Kabanata 24-Bloody night

19 3 0
                                    

Nyx' POV

Madilim.

Madilim nang magkamalay ako.Madilim dahil hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil sa pagkakapiring. Pinakiramdaman ko ang sarili at napagtantong nakaupo ako sa isang silya,nakatali ang mga kamay sa likod at nakatali ang mga paa.

Pinakiramdaman ko ang paligid.Malamig at tahimik. Tanging patak lang ng tubig ang maririnig.Naalala ko ang nangyari bago ito.

Si Amicus..



Bakit?


Paanong...?

Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit.Hindi muna ako gumalaw at nanatiling nakayuko.Maya maya'y narinig ko ang paglangitngit ng pintuan.

"Gisingin mo na yan.Utos ng Panginoong Voltemir na dalhin na sya sa kanya ngayon." mababang tinig ng isang lalaki.

Naramdaman ko ang paglapit ng isa at niyugyog ang balikat ko.

"Gising!" aniya at niyugyog pa lalo ako pero hindi ako gumalaw.

Hinawakan nya ang baba ko at inangat ang mukha ko pero nanatili akong nakapikit.Marahas nya itong binitawan kaya napayuko ulit ako.Narinig ko ang pagpunta nya kung saan at maya maya pa'y bumulusok ang tubig sa mukha ko kaya napadilat ako at napasinghap dahil sa pagpasok ng tubig sa ilong ko. Umubo ubo ako at naghanap ng hangin.



Kingina!



Naramdaman ko ang pagkalag ng tali sa katawan ko pagkatapos ay sa paa. Nanatili namang nakatali ang mga kamay ko sa likod habang pinapatayo ako.

"Sino kayo? Anong kailangan nyo sa akin?!" matigas na sabi ko.

"Huwag ka nang magtanong! Lakad!" aniya at itinulak ako.

Hinawakan nya ang braso ko at kinaladkad.


"Kingina mo.Pag ako nakawala rito dudurugin ko yang nguso mo.Gago!"


"Bilisan mo!" hinigpitan pa nya ang hawak sa braso ko.

Pagkatapos ng ilang paliko liko ay umakyat kami sa hagdan.Bumukas ang pintuan  at pumasok kami.
Naramdaman ko agad ang de carpet na sahig.Ilang saglit pa'y pinahinto nila ako binitawan.Inalis ng lalaki ang piring ko at bahagyang nag adjust ang mata ko sa dim na ilaw.

Tumambad sa aking harapan ang isang lalaking naka all black na formal trench coat at slacks.Nakaupo ito at nakacross legs.Ang mga siko ay nakapatong sa kamay ng malaking upuan habang magkasalikop ang mga kamay nito.

Malinis ang gupit nito at aaminin kong may hitsura.Nakatitig ito sa akin at nakangisi ito sa akin na parang demonyo.



Ito ba yung binanggit ng lalaki kanina?

Sa tabi naman nya'y isang mangkukulam.Tss... maganda sana kung hindi lang sa itim nyang lipstick.Tsk.

Tumingin ako sa paligid at hindi na nagulat nang makita ang mga kaibigan ni Beitris. Seryoso ang mga mukha nilang nakatitig sa akin.

"Sa wakas ay nagkita rin tayo munting binibini." mababa at malalim ang boses ng lalaki.


"Sino ka? Anong kailangan mo sa 'kin?" seryosong saad ko.


"Hayaan mong magpakilala ako sa'yo.Ang pangalan ko'y Voltemir.Ako ang nag iisang Panginoon ng Emerald. Maligayang pagdating sa aking kaharian." aniya at ngumisi.

"Wala akong pakialam kahit sino ka pa. Ano bang ibig sabihin nito?!" bumaling ako kay Amicus. "Amicus! Hecate! Caius! Adrasteia!. Bakit ? Kakampi nyo ba ang demonyong 'to!" hindi makapaniwalang sabi ko at isa isa silang tinignan pero wala silang karea reaksyon.

The Vampire Tales (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon