Kabanata 20-Princess

27 2 0
                                    


Nyx' POV

Pagkatapos ng madugong laplapan ay naging awkward para sa akin ang paligid pero para kay Kalem ay wala lang ito at normal lang ang kanyang kilos.





Shit naman kasi Nyx! Bakit mo ginawa yun!




Baka iniisip na ng mokong na 'to may feelings na ako sa kanya!


Bobo kasi! Bobo!




Halos sabunutan ko ang sarili sa mga pinaggagawa ko.

Nandito ako ngayon sa banyo at naliligo dahil sa lansa ng dugo na dumikit sa katawan at damit ko.Halos hindi na kasi ako makaalis kanina sa kinatatayuan ko dahil sa nangyari.Bwiset naman kasing Kalem yun! Imbes na yung Usa ang nilapa nya ay bibig ko ang pinagtripan nya.

Tinapos ko ang paliligo at ibinalot ang sarili sa puting tuwalya.Lumabas ako ng banyo at nakita kong wala si Kalem pero may isang itim na dress at underwears ang nakalagay sa kama.


Saan nya nakuha ito? Bumili sya? o may sarili silang mall dito?

Pinagmasdan ko ito at nakitang may tag price pa ang mga 'to.Maganda ang dress na lagpas lang sa tuhod ang haba at ang manggas ay hanggang siko lang.


Alam nya ang size ko?






Langya!



Nagsusuklay ako ng buhok nang pumasok sya.Nakaitim lang syang Tshirt at pantalon. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa bago ibalik ang tingin sa mata ko.

"You look good.Nagmukha kang babae." aniya at ni lock ang pinto.

Aba!

"Tch.At anong gusto mong palabasin na mukha akong lalaki." iritang sabi ko.

Tumawa naman sya at lumapit.

"Hindi sa akin nanggaling yan." nangingiti nyang sabi.

Lumapit pa sya sa akin kaya napaatras ako at napaupo sa kama.Inilapit nya ang mukha sa akin kaya bahagya akong napahiga dahil sa pag atras ng ulo ko.

"But you're the most beautiful for me..kahit ano pang isuot mo." aniya at inabot ang isang unan bago tumayo at lumapit sa couch.





Napanganga ako.


Inilagay nya ang unan doon at nahiga.

Malawak naman ang kama nya bakit pa sya doon matutulog?! Hindi naman sa gusto kong magtabi kami kaso mahirap matulog sa couch.At sa tangkad nya naging maliit ang couch sa kanya!

"Uh...pwede ka naman ditong matulog,malawak naman dito." medyo awkward kong sabi.

"It's okay." aniya habang nakapikit.

Ginawa nyang unan ang kanyang mga braso parang komportableng komportanle sya sa kanyang posisyon.

"Ayos lang kung dito ka.. alam ko namang wala kang gagawing kabalbalan sa akin." sabi ko habang inaayos ang unan.

"Wala nga.Pero baka ikaw meron." humalakhak sya.

Hindi ko na napigilan at binato ko sya ng unan.





"Kingina mo."



Mas tumawa pa sya at kinuha ang unan na tumama sa mukha nya.Kung may armas lang ako baka yun pa ang naibato ko sa kanya. Pasalamat sya iniwan ko ang golden dagger ko.

The Vampire Tales (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon