Kabanata 3 - Kiss

41 5 0
                                    

Samara's POV

Kanina ko pa pinagmamasdan ang babaeng hindi mo malaman kung namaligno o nakahithit na naman ng kung ano.Tulala kasi sya at parang wala sa sarili.Dahan dahan kong nginunguya ang chichiryang kinakain dito sa cafeteria.

Tinignan ko ang pagkain na nasa harap nya na hindi pa nya ginagalaw.

"Oi.Wala ka bang balak kumain?" sabay sipsip sa daliri kong nalagyan ng cheese powder.

Tumingin sya sa akin saglit bago tumingin sa pagkain at muling ibinalik ang tingin sa kawalan.

Kitang kita ang malaking ebidensya ng kawalan nya ng tulog dahil sa mga naglalakihan at nangingitim na eyebags nya.

"Psh.Daig mo pa ang may siyam na anak dyan sa hitsura mo.Mukha kang ewan." sabi ko habang binubuksan ang chichirya nyang hindi nya ginalaw.

"Ano bang nangyari sayo at sabog na sabog ka ngayon? Psh. Kaya walang nagkakagusto sayo e.Hindi ka na nga kagandahan hindi ka pa marunong mag ayos. Men..lalaki lang yan.Marami pang iba jan.Hindi lang si Kalem ang lalaki sa mundo."

Binuksan ko ang bote ng softdrinks at nilaklak ito pagkatapos ay nagsalita uli ako.

"Alam na naman nating gwapo sy at hot pa.Pero masyadong mataas ang pangarap mo girl.Doon lang tayo sa medyo gwapo hindi yung sa sobrang gwapo.Yung mga tipong gaya ni George diba? mga ganung lebel lang." Tukoy ko sa classmate namin na mukhang kalansay.

"Oh diba. May jowa kana may saranggola ka pa------

Hinampas nya ng malakas ang lamesa at tumayo.Napatingin naman ang sa amin ang iilang estudyanteng kumakain.

Kinuha nya ang bag nya at nagmartsa palabas ng cafeteria.

Eh?




Nyx' POV

Nakaupo ako at nakadukdok ngayon sa isang lamesang medyo walang tao dito sa library.Inaantok ako dahil hindi ako nakatulog kagabi. Hindi pa rin maiwaksi sa isipan ko ang mga nakita ko.

Hindi naman ako takot sa mga maligno pero iba pala talaga kapag nakita mo 'to ng dalawang mata mo at sobrang lapit pa!

Hindi ko malimutan ang nanlilisik at pulang pula na mga mata nya habang nakatingin sa akin.Paano kaya nakapasok ang isang maligno dito? Isa ba ako sa mga biktima nya?

"Ay maligno!" napatalon ako ng may humawak sa balikat ko.

Tinignan ko ng masama si Samara na bahagyang nagulat din.

"Bakit ka ba nanggugulat?!"

"Sshhhh!" sabi ng mga estudyanteng malapit sa amin.

"Anong nanggugulat? Kelan ka pa naging magugulatin ha?" mahinang sabi nya pero malakas pa rin sa pandinig dahil sa lakas ng bunganga nito.

"Shhhh! wag nga kayo dito mag away." pabulong na saway ng isang babaeng nakasalamin na may hawak na libro.

Umirap naman si Samara at hinila ako palabas ng library.

"Ano ba kasing ginagawa mo dun?Bigla bigla ka na lang nang iiwan.Akala ko ba besprens tayo poreber.May pa sumpa sumpa ka pa na walang iwanan pero iniiwan mo naman ako.Sabi mo pa saki----

Huminto ako sa paglalakad at nagkamot ng ulo.

"Saan ba tayo pupunta? Ang dami mong sinasabi." iritang wika ko.

The Vampire Tales (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon