalamat sa diyos. Salamat sa lahat at pasensiya na sa aking naging pagkukulang...
About the money that I got from your own restaurant, I used it for medical purposes mahal. Nauubos na rin kasi ang ipon ko mula sa bangko that's why I needed to borrow some from our joint accounts in the bank. I tried to send you a message pero mukhang blocked na ang number ko sa'yo noong panahon na 'yon.
I want you to check the pillow in my room, kung ano ang halaga na kinuha ko noon ay ibabalik ko na ngayon. Pasensiya na rin at natagal ito katulad ng aking pagbabalik, I had to work for those, that's why it took years before I finally completed the amount dahil med'yo malaki ang kinuha ko sa bangko noon.
I was diagnosed with Acute Myeloid Leukemia when I left. I don't want you to end your life Aaron just because of me. So, I tried to hide the fact that I'm dying. Nagpakalayo muna ako and I tried alternative treatments for our baby to be safe that time, kasi baka p'wede pang malunasan 'to dahil maaga pa naman. I prayed everyday na sana mali 'yung finding sa akin ng doktor pero wala eh...maybe it is really meant to be this way.
I didn't want to risk Sofia's life either that's why I agreed with the doctor's plan, I needed to stay in the hospital for quite some time. Ito 'yung pinagpaalam ko sa'yo na business matter that will take a month in Siargao. You agreed because you trusted me that time and I'm sorry because I broke that trust. I know it caused you pain and heartbreak but despite that I am happy that you became an achiever and you've finally reached some of your goals in life. Hindi ko rin inakala na 'yun ang magiging huling pagkakataon na makikita kita. I'm sorry Aaron, dahil si Sofia na lang ang nakabalik sa'yo pagkatapos ng dalawang buwan.
Seven years na pabalik balik ang sakit na 'to mahal, nung akala naming ayos na magkakaroon nalang bigla ng komplikasyon. Ito ang naging problema kung bakit hindi ako nakabalik agad. Habang tumatagal dito ko na rin naramdaman ang hiya dahil ano pa nga ba ang mukhang maihaharap ko sa inyo?
I'm sorry for keeping this as a secret. Ayaw ko na mahirapan ka, ayaw kong makita mo akong naghihirap dahil sa isang sakit. I never wanted to be the cause of your downfall but either way, kahit na pinili kong lumayo...nasaktan pa rin kita and maybe that's the thing that I didn't see, na sa kahit anong piliin ko masasaktan ka pa rin but I believe that it was better off that way. Less damage from what could've been my death.
Wala ng lunas ang sakit ko, mahal. Sinubukan kong lumaban Aaron, seven years of fighting with this disease and it breaks my heart that it didn't become a full success. Siguro nga ay nabuhay ako at napasama sa mga survivors ng sakit na 'to pero sa taong lumipas parang hindi rin ako nabuhay dahil sa buong oras na 'yon ay ospital lamang ang naging tahanan ko kaya noong ibinalita sa akin na may taning na ang aking buhay, nagpasya na akong bumalik muli sa inyo.
Masaya pa rin ako dahil muli tayong nagkatagpo kahit sa panandaliang oras lamang.
One month, four days, and twenty hours. It was all worth it. Happy 7th anniversary, my love.
Paalam, mahal ko.
Joanna
VOTE | COMMENT | FOLLOW
BINABASA MO ANG
Her Broken Vow ✔
Romansa[R 18+] "You're impossible. You left us. You left without any explanation. You left me with a child alone!" Joanna Fernandez-Villamor with Her Broken Vow. Language Used: English/Filipino 🖋 © grinnish greene
