HBV 11: Promise

2.1K 78 8
                                    

Joanna

I am beyond shocked from what happened. Itinaas ko ang aking tingin kay Aaron na mukhang nagulat din sa kaniyang ginawa.

Agad siyang lumayo sa akin at mabilis na naglakad palabas ng bahay.

"Damn." I heard him mutter some curses before finally reaching the doorway of the house.

Then, everything was once again silent.

Naiwan muli akong nagiisa.

Lumipas ang ilang minuto, nakatulala lamang ako sa kawalan habang sinusubukang ibalik ang isip sa katinuan. Hindi ko mawari ang dapat kong gawin, hanggang sa lumipas ang oras bago ako kumalma ng tuluyan.

When everything sunk in, I had the courage to ran outside the house but of course, they had already left. That's when I started to silently weep...

Wala na akong ibang nagawa kun'di maghintay kung kailan sila babalik. Tatayo, uupo, lalabas, mananalangin at maghihintay muli.

Hindi ko alam kung saan isinugod ang aking anak, wala rin akong cellphone na magagamit upang tumawag at hindi ko rin alam ang numero ni Aaron.

Ramdam ko na napakawala kong kwenta bilang isang ina, wala man lang akong kaalam alam tungkol sa aking anak maliban sa kaniyang pangalan at edad.

Siguro nga ay tama si Aaron, hindi ko kailanman matatawag ang aking sarili na isang tunay na ina.

Isang oras hanggang sa naging dalawa at patuloy itong nadagdagan ngunit hindi pa rin nakakabalik ang aking mag-ama. Nakaupo lamang ako sa isang silyang nakaharap sa pinto, nagbabasakali na iluwa nito si Aaron at Sofia na pawang nakangiti.

Kinakabahan ako sa maaaring mangyari ngunit sinikap ko pa rin na mag-isip ng mga positibong bagay. Hindi ako dapat panghinaan ng loob para sa aking anak.

Matulin na lumipas ang araw at papalubog na nga ito habang hindi ko namamalayan ang pagsabay ng pagpikit ng aking mga mata dala na rin ng pagod mula sa pag-iyak.

Hindi ko na nakita pa ang oras nang makarinig ako ng ugong mula sa isang sasakyan. Hindi ko na rin muna ito binigyang pansin dahil sa pagod na aking nadarama.

Nagpatuloy lamang ako sa pagpapahinga, pilit binabawi ang lakas na nawala.

"Joanna," naalimpungatan ako dahil sa boses na tumatawag sa akin kasabay ng mahinang pagyugyog sa akin ng kung sino man.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at hinintay na makapag-adjust muna ang aking paningin sa liwanag na nagmumula sa bintana bago ako humarap sa taong nakahawak sa aking balikat.

Nang makita kung sino ito ay mas mabilis pa sa alas kwatro akong napatayo at napaayos.

"Aaron?" Nagising ng buo ang aking diwa habang nakatingin sakaniya. Inilibot ko ang aking mga mata sa sala ngunit hindi ko makita ang aming anak.

"Kamusta si Sofia? Kamusta ang anak natin? Anong nangyari sakaniya? Nasaan siya? Bakit hindi mo siya kasama?" Dirediretsong pagtatanong ko dahil sa sobrang pagaalala.

"She's fine as of now," Sagot niya habang nakatingin ng seryoso sa akin.

Mediyo nabawasan ang aking agam agam ngunit nandito pa rin sa aking puso ay kabang nararamdaman.

"Sofia is lactose intolerant, her body cannot properly digest lactose found in dairy products that's why she reacted that way when she ate the food you prepared." Pagpapaliwanag naman sa akin ni Aaron na tila tinatantiya ang aking magiging reaksyon.

Habang iniintindi ang sinasabi niya ay lubos akong nanlumo.

Ako 'yung ina pero simpleng bagay lang patungkol sa aking sariling anak ay hindi ko pa alam. I feel so guilty for what happened.

"I'm sorry, I d-didn't know about that. I'm really sorry," I tried so hard not to let my tears fall but great!

Kahit anong pigil ko ay patuloy lamang silang naglalandas sa aking pisngi.

Paano nalang kung may nangyaring masama sa anak ko dahil sa aking kapabayahan? Sa iisiping mangyari 'yun ay hindi ko mapapatawad ang aking sarili.

I'm sorry anak...

Silence enveloped our surroundings. Nakayuko lamang ako habang sinusubukang pakalmahin ang aking emosyon, ayokong isipin ni Aaron na nagpapaawa lamang ako sakaniya.

I am aware of my mistakes but my feelings are valid too but I don't know if he would understand that in the situation that we're in right now.

"I'm also sorry, Joanna." Saglit akong natigilan at gulat na napatingin sa kaniyang pwesto. For the record since I stepped foot in this house, ngayon ko lang ulit narinig ang kaniyang malamyos na tinig.

It's been long years since I last heard his soft voice, it's like a peaceful music ringing in my ears.

"I should be the one to apologize, Aaron. Ako ang mali, hindi k-ko man lang inalam bago ko nilagyan ng gatas ang adobo. A-akala ko kasi ay magugustuhan ng anak natin dahil 'yun ang paborito mo..." Dahan dahang humina ang aking boses habang binibigkas ang mga katagang iyon.

Who am I kidding?

It's been seven years since I left them. Marami na ang nagbago, hindi na kami katulad ng dati. Hindi na siya katulad ng dati.

Napatawa ako ng mahina bago tumingin ng diretso sa mga mata ni Aaron,

"Pasensiya na at nagpadala muli ako sa ating nakaraan." Sinabi ko ito dahil 'yan ang katotohanan.

Habang sila ay namumuhay na sa kasalukuyan ay heto ako, patuloy na binabalikan ang aming nakaraan.

Aaron kept his mouth shut while looking at me tila tinitimbang ang dapat niyang sabihin.

Eventually, he moved to another topic.

"I'm sorry for what I did. It felt like rage took over me that time. I have no excuses kasi nangyari na pero gusto kong humingi ng pasensiya." He stated those things with apologetic look in his eyes and sincerity heard on his voice.

That made me happy, at least. Hindi pa rin kinakalimutan ng aking asawa ang kaniyang naging pangako sa akin na hinding hindi niya ako sasaktan ng pisikal kahit anong mangyari.

"T-thank you, Aaron." 'Yan lang ang lumabas sa aking bibig kahit na ang dami ko pa sanang nais sabihin. Sinubukan ko rin siyang bigyan ng isang tunay na ngiti.

I wish I could do the same. I wish I could fulfill my promises. I wish I could stay...

and I wish that these thoughts will just go away.

VOTE | COMMENT | FOLLOW

Her Broken Vow ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon