Joanna
"Ate! Dito ka po, tabi po tayo." Napaiwas ako ng tingin sa bandang iyon at mas nag pokus kay Sofia. Lumapit ako sa kaniyang pwesto at umupo sa carpet sa kaniyang tabi.
Si Aaron naman ay tumabi sa isang gilid ni Sofia matapos ilagay ang mga pagkain sa lamesita sa aming harapan.
"Okay na ba ang lahat?" Pagtatanong ni Aaron sa amin. Tumango kaming pareho ni Sofia.
Nang maayos na ang lahat, isinalang na ni Sofia ang papanoorin namin ngayong gabi na pinamagatang 'Inside Out.'
Napuno ng mga tawa at hagikhik ang silid. Sinusubukan ni Sofia nakausapin si Sadness na kunwari ay maririnig siya nito kaya naman napatawa lamang kami ni Aaron.
Kahit na hindi kami masyadong nag-uusap ng aking asawa ay ramdam ko ang kapayapaan na pumapalibot sa amin.
This is what I longed for. A bonding with my family, sana maulit muli ang aming pagsasama.
Naging masagana ang aming panonood, naluha ako ng kaunti, umiyak si Sofia, at hindi malaman ang ekspresyon ni Aaron nang maiwan si Bingbong sa palabas.
Nakakalungkot lang na parang ibinase talaga sa realidad ito... sometimes people just come and go.
"D-daddy, si Bingbong!" Palahaw na iyak ni Sofia habang sinusubukan namin siyang aluin ni Aaron.
"Shh baby, tahan na. Bingbong was left for a good cause naman diba?" Pakikipag-usap ni Aaron kay Sofia. Pinapaintindi niya na tama lamang ang desisyon ni Bingbong.
Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanilang dalawa. Yeah... Bingbong did it for a better cause. I hope Aaron would soon understand too that just like Bingbong, I left not just for myself.
After about two hours, natapos ang unang palabas. Nagkaroon muna kami ng ilang minutong pahinga kaya kinuha na itong opportunidad ng aming anak na magk'wento at magtanong sa amin.
"Ate and Dad," pagkukuha niya sa aming atensyon.
"What if you're both an emotion po? What will you choose po and why?"
Tumingin ako sa gawi ni Aaron bago ibinalik ang tingin sa aking anak at sumagot ng marahan.
"I think I'll choose joy 'nak just by looking at the smiles of the people I love... I want to make people around me be happy even if it'll cause my own happiness."
And just like that, Aaron answered back while directly looking at me not minding the curious stares of our child.
"I think I'll choose sadness Sofia. Since like in the movie, it can also be a core memory in our life. Sadness helps us to understand things that gave us pain, right? Kasi 'pag malungkot ka, napapa-isip ka."
Of course, ako ang unang nagbaba ng tingin sa aming dalawa. He may be referring to the movie but it felt like the message was meant for me.
We watched another cartoon movie while eating our snacks. This time me chose a different genre. Kaya rin pala ganito ang ipinaluto sa akin kanina may balak pala talaga silang mag movie marathon.
Nagpatuloy kami sa panonood hanggang sa 'di na namin namalayan ang oras. Ilang movies na rin ang natapos namin kaya hindi na ako nagtaka nang napa-idlip na sa kama ang aking mag-ama.
Umakto rin akong natutulog habang naka-upo sa gilid ng kama. Hindi pa ako p'wedeng magpahinga, may kailangan pa akong gawin para sa araw na ito.
Kanina pa nakapatay ang telebisyon at ilaw. Liwanag nalang mula sa buwan ang nagbibigay liwanag sa paligid at tanging ingay na lamang ng aircon ang mauulingan.
Pinalipas ko ang ilang minuto sa gano'n na posisyon at ng masigurado ko nang tulog na talaga silang dalawa sa aking tabi ay dahan dahan akong umalis mula sa pagkakahawak ng aking anak.
Sinusubukan kong 'wag gumawa ng kahit anong tunog habang tinatahak ang daan palabas ng silid.
Mas doble ang ingat ko ngayon upang hindi makagawa ng ingay na makakaistorbo sa pagtulog ng aking mag-ama. Kinakailangan ko rin na magmadali upang makabalik agad.
Ito ang usapan namin, kailangan kong tumupad.
Alas dos palang ng umaga base sa orasan na nakita ko sa sala bago makalabas ng bahay. Unang tapak ko palang sa labas ay ramdam ko na agad ang simoy ng malamig na hangin na tumatama sa aking balat.
Hindi na ako nagabala pang bumalik at kumuha ng jacket. It's too risky and time consuming because I need to be back as soon as possible.
As I walked around the subdivision, I didn't see someone passing by that's why I chose to fasten my pace to reach that particular place in no time.
Ramdam ko ang pagkabog ng aking dibdib, ito ang napagusapan namin noon. Kailangan kong makipagkita sakaniya sa ganitong araw at oras.
Ilang minuto pa ng lakad-takbo ay narating ko na ang parke sa loob ng subdivision. Mabuti na lamang at hindi nagbago ang parte na 'to ng subdivision. Everything is almost the same seven years ago.
Inikot ko ang aking paningin sa paligid habang hinahanap siya.
Then, I saw someone emerging from a big tree near the slide. Nasilayan ko agad gawa ng liwanag mula sa buwan ang bulto ng isang matikas na lalake.
It's him, he's really here.
Gamit ang mga maliliit na hakbang, dahan dahan akong lumapit sa kaniyang gawi habang inaalala ang lahat ng nangyari sa buhay ko noon na kasama siya.
"Jaz," mahinang bigkas ko sa kaniyang pangalan.
Umaasa ako na mali ang aking naiisip. Umaasa ako na baka hindi konektado sa kaganapan noon ang aming pag-uusapan.
I am really hoping...
Ngumiti siya sa akin ngunit may bahid ng lungkot na maaaninang sa kaniyang mga mata.
"How are you?" His voice cracked while tears were visible in his eyes. I felt nervousness creeping inside my body while returning his gaze.
"Masaya at buo ako dito, kumpleto na ang aming pamilya ngayong nandito ako. I can finally start a new life with my family, right?" I closed my eyes feeling tired from everything once again.
"Joanna, please-" Before he can finish his sentence, I chose to cut him off.
"Please Jaz...I don't want to go with you, again."
VOTE | COMMENT | FOLLOW
BINABASA MO ANG
Her Broken Vow ✔
Romance[R 18+] "You're impossible. You left us. You left without any explanation. You left me with a child alone!" Joanna Fernandez-Villamor with Her Broken Vow. Language Used: English/Filipino 🖋 Highest Rankings: #3 in suffer (4/2021) #3 in vow (4/2021) ...