Nyx' POV
Maaga akong gumising kinabukasan para maghanda sa eskwela.Mag aalas sais pa lang nang gumising ako upang ihanda ang mga gamit ko.Kinuha ko ang pocket knife at itinago sa binti ko na natatakpan ng pantalon. Kumuha rin ako ng extra T-shirt para sa training.
Oo.Traning namin ni Kalem. Bago ako umuwi kagabi nagsuggest si Beitris na sanayin ako ni Kalem upang hindi na maulit yung nangyari.Pumayag na rin ako dahil alam kong hindi sapat ang alam ko sa martial arts pagdating sa mga bampira.
"Aalis ka na?" tanong ni Amanda mula sa kusina.
Nakikita na nga tinatanong pa.
Tsk!
Tumango ako at dumiretso sa pintuan.
Dahil maaga pa naman dumiretso muna ako sa condo ni Kalem dahil doon daw kami magsasanay sa gym nya!
Rich kid.May sariling gym.
Ingay na nagmumula sa telebisyon ang bumungad sa akin ng pagbuksan nya ako ng pinto.Nakatopless sya at shorts na itim kaya naman napanganga talaga ako dahil sa magandang pagkakahulma ng katawan nya.
Naputol lang ito ng tumalikod sya at nagtungo ng sala. Isinara ko ang pinto at sumunod sa kanya.Pinatay nya ang tv at nagsuot ng puting T-shirt bago humarap sa akin.
Lumapit sya sa akin at kinuha ang bag ko.Nilagay nya ito sa sofa bago nagsalita.
"Dito tayo." aniya at naunang naglakad.
Pumasok sya sa pinto kung saan nakita kong lumabas si Beitris kahapon.
Sumunod ako at namangha ako sa nakita. Malawak ang loob at organisado.Sa dingding makikita ang iba't ibang katana habang may isang mahabang mesa naman na malapit sa pinto.Punong puno ito ng iba't ibang armas. Karamihan ay mga patalim. May nakita rin akong mga baril at spears.
"Sayo lahat 'to?" manghang tanong ko at pinasadahan ng daliri ang mga armas.
"Oo. Pumili ka na ng armas mo."
Gulat akong napatingin sa kanya.
"Magtetraining lang naman tayo..hindi tayo magpapatayan."
Umiling naman sya.
"Walang mangyayari sa training kung wala kang armas.Mas mabuting masanay ka ng may armas." seryoso ang mukha nya.
Sandali pa akong tumitig sa kanya bago tumingin sa mesa.Kumuha ako ng isang maliit na punyal.
"Sigurado ka ba? Wag mo kong sisisihin kapag napatay kita."
"Try me." ngisi nya.
Mabilis kong itinapon sa kanya ang patalim pero mabilis nya ding naiwasan kaya bumaon ito sa dingding.
"Tsk tsk tsk..too slow." aniya at sumilay na naman ang mapang asar na ngiti nya.
"Yabang." bulong ko.
Kumuha ako ng mas matalim pang patalim at humakbang palapit sa kanya.Umatras naman sya ng umatras hanggang makarating kami sa pinakgitna ng gym.
BINABASA MO ANG
The Vampire Tales (Editing)
VampireThere's a new cool boy in the University and he has everybody talking. Stunningly handsome and has a cold personality, all the girls want him. However, Kalem Nikolaus Lawhitton has a secret--he's a ruthless vampire. Nicolette Jule or Nyx Arciaga is...
