Kabanata 32- Fallen

27 2 0
                                    

Nyx' POV

Mahal na Hari..

Pumatak ang luha ko habang pinagmamasdan ang kanyang abo na unti unting tinatangay ng hangin.Bakit?Bakit sa kabila ng ginawa ng mommy ko sa iyong Mahal na Reyna ay nagawa mo pa ring iligtas ang buhay ko?Dahil ba sa ginawa mo sa aking Ina?Hindi ba dapat magpasalamat ako na iniligtas mo ko?Pero bakit ang sakit?Bakit hindi ako natuwa sa ginawa mo?Sana hinayaan mo na lang ako.Mas kailangan ka ni Kalem kaysa sa akin.

Pinagmasdan ko si Kalem na nakikipaglaban na ngayon kay Voltemir.Punong puno ng galit ang bawat pag atake nya.Mas mabangis,mas mabilis at mas malakas.Hindi ko pa sya nakitang lumaban ng ganito.Marahil ay nasaktan sya ng husto.



Patawarin mo'ko Kalem..

Napabaling ako sa kaliwa ng may maramdamang presensya.Papasalubong sa akin yung bampirang may Axe.Gusto kong lumaban pero wala na akong lakas pa.Durog na durog na ang puso ko ngayon.Pakiramdam ko..kasalanan ko lahat.Ako ang dahilan kung bakit isa isa silang naglaho.Dahil sa akin,sa pagprotekta nila sa akin.Hindi ko na kaya.Hindi ko na kakayanin ulit na may maglaho na naman ng dahil sa 'kin.

Pinikit ko ang aking mga mata at handa nang salubungin ang kamatayan pero muli akong napamulat nang makarinig ng kalansing ng naglalaban na armas.Nakita ko si Prinsipe Orpheus na nakikipaglaban na ngayon sa bampirang aatake sana sa akin.


Hindi..


Isang tao na naman ang pumoprotekta sa akin ngayon.Hindi pwede.Hindi pwedeng maulit na naman.Tumayo ako at dinampot ang espada ko.

"Prinsipe Orpheus! Anong ginagawa mo!" sigaw ko. "Hayaan mo na sya!Hayaan nyo na 'kong mamatay!"

Hindi sya nakikinig at patuloy lang sa pakikipaglaban.Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi.Hindi ako makapaniwala sa mga bampirang 'to.Bakit ba nila ginagawa 'to?!

Hindi ko na napigilan at agad akong tumakbo at sumugod sa kanila.Dalawa na kami ngayong kinakalaban ng lalaking may Axe.

"Prinsipe Orpheus!"

"Tumahimik ka at magconcentrate!Huwag mong sayangin ang buhay ng aming Ama.Kailangan mong mabuhay upang wakasan ang kasamaan ni Voltemir." sabi nya habang patuloy na nakikipaglaban.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Bakit ako? pwede naman naman ninyo syang pagtulungan!" sabi ko matapos ilagan ang sandata ng kalaban.

"Ikaw lang ang makakagawa noon."

"Anong ako? pare pareho lang tayong may armas!" iritang saad ko.

Kahit hindi ako lumingon ay alam kong pinaikutan nya ako ng mata.

"Dugo't laman nya ang nakatakdang tumapos sa kanya ayon sa propesiya.At ikaw 'yon.Kaya ikaw lang ang maaaring makapaslang sa kanya."

Kumunot pa lalo ang noo ko.

"Naniniwala ka ba talaga na mag ama kami?!" kunot noong tanong ko.

Hindi ko alam kung paano kami nakakapag usap sa gitna ng laban.Masyadong matibay ang isang 'to.

"Dahil 'yon naman ang totoo.Umanib sa kasamaan ang iyong Ina nang hindi sya magtagumpay na makuha ang aking Ama.Si Voltemir ang lumason sa isip ng iyong Ina upang paslangin ang aking Ina.Nagdadalang tao na noon ang iyong Ina nang bumalik ito sa mundo nyo."

Gulat sa kanyang sinabi ay napahinto ako.Ramdam ko ang paghapdi ng braso ko dahil patuloy sa pag atake ang kalaban pero wala na sa kanya ang atensyon ko dahil ibinigay ko na ng buo kay Prinsipe Orpheus.Dahan dahan akong umatras at patuloy naman sa pagsalag ng atake si Prinsipe Orpheus na dapat ay para sa akin.

The Vampire Tales (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon