Joanna
Bago pa man mag takip-silim, nakauwi na galing sa ospital si Sofia.
Mabilis kong inasikaso ang kaniyang mga pangangailangan pero ako pa 'yung nagulat nang mag sorry siya sa akin kanina.
Naalala ko pa ang kaniyang buong sinabi,
"Sorry po Ate Joanna," nakayukong sambit nito sa akin, agad ko naman siyang dinaluhan at niyakap.
"Sorry po kasi po hindi ko nakain 'yung food pero masarap po 'yung luto niyo. Promise po, can you cook po ulit for us, please?"
at dahil diyan, nandito ako ngayon sa kusina habang nasa silid sa itaas ang aking mag ama.
Sinusubukan ko muling magluto at ngayon ay talagang inalam ko lahat ng bawal para sa aking anak, nais ko sanang bumawi dahil sa nagawa kong pagkakamali.
Sa ngayon ay fish chips naman ang aking lulutuin. Recipe ni Aaron ang gagamitin ko, ibinigay niya ang cookbook niya sa akin at sinabing lahat ng nando'n ay pwede kay Sofia.
Sobra akong natutuwa na nakamit na nga ni Aaron ang kaniyang mahal na propesyon. Parang dati lang, pinag-uusapan namin ang aming nga pangarap at ngayon isa na siyang ganap na chef.
Naging maayos din ang kaniyang pakikitungo sa akin, hindi ko alam kung tunay na nga ba ito o palabas lamang sa harap ng anak namin pero masaya pa rin ako.
Abala pa rin ako sa pagpriprito ng isda at sinabayan ko na ring gumawa ng lemonade, fruit slices at all-meat burger.
Si Sofia ang namili ng mga ito kaya naman agad akong pumayag sa kaniyang gusto. Sumangayon din si Aaron kanina. Hindi ko nga alam ang trip nila eh, dinner pero pang miryenda ang gusto.
Inaayos ko na ang mga prutas na ihahanda nang makaramdam ako ng presensya sa aking likuran.
"Ate Joanna?" Narinig ko ang malambing na boses ni Sofia habang papalapit siya sa aking gawi.
Itinigil ko muna ang ginagawa at tsaka humarap sa aking anak.
"Yes, baby?"
"Pwede po sama ka po sa amin ni daddy mamaya? Nood po kami movies sa kwarto niya." Nakatingin lamang sa sahig si Sofia na parang nahihiya sa kaniyang paki-usap.
Kami? Manonood ng magkasama?
"H-ha? Hindi ba magagalit ang daddy?" Nag-aalalang saad ko, kahit gusto kong pumayag agad ay kailangan kong intindihin ang kalagayan at nararamdaman ni Aaron.
Hindi maaaring sarili ko lang.
"Hindi po, pumayag po si daddy nung sinabi ko po, ate." Muli, nasilayan ko ang ngiti ng aking prinsesa.
Nakita ko itong tiyansa upang mapalapit sakanila kung kaya't pumayag ako sa paki-usap ng aking anak.
Ito ang unang beses na makakasama ko sila sa isang bonding moment. Kaya naman ay hindi ko mapigilan ang makaramdam ng tunay na ligaya.
Ipinagpatuloy ko ang paghahanda ng makakain habang si Sofia ay pinapanood akong magluto. Sobrang sayang maramdaman ang supporta ng aking anak kahit sa simpleng bagay lamang.
Kung dati pa kaya ako bumalik ay mas mararanasan ko ito?
Saglit akong napa-isip ngunit inalis ko rin ito agad.
I just focused on what I have right now. This is better than nothing.
Sa kalagitnaan ng aking pagluluto at paghahanda ay nagbukas si Sofia ng usapan.
"Ate, can we play a game po while waiting for the foods to be cooked?" She asked me while observing the foods being prepared.
"Sure, what game 'nak?"
"Hmmm...how about we tell something about ourselves nalang po? Like in school if it's first day of classes po."
"O-okay, you go first." I smiled at her. I am very glad about it. This could be our mother and daughter bonding.
"I am Sofia Kresia Villamor po, 8 years old and a grade two pupil. I enjoy Math and English subjects because I learn a lot of things from those. In the future, I want to reach my goals. I still still don't have a dream job but I want to be successful someday,"
"My father is Aaron Lucero Villamor, I love my daddy very much because he's always there for me. About m-mom, I l-love her too..." Humina ang kaniyang boses habang binibigkas ang apat na salita na 'yon.
I tried hard not to break down in front of my daughter.
I love you too, Sofia.
"Ikaw po muna ate, I can't think of something to say na po." She smiled at me and her happy usual self returned.
Ilang beses akong huminga ng malalim bago nagpasyang magsalita.
"I am Joanna Fernandez Vi-, 29 years old. I am an architect before that's why I enjoy Arts and Math subjects when I was still in school... I have a d-daughter and I love her more than anything in this world."
"May baby po kayo? Ano po pangalan niya ate?" Shock is visible through my baby's face.
"S-sofia," I looked at her straight in the eyes. Hinihintay ang kaniyang magiging reaksyon.
Sandaling tumahimik ang paligid na parang prinoproseso niya ang dapat sabihin.
"Ang galing, parehas po pangalan namin!" She exclaimed with glee, halata ang pagkakamangha sa kaniyang magandang mukha.
Kung p'wede lang sabihin na siya ang tinutukoy ko ay ipinaalam ko na ngunit ayaw kong mabigla si Sofia. Gusto kong ipaalam sakaniya ang lahat kung nakapag-usap na kami ni Aaron tungkol doon.
Natapos ang aming munting laro nang kinailangan ko ng ayusin ang nga pagkain. Naging mabilis ang aking sumunod na mga galaw, pinatikim ko rin kay Sofia ang mga pagkain and I'm very happy that she liked every bit of it.
Eksaktong alas-otso ng gabi ay handa na lahat. Tinulungan ako ni Sofia na mag akyat ng mga putahe sa silid ng kaniyang ama.
Nang marating ang ikalawang palapag, patakbo itong lumapit sa pinto ng k'warto ni Aaron at nagmamadaling kumatok.
Halatang excited ang anak namin, maski ako ay 'yun ang nararamdaman.
"Daddy! We're ready, okay na po 'yung foods!" 'Yan agad ang pambungad ni Sofia pagkabukas pa lamang ng pintuan.
"Alright, come in baby." Ngumiti ito kay Sofia at nang mapabaling sa aking gawi ang tingin ay tinanguan niya lamang ako at mas niluwagan ang pagbukas ng pinto.
Sumunod ako sa aking mag-ama, pinaghalong kaba at saya ang aking nadarama. Nang makatapak ako sa silid ni Aaron ay napansin ko agad ang pagbabago sa lahat.
Mula sa kulay ng dingding, I remembered choosing beige, but right now? It was changed into gray. 'Yung kama na pinapersonalize namin na gawa sa matibay na kahoy, ngayon isa na itong kama na gawa sa metal.
Alam kong maraming pagbabago ngunit umaasa pa rin ako na pag tingin ko sa aking kaliwa ay makikita ko 'yun. Sana makita ko ang naka-ukit na letra ng aming mga pangalan...
Dahan dahan kong itinaas ang aking tingin sa pader ngunit wala na ito.
Ano pa nga bang aasahan ko?
VOTE | COMMENT | FOLLOW
BINABASA MO ANG
Her Broken Vow ✔
Romance[R 18+] "You're impossible. You left us. You left without any explanation. You left me with a child alone!" Joanna Fernandez-Villamor with Her Broken Vow. Language Used: English/Filipino 🖋 © grinnish greene
