Kabanata 21- Signs

29 2 0
                                    


Nyx' POV


Maganda ang naging gising ko kinabukasan.Pag mulat pa lang ng mga mata ko ay kusa nang kumurba ang labi ko.Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam.Parang kulang ang salitang "saya" upang ilarawan ito.





Nababaliw na yata ako.



Nakatunghay ako sa bintana ng aming silid at nakapalumbabang pinagmamasdan ang mga magagandang bulaklak na namumukadkad.Hindi na mawala ang ngiti ko simula pa lang kagabi.



Parang naging maganda ang paningin ko sa lahat ng bagay.Mula sa pagsikat ng araw,pamumukadkad ng mga bulaklak at sa mga huni ng ibon na parang musika sa pandinig.




Ganito ba talaga kapag inlove?






Nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan kaya bumaling ako rito.Nakita ko si Beitris na nakadungaw at hawak pa ang seradura.


"Handa na ang agahan.Halika na kumain na tayo."



"Sige susunod na ako." wika ko at ngumiti ng pagkatamis tamis.


Parang nagtataka naman ang hitsura nya bago isarado ang pinto.

Minsan ko pang binalingan ang mga naglalarong ibon sa puno bago tumulak palabas.



"Magandang umaga Beitris! Magandang umaga Hecate!" masiglang bati ko at ngumiti ng malawak.


Nakita kong nagkatinginan ang dalawa na magkaharap na nakaupo sa hapag.Tumabi ako kay Beitris at nagsimula nang kumain.




"Mukhang ...maganda ang gising natin ah." ngisi ni Hecate.




"Syempre maganda kaya ang panahon." sabi ko bago sumubo.



Tumikhim naman sya at nakakalokong ngumisi sa akin.

Bukod sa akin syempre gulat din sila sa ginawa ni Kalem kagabi.Kulang na nga lang mahulog ang mga mata nila.






Tsk! Ang ganda ko talaga.





"Gusto kong mamasyal sa gubat." sabi ko na nakapagpatigil sa kanila.


BORING kasi rito kung magkukulong lang ako.Aba..limitado lang ang oras ko rito kaya lulubus lubusin ko na.Lalo na't hindi pa ako nakakapamasyal.





Tsss...parang yun naman ang ipinunta mo rito. Dinig kong sabi ng kaliwang konsensya ko.



"Nyx..kabilin bilinan ni Prinsipe Nikolaus na--



"Ayos lang yun Beitris. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin." putol ko sa sasabihin nya.


"Pero---


"Ako ang bahala." sabay kindat sa kanya.



Anong gusto ng gunggong na lalaking yun? Gawin akong preso? No way in hell!




Bumuntong hininga naman sya at nagpatuloy sa pagkain.




"Mauuna na ako sa inyo." ani Hecate at tumayo na.




"Sige...mag iingat ka." ngiti ko.




Ngumisi naman sya sa akin bago umalis sa hapag.




Pagkatapos naming kumain ni Beitris ay tumuloy na kami sa gubat.Nagdala rin sya ng bayong dahil balak nya ring mamitas ng mga prutas na madadaanan.Sa likod namin ay may dalawang lalaking tagapagbantay na itinalaga sa akin ni Kalem.Tahimik lang ang mga ito na sumusunod.



The Vampire Tales (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon