High School Days...
Joanna
"Amin na nga kasi 'yan, hoy Liam!" Ang sarap talaga hambalusin nung kaibigan ko na 'yun. Napaka-pikon talo. Nakakastress talaga ang buhay kolehiyo unang linggo palang to tapos ang gulo gulo na ng buhay ko dito.
Nag liliparan ang mga papel at kung ano ano ingay ang maririnig sa bawat sulok ng silid. Naks, mature talaga ng mga tao dito.
Ganito ang everyday scenario sa loob ng klase namin, 'di mo masasabi na gagraduate na sa highschool eh 'yung mga tao dito, ang gugulo at kulit eh.
Napailing nalang ako nang sumagot si Liam sa akin na halatang nang-iinis. Sus, 'di lang alam kung paano bumawi sa banat ko sakaniya eh kaya pisikalan nalang ang gusto.
"Eh bakit ka kasi nambabara parang biruan lang 'yung kanina eh." Ngising ngisi pa ito na kala mo ikinagwapo niya. Yak! Mukha kang aso.
"Kasalanan ko bang mukha kang inidoro ha? Ikaw naman nag simula. Tigil tigilan mo 'ko parating na si ma'am." Saad ko habang nilalakihan ko ang aking mga mata. Ayaw ko na mapagalitan, ang aga aga kaya.
Ilang kaguluhan pa ang nangyari, may nag lalaro ng uno sa gilid, jamming, mga tsismosa at nagbabasa ng mga libro.
Pero masaya sa klase namin, walang ingitan at pataasan katulad sa ibang section. Tulungan at turuan kami dito para walang matira kung sakaling graduation na. Sabay sabay dapat kaming makatanggap ng diploma.
Naayos lamang ang sobrang gulo naming classroom nang pumasok 'yung teacher namin sa Literature.
Seryoso ang itsura ni ma'am kaya natahimik kaming lahat. Lumipas ang ilang segundong pakikipagtitigan ni ma'am sa amin bago may pumasok na isang estudyante na may itsura.
In fairness toned ang muscles niya, kitang kita rin ang panga at med'yo singkit. Siguro nasa 6'2 a g height niya tapos parang nasa 20+ din ang edad. P'wede na.
"Mr. Villamor, please introduce yourself to your batch mates since you are a week late for class." Mahinhin na pananalita ni ma'am. Ito namang si ma'am, grabe makangiti eh pag kami kami lang magkakasama sa room 'di 'yan namamansin kapag hindi kailangan.
Ngumiti muna ang transferee sa aming lahat bago pormal na nagpakilala.
"I'm Aaron Lucero Villamor, you can call me yours and I'll call you mine." Nag hiyawan ang mga lalakeng siraulo sa classroom habang napatili ang ilan sa mga kababaihan at napatawa naman ang aming teacher.
BINABASA MO ANG
Her Broken Vow ✔
Romance[R 18+] "You're impossible. You left us. You left without any explanation. You left me with a child alone!" Joanna Fernandez-Villamor with Her Broken Vow. Language Used: English/Filipino 🖋 © grinnish greene
