Kabanata 4 - Love letters

40 6 0
                                    



Samara's POV




"Nyx pahiram naman ako ng notes mo sa biology." sabi ko habang nagsusulat.



Narito kami sa ilalim ng malaking puno sa gilid ng school grounds.Nakaupo sa sementadong lamesa at pahabang upuan.



Hindi umimik yung isa kaya napatingin ako sa kanya. Ayan na naman ang tulalang mukha nya.Kung kahapon sabog sya ngayon mas malala pa sa adik sa kanto.



"Oi Nyx!"


Tamad syang bumaling sa akin.



"Tsk tsk tsk.Malala ka na. Magpacheck up ka na sa lunes baka maagapan pa." sabi ko at nagpatuloy sa pagsusulat.



Pumalumbaba sya at tumingin na naman sa kawalan.


Kinuha ko na lang ang notebook nya sa bag dahil wala naman akong aasahan sa isang 'to.


"Kumusta nga pala yung unang pasok mo sa club? Masaya ba?" tanong ko.



May binubulong bulong syang kung ano ano na parang nag oorasyon.Gigil na gigil din ang kanyang bibig sa pagbigkas.



"Ano? Lakasan mo naman."


"Bwiset syaaaaa!!!!!" sigaw nya.


Hala! lumala pa ata.


"Kapag nakita ko sya ipaalala mo sa akin na gigilitan ko sya sa leeg!" aniya at binali ang ballpen na hawak.


Oh no!



"Sino na naman ba yang kaaway mo? Si Farrah ba?" ngiwi ko.



"Hindi.Yung walang hiyang hudas na malignong yun na nagnakaw ng first kiss ko!"




SHET.




"Sino? teka maligno? first kiss mo maligno?" halakhak ko.


Ang malas naman ng babaeng to.Hindi na nga kagandahan tapos first kiss pa nya maligno ?haha.


Masamang tingin ang ipinukol nya sa akin kaya naman tumigil na ako.1st warning na kapag ganyan.



"Sino ba kasi yang lalaking sinasabi mong nagnakaw ng first kiss mo aber..baka naman ikaw ang nagnakaw? binabaliktad mo lang. Sus...kilala kita Nyx." sabi ko at muling nagsulat.


Hindi sya sumagot.Patuloy lang sya sa pagbubulong ng kung ano anong salita habang nakakuyom ang kamao.


Umiling iling na lang akong nagpatuloy sa ginagawa.



Kalem's POV


Nandito ako rooftop ng isang abandonadong gusali at pinagmamasdan ang mga estusyante sa ibaba.Hindi ko maintindihan kung bakit ang babaw ng kaligayahan ng mga mortal.Tumatawa sila kahit walang nakakatawa at umiiyak sa mabababaw na dahilan.Mga mahihinang nilalang.


Humithit ako ng isa pang beses sa sigarilyong hawak ko saka ito tinapakan.



Tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Orpheus.


"Ano nang balita Kalem?"


"Maghintay ka lang." sagot ko.



"Bakit ba natatagalan ka jan? Huwag mo nang hintayin ang pagsunod ko. Binabalaan kita." aniya at pinatay ang tawag.


Kumuyom ang palad ko at nagtiim bagang.


The Vampire Tales (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon