Amicus' POV
"Sa palagay mo anong magandang gawin upang mapaghiwalay si Nyx at yung kasintahan nya?" tanong ni Caius habang pinaglalaruan ang kanyang baso na may lamang dugo.
Natawa naman ako sa tanong nya.Desperado na ang gago.
"Hindi mo pa rin ba matanggap ang pagkabigo mo sa kanya?" wika ko at sumimsim sa iniinom.
Nandito kami sa isang bahay aliwan at nagpapalamig.
"Nakakainis naman kasi. Gusto ko yung babae.Iba kasi yung ganda nya.Kakaiba sya."
Kakaiba.
Kakaiba nga ang babaeng iyon.Parang may kung ano sa pagkatao nya na naiiba sa lahat.
"Hindi ka ba nanghihinayang?" tanong nya.
Umiling ako.
"Hindi pa naman sila mag asawa.Puwede ko pa syang agawin.Paiibigin ko sya hanggang tuluyan nya nang iwan ang kasintahan nya at sumama sa akin." ngumisi ako ng nakakaloko.
"Seryoso ka dyan?" ismid nya.
Uminom muna ako bago sumagot.
"Seryoso ako." baling ko sa kanya.
Suminghap naman sya at ngumisi na parang demonyo.
"Tignan na lang natin kung sino ang mananalo.
Sisiguraduhin kong ako ang pipiliin nya."Napailing na lang ako nagpatuloy sa pag inom.
Beitris' POV
Pangalawang araw na ngayon at bukas kapag hindi kami nagtagumpay sa plano ay uuwi kaming bigo ni Nyx.
Hindi pwede 'to.
Sana hindi pa lumitaw ang susunod na pagpula ng buwan..At sana makita na namin si Kalem sa lalong madaling panahon.
"Kinakabahan ako para bukas.Paano kung hindi tayo magtagumpay?"
Napatingin ako kay Nyx na nakaupo ngayon sa tapat ko.
Ramdam ko ang pangamba nya.Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan nya ngayon.Kaya hangga't maaari ayokong ipakitang pinanghihinaan ako ng loob.
Buhay ni Nyx ang nakasalalay dito.Mortal sya at pwede syang mamatay rito anumang oras.Isang pagkakamali lang.Mawawalan ng saysay ang lahat ng pinagdaanan nya upang makapasok rito.
"Huwag kang mag alala.Gagawin ko ang lahat upang magtagumpay tayo.Nandito lang ako.Tutulungan kita." sabay hawak ko sa kamay nya.
Napangiti naman sya at pinangilidan ng luha.
Sa totoo lang hanga ako sa kanya.Sa tibay ng loob nya. Malakas sya at matapang sa panlabas pero kapag tumingin ka sa mga mata nya ay makikita mo ang kahinaan nya.At ito ay ang kanyang pamilya.
Ano kayang pakiramdam ang magkaroon ng pamilya?
Nyx' POV
"Pumikit ka." utos ni Hecate.
Pumikit naman ako at naramdan ang pagdampi ng mga daliri nya sa talukap ko.
Ngayong araw ang pagpuslit namin sa palasyo. Magpapanggap kaming bagong tagapagsilbi ng palasyo ayon sa plano.Dadakpin nila Caius at Amicus ang mga tunay na tagapagsilbing darating daw ngayon sa palasyo at kami ang ipapalit nila upang makapasok kami sa loob.
![](https://img.wattpad.com/cover/226754251-288-k871493.jpg)
BINABASA MO ANG
The Vampire Tales (Editing)
VampirThere's a new cool boy in the University and he has everybody talking. Stunningly handsome and has a cold personality, all the girls want him. However, Kalem Nikolaus Lawhitton has a secret--he's a ruthless vampire. Nicolette Jule or Nyx Arciaga is...