HBV 15: Overflowing Emotions

2.3K 86 13
                                    

Joanna

Alas sais na ng umaga at nandito pa rin ako sa aking kama na nakaupo kaharap ang isang papel at lapis.

Para akong nawalan ng enerhiya dahil sa nangyaring pakikipagkita ko sa parke kanina, matapos ang halos trenta minutos na pakikipag-usap ay napagpasyahan ko ng bumalik dito sa bahay at lubos akong nagpapasalamat nang naabutan ko pa rin si Sofia at Aaron na nakahiga sa silid kung saan kami nanood. Ibig sabihin ay hindi sila naalimpungatan sa aking pag-alis.

Ngunit sa ngayon  ay hindi pa rin matigil ang aking utak sa kaka-isip. Ito na nga ba ang sinasabi ko, alam ko noon pa man na babalikan niya ako ngunit hindi ko alam na ganito kabilis. Isang buwan lamang ang naibigay sa akin.

Walang wala akong lakas upang umalis sa aking puwesto kaya naman nanatili lamang ako dito at hindi muna lumabas. Kailangan kong matapos ang aking ginagawa.

Lumipas ang ilang oras ngunit hindi ako nakarinig ng katok o kahit anong pagtatawag sa akin mula sa aking mag ama kaya hinayaan ko nalang muna ang aking sarili na magpahinga.

Ilang beses akong napabuga ng hangin at inayos at pinakalma ang aking sarili. Pinaghandaan ko na ito at wala ng oras para maghintay pa.

Kaming dalawa na lamang ni Aaron ang naiwan sa bahay ngayong araw dahil may pasok si Sofia. Narinig ko ang pagbusina ng kaniyang school bus kanina.

Pagkalabas ko ng aking silid ay hindi ko na ininda pa ang gutom na nararamdaman at agad na hinanap ng aking mga mata si Aaron ngunit hindi ko siya nahagilap kung kaya't dahan dahan akong umakyat sa ikalawang palapag.

Baka nandoon siya sa kaniyang k'warto. Kailangan ko siyang kausapin.

Nang marating ang harapan ng pinto ay huminga ako ng malalim bago marahan na kumatok.

"Aaron? Are you there?" Pinanatili kong kalmado ang aking boses kahit na nagpupuyos sa emosyon ang aking kalooban.

Wala pang isang minuto nang magbukas ang pinto at dumiretso lamang si Aaron papasok, ni hindi niya ako binalingan ng tingin.

Sumunod ako at nanatiling nakatayo sa kaniyang tabi habang siya ay nakatalikod sa aking gawi.

Ramdam ko ang pagkabog ng aking puso. Isama mo pa ang pagod na aking nadarama.

"M-mamaalam sana ako ng p-panandalian."

"Bakit?" His voice was hoarse na parang nagpipigil ng kung anong emosyon na nais lumabas sa kaniyang kalooban.

I remained silent. I just can't utter the right words. Ramdam ko ang panlalamig ng aking katawan habang sinusubukang magsalita.

"Aaron, m-may kailangan lang akong gawin." Kasabay ng pagbigkas ko sa mga katagang 'yun, ang pagpikit ng aking mga mata.

Hindi ko kaya. Hindi ako matapang.

Narinig ko ang pagak niyang pagtawa.

"Wow just wow, babalik ka sa buhay namin para ano? para umalis muli?" Sarkastiko ang kaniyang pagkakasabi nito na may halong pait kaya naman agad kong inagapan ang aking sinabi.

"N-no, I just need to do something." I looked at him pleading with sincerity. Kailangan ko itong gawin.

Ito na ang aking huling hakbang.

"What do you need to do then? Care to explain?" Kinakausap niya pa rin ako habang nakatalikod sa aking gawi kaya hindi ko malaman ang kaniyang reaksyon.

"I just c-can't...not n-now." I held my breath after stating those words waiting for his answer but surprisingly, silence enveloped the whole room.

Mas lalong lumakas ang aking nararamdaman na kaba dahil nanatiling parang estatwa si Aaron.

"For once, can you please just tell me the truth?!" Napaigtad ako nang bigla siyang lumingon sa akin kasabay ng kaniyang pagsigaw.

Kahit na sobrang hirap ay nanatili akong kalmado sa kaniyang harapan.

"A-alam kong ang kapal ng mukha kong humingi nito pero maaari bang pagkatiwalaan mo ako kahit ngayon lang?" Narinig ko ang mahinang pagkabasag ng aking boses, kahit ngayon lang ay magtiwala ka, mahal.

"Tiwala? Paano ako magtitiwala sa taong maraming sikreto? Nakipagkita ka sa kung sino nang madaling araw, hindi ba?"

Napaawang ang aking labi dahil sa kaniyang sinabi. Paano niya nalaman?

With the last strength that I have, I tried to ask.

"S-sinundan mo 'ko?" Gulat. 'Yun lamang ang ekspresyon na mababasa sa aking mukha. Hindi ko inakala na malalaman niya iyon! Hindi dapat.

"Bakit parang nagulat ka? Dapat ba ay sikreto ang inyong pagkikita? O baka naman wala ka talagang balak ipaalam?" Mas lalong nag alab ang emosyon na namumutawi sa mga mata ni Aaron habang nakatingin sa akin.

"Bakit hindi ka makasagot? Sabihin mo nga Joanna, paano kita pagkakatiwalaan kung marami kang hindi sinasabi sa akin?!" I can see the frustration in his face na parang pagod na pagod na siya sa akin.

"Ano? Makikipagkita ka ulit sa lalake mo? Siya ba ang dahilan kung bakit ka umalis noon? What do I even expect?" He said those words as if degrading my whole being.

I honestly got hurt so bad, parang bumaon sa aking puso at isipan ang kaniyang sinabi ngunit alam ko sa aking sarili na kahit kailan hindi ako nangaliwa. Sa loob ng pitong taon na iyon ay si Aaron lang ang aking minahal at patuloy na minamahal.

"Hindi ko siya lalake." Aking sambit sa mahinang tinig. Pinipilit kong maging matatag dahil ayokong umiyak, ayokong maging mahina sa harapan niya.

"Then tell me, sino 'yung kayakap mo?" Nanatili akong tahimik habang siya ay mukhang naghihintay ng sagot.

Mas lalong tumaas ang tensyon sa aming pagitan. Gusto ko siyang sagutin ngunit hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat.

Hindi ko alam kung paano ipapaintindi sakaniya ang aking mga nagawa noon. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang aking k'wento.

Hindi ko alam...

"Silence means 'yes' I suppose, then I got my answer." His voice became soft this time, it sounded dull and lifeless.

I know he's tired and I am too.

I just want to explain everything... I just want him to know what really happened. I just want to be truly happy with my family. Why can't it be?

"I always believed that you were the one. The woman at the end of my red string. The woman to stay by my side up to my last breath." He gave me a smile that didn't reach his eyes. This time, he lowered down his guard.

"Unang pagkikita palang natin sa klase hanggang sa naging magkaibigan tayo, sabay na nagtapos nang pag-aaral at natupad ang mga pangarap natin. In all my ups and downs, you were there. You managed to inspire me in every aspect of my life and I was grateful back then. And ever since we got married, I couldn't contain the overflowing happiness from having you as my wife." He explained brokenly but completely at the same time.

And again, he looked at me and smiled. But just like before, pain was evident in his eyes.

"Remember that time Joanna. We exchanged our vows that expressed how we wanted to navigate the path of life together. We made promises to work everything out, no matter how challenging our problems may be. We made vows to express our love and commitment to each other. It was a memorable day..."

"But unfortunately, you broke your vow, Joanna."

I felt my heart being squeezed tight. No one dared to talk for minutes until he chose to break the silence.

"Once you leave this house...again. Remember, there's no coming back." He said those words full of conviction.

I made my decision once again.

VOTE | COMMENT | FOLLOW

Her Broken Vow ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon