Wakas

48 3 0
                                    

Hecate's POV


"Nakamamangha Ina.Gusto ko rin pong maging kagaya ni Ate Nyx.Matapang at palaban." tuwang tuwa na sabi ng aking anak na si Kemena.

Ngumiti naman ako at isinara ang paboritong nyang aklat.Palagi ko itong binabasa sa kanya tuwing gabi.Ang kuwento ni Nyx at Prinsipe Nikolaus.

Nginitian ko sya at hinaplos ang kanyang buhok.



"Alam mo ba kung bakit Kemena ang iyong pangalan?"


"Bakit po?"


"Dahil ang ibig sabihin ng salitang Kemena ay matapang.Iyan ang napili namin ng iyong Ama bilang pag alala sa katapangan na ipinakita ni Nyx at ng iba pang lumaban noon."


"Talaga po? Gustong gusto ko po ang aking pangalan Ina.Paglaki ko..gusto ko ring maging matapang at palaban."



Ngumiti ako.


Sampung taon na ang nakalipas mula nang magwakas ang digmaang iyon.Sampung taon na ngunit sariwa pa rin sa aking alaala ang lahat.Kung paano nagbuwis ng buhay ang aming magigiting na mandirigma lalo na sina Caius,Adrasteia,Amicus,Ang haring Isaurus,Nyx at Prinsipe Nikolaus.Hindi ko akalaing maraming buhay ang magiging kapalit ng pagwawakas ng kasamaan ni Voltemir.


Noong taon din na iyon ay nagpagawa kami ng isang maliit na libingan ng katawan ni Nyx at Samara sa ilalim ng mataas na puno sa taas ng burol na malapit sa portal.Sa loob ng himlayan ni Nyx ay nakalagay din ang mga abo ni Prinisipe Nikolaus.Hindi ko akalaing hahantong din sa ganoon ang pag iibigan nilang dalawa.
Magkaiba man ang mundo.Magkaiba man ang uri.Kung ang dalawang nilalang ay wagas na nagmamahalan pagdudugtungin sila ng kapalaran kahit hanggang kamatayan.


Nagbalik na ang kapayapaan sa mundong ito matapos ang digmaan.Naibalik na rin ang nawawalang kapatid ni Nyx sa mundo nila.Wala na ring nagpakita pang mga berdeng bampira at mahigpit na ring ipinagbabawal ang pagpunta sa mundo ng mga mortal.Dahil hindi na nga ito maisasara,naghanap ang dating Prinsipe at ngayo'y Hari na,na si Orpheus ng isang magaling na sorcerer upang magpalagay ng harang sa portal.

Nagpagawa din sya ng fountain na may rebulto nina Caius,Adrasteia,Amicus,Haring Isaurus,Nyx at Prinsipe Nikolaus sa gitna ng Akademya bilang pagbibigay pugay sa katapangan nilang lumaban sa panahon ng digmaan.At ang makasaysayang digmaan na ito ay naisulat na rin sa mga aklat upang mabasa ng susunod pang henerasyon.



"Oh..hindi ka pa natutulog aking Prinsesa?" tanong ni Haring Orpheus sa anak nang kumatok ito sa silid.



"Ama..Halika kukwentuhan uli tayo ni Ina sa paborito kong aklat.Hindi ba Ina?" masayang sabi ni Kemena.



Nagkatinginan kami ni Haring Orpheus at bahagyang natawa.Naghila sya ng upuan malapit sa kama at naupo rito.Hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti.Ganoon din ako sa kanya.



"Yun ay kung hindi pa pagod ang iyong Ina."




"Pagod ka na ba Ina?" malungkot ang tinig nya.



Ngumiti naman ako at pinisil ang pisngi nya.




"Kahit paulit ulit ko pang ikuwento sa iyo, kailanman ay hindi ako mapapagod." ngiti ko.



Lumawak naman ang ngiti nya at naupo.








"Sige Ina.Simulan mo na."












Wakas...


Maraming salamat sa pagbabasa :)

The Vampire Tales (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon