Kalem's POV
"Kalem."
Pababa na ako ng classroom nang may tumawag sa akin. Kahit hindi ako lumingon ay alam ko na kung sino ito.
"Anong balak mo kay Nyx?"
Hindi ako umimik.
"At bakit narito ka sa mundo ng mga mortal?"
Itinagilid ko ang ulo ko upang tigna sya.Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa pader.
"Huwag kang magkakamali Beitris." nagbabantang tinig ko bago umalis.
Nyx' POV
Literal na sumasakit ang ulo ko sa mga nalalaman ko.Yung akala kong nerd na lampang kaklase ko ay isa pa lang bampira.
Bakit ba nangyayari 'to sa akin?
Hinawakan ko ang ulo ko at dumudok sa lamesa.
"Oi babae. Wala kang balak magreview ha.Mamaya na yung exam natin.Baka gusto mo lang malaman." si Samara habang naglilipat ng pahina ng libro.
Pumikit ako dahil kahit anong review ang gawin ko ay walang pumapasok sa utak ko.
"Pakopyahin mo na lang ako mamaya." tamad na sabi ko.
"Psh.Hindi sakop yan ng friendship naten."
Tamad akong bumaling sa kanya bago dumukdok ulet.
Nang maghapon pumasok na kami sa huling klase para sa isang exam.Idinistribute ng propesor ang mga papel at wala akong nagawa kundi titigan ito.
Pumalumbaba ako habang nakatitig sa papel kong walang sagot.Tinignan ko ang mga kaklase ko at seryoso silang lahat na nakayuko. Bumuntong hininga ako tumingin ulit sa papel ko.
Lalagyan ko na sana ng pangalan ko ang papel ngunit nagulat ako nang mabilis na hinablot ni Kalem ito habang nakayuko ang propesor at may sinusulat.Taka akong napatingin sa kanya. Ipinagpalit nya ang mga papel namin saka ito muling ibinalik sa akin.
Tinignan ko ang papel na may kumpletong sagot na at may pangalan ko pa sa itaas!
Tinignan ko sya ng may pagtataka ngunit tamad na tamad lang syang sumasagot sa test paper ko kanina.
"Time's up..Please pass your papers." anang propesor.
Tinignan ko ang papel ko at nagkibit balikat.
Sana naman walang kapalit ito!
Alas sais na nang makalabas ako ng school.Nagpaalam na si Samara sa akin pero nandito parl rin ako sa labas ng gate at hinihintay si nerd. Kahapon pa gulong gulo ang utak ko at gusto ko ng mga klarong sagot kaya inaabangan ko sya.
Hindi nagtagal lumabas na rin sya at at nagakatinginan kami.
"Pwede ba kitang makausap?" tanong ko.
Saglit muna nya akong tinitigan bago tumango.
"May alam akong lugar. Sumunod ka sa akin." aniya at sinundan ko sya.
Tinext ko si Mang Rodolfo at nakiusap na sya na muna ang bahala sa kapatid ko dahil sinabi kong may tatapusin pa ako sa school.
Nakarating kami sa isang parke na malapit.Umupo sya sa isang bench at sumunod naman ako.Iginala ko ang paningin ko at nakitang kaming dalawa lang ang nandito.Medyo madilim na sa paligid kaya tanging mga lamp post lang nagsisilbing liwanag.Umihip ang pang gabing hangin kaya isnukbit ko sa likod ng tenga ko ang buhok na humarang sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
The Vampire Tales (Editing)
VampireThere's a new cool boy in the University and he has everybody talking. Stunningly handsome and has a cold personality, all the girls want him. However, Kalem Nikolaus Lawhitton has a secret--he's a ruthless vampire. Nicolette Jule or Nyx Arciaga is...