Nyx' POV
Kinabukasan naging usap usapan ang pagkamatay ng babaeng estudyante. Ibinalita kasi sa TV na nasagasaan ang babae ng isang malaking truck.Yun na nga siguro ang ibig sabihin ni Kalem na sya na ang bahala.
Kawawang driver.
"e yung narinig nating sigaw ng babae kagabi? ano yun?" si Samara.
"Wala yun.Naglalaro lang pala sila.Nagulat lang yung babae dahil tinakot sya ng mga kaibigan nya." palusot ko.
"Ganun? doon talaga sila naglaro?"
"Yun ang trip nila e. Paki mo ba.."
Umirap naman sya at nagpatuloy sa pagkain.
Mula sa malayong lamesa nakita ko ang pagsulyap sulyap ng isang lalaki sa amin o mas tamang sabihing sa akin.Kanina ko pa napapansin ang pagtitig nya sa akin.
Ganda ko ba?
Tsk tsk tsk.
Naglalakad na kami patungong classroom nang nasagi ang balikat ko ng isang lalaking nagmamadali.Bumagsak ang mga librong hawak ko sa lupa kaya napatingin ako sa kanya.
Sya yung lalaki kanina.
"Pasensya na binibini." aniya sa isang mababang boses.
Agad syang lumuhod para pulutin ang mga libro kaya naman nagpulot na rin ako.
"Ayos lang." tipid na sagot ko.
Nagkatinginan muna kami bago tumayo.Nilahad nya sa akin ang mga libro at kinuha ko naman.
Ngumiti sya ng matamis bago naglahad ng kamay.
"Ang pangalan ko ay Orpheus." lahad nya sa kamay nya.
Tinignan ko muna ito bago tinanggap.
"Nyx."
Malinis ang gupit nya pero mahaba ang bangs nya. Nakasuot ito ng wayfarer sunglasses.Matangos ang ilong,mapulang labi,may perpektong panga at maputi ang balat..
Parang nakita ko na sya...
"ehem..ehem.." tumikhim si Samara kaya binitawan ko ang kamay nya.
"uh..Si Samara.Kaibigan ko." pakilala ko sa kanya.
"Hi handsome." naglahad ng kamay si Samara na tinanggap naman ni Orpheus?
"Ikinagagalak kong makilala ka binibining Samara."
Humagikgik na naman ang gaga.
"Masyado ka namang pormal." aniya na nakahawak pa rin sa kamay ni Orpheus.
"Orpheus!"boses ni Kalem.
Sabay sabay kaming napatingin kay Kalem na nakatayo sa harap namin habang madilim ang titig sa lalaki.
"Oh nose. Nandyan na si boyfriend.Lagot ka Nyx.." si Samara.
Napatingin naman sa akin si Orpheus bago ibalik ang tingin kay Kalem.
"Teka magkakilala pala kayo ni Kalem?" tanong ni Samara kay Orpheus.
BINABASA MO ANG
The Vampire Tales (Editing)
VampireThere's a new cool boy in the University and he has everybody talking. Stunningly handsome and has a cold personality, all the girls want him. However, Kalem Nikolaus Lawhitton has a secret--he's a ruthless vampire. Nicolette Jule or Nyx Arciaga is...