Kabanata 17-Vampire Academy

21 2 0
                                    

Nyx' POV

"Heto na ang uniform mo Nyx.Magbihis ka na."


Napangiwi ako sa inabot ni Beitris na pares ng uniform sa akin.Itim at pambabaeng longsleeve polo na may lasong kulay itim at mini skirt na itim din.


"Wala na bang i iikli 'to?" sarkastikong tanong ko.


Nagkibit balikat naman sya at tumalikod.



Paano ko ba isusuot 'to?





Kingina naman kasi.Napaka arte ng eskwelahan na yan.



Pumasok ulit si Beitris sa kwarto at nilapag ang isang pares ng itim na maiksing boots at mahabang medyas. Nakauniform na rin ito na bumagay sa kanya at wala na syang salamin sa mata.


"Bilisan mo na. Mahuhuli na tayo." aniya at lumabas.



Wala akong choice kundi maligo at magbihis.



Lumabas ako ng silid at napangisi ng malawak si Beitris at Hecate nang makita  ako.


"Bagay na bagay na sa'yo ang uniform mo Nyx."  ngiti ni Hecate.

Nakauniform na rin ito at talagang bumagay sa kanya dahil maganda sya.

Nahihiya naman akong nagkamot ng leeg.Sakto sa akin ang hapit ng damit kaya lang naiirita ako sa maikling palda.Hindi pa naman uso ang cycling shorts dito. Isang hanginan lang at paniguradong masisilipan na ako!





Tangina talaga.



Pag ako nasilipan baka makapatay ako ng tao este bampira pala.

Sumakay kami ng karwahe papunta sa Academy na malapit lang sa palasyo ayon kay Beitris.



Hindi ko maiwasang isipin si Samara.Paniguradong parang bulkan na yon na nag aalburuto dahil wala syang ideya kung nasaan ako.Naiimagine ko palang ang hitsura nya ngayon ay gusto ko nang matawa.Nakakamiss din pala ang bunganga ng babaeng yon.


Huminto ang karwahe at nakita kong nag abot ng barya na nakabalot sa tela si Hecate bago bumaba.Bumaba na rin ako at bahagyang namangha sa taas ng gate nito na kulay itim.May maliit na gate ito sa gilid na syang pinapasukan ng mga estudyante.


"Huwag kang hihiwalay sa akin." bulong ni Beitris.


Tumango naman ako at nagsimulang maglakad.Panay ang baba ko sa maikling palda dahil pakiramdam ko nasisilipan ako.Tinignan ko si Beitris at Hecate pero confident lang silang rumarampa at parang sanay na sanay na.Maging ang ibang estudyante ay walang pakialam kung ihangin ang palda nila.


"Puntahan muna natin sina Amicus at Caius sa training room.Baka nagsasanay ang mga iyon." ani Hecate at naunang naglakad.




Malawak ang loob ng Academy at para akong nasa ibang bansa dahil sa mga punong iba iba ang kulay ng mga dahon.Karamihan ay orange,yellow at red.May mga benches din sa ilalim nito at ang malawak at malinis na school grounds ay napapalibutan ng mga naglalakihang classroom buildings.


Bumaba kami ng sementadong hagdan sa may gawing likod ng mga gusali at pumasok sa isang silid na may nakalagay na Training room.



Kumatok si Hecate sa bakal nitong pintuan na nakabukas. Tinignan ko ang loob at nakita kong may isang lalaking walang pang itaas ang nag aayos ng mga armas sa isang mahabang lamesa.


Napatingin ito sa amin at ngumisi.


"Beitris!" aniya at lumapit.



The Vampire Tales (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon