Nyx' POV
Bahagyang nagulat si Kalem nang sabihin kong hindi ko alam ang tungkol sa silver blood.Hindi ko naman kasi ito madalas makita.Kusa kasing naghihilom ang mga sugat nila kaya akala ko mantsa lang ito.Naalala ko nung araw na nawala si Beitris.Nakita kong may umagos ngang kulay silver na likido sa puso nya pero masyado na akong emosyonal para marealize kung ano iyon.
"I assumed you already know about the green vampires who has a green blood.That's why they called themselves The Emeralds.And we,silver blooded vampires called The Silvers." kwento nya.
Tumango tango naman ako at seryosong nakikinig.
"Si Voltemir ay dating Silver vampire.Sya ang kanang kamay ng aking Ama noon.Magkasama nilang pinamunuan ang mundong 'to nang payapa at matiwasay.Ngunit isang araw nagkaroon ng anomalya sa palasyo.Nawala ang kalahati sa kaban ng bayan.May hinala na ako noong una ngunit hindi ako pinaniwalaan ni Ama.Hanggang sa nag imbestiga ako at napag alaman kong may kinalaman nga sya rito.At hindi lang iyon,maging ang buwis ay pinatungan nya ng malaki dahilan upang lalong maghirap ang mga mamamayan."
"Kaya nang lumabas ang katotohanan ay pinarusahan sya ng Reyna.Isinumpa nya ito sa pamamagitan ng berdeng dugo na nagmula sa hayop.Pandidirihan sya ng mga bampira dahil sa kakaiba nitong kulay ng mata at dugo.Kaya naman nagpakalayo layo na ito at hindi na bumalik pa.Akala namin ay tapos na at tinanggap na nya ang kapalaran nya ngunit nagulat kami isang araw na dumarami ang kagaya nya."
Huminga sya ng malalim at tumitig sa sahig.
"Hindi sya nakuntento sa layunin nyang sakupin kami kaya nang matuklasan nya ang portal ay pinaslang nya ang sorcerer na may gawa nito upang hindi na ito maisara.Kaya hanggang ngayon ay malaya silang nakakalabas pasok sa mundo nyo."
Naalala ko ang sinabi ni Beitris tungkol sa portal pero hindi ko alam na ganito pala kalalim ang lahat.
Naputol ang kwentuhan namin nang makarinig kami ng nagmamadaling yabag sa labas pagkatapos ay mararahas na katok sa pintuan.
"Mahal na Prinsipe Nikolaus!! May mga Emerald na nakapasok sa palasyo! Nilulusob na tayo ngayon!!" sigaw ni Kasdeya.
Sabay kaming napatayo ni Kalem sa gulat at nagkatinginan.Wala na kaming inaksayang oras at lumabas ng kwarto.
"Kasdeya.Nasaan si Ama?!"
"K-kasalukuyan po silang n-nakikipaglaban n-ngayon." nanginginig na tugon nito.
Tumingin sya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Kasdeya.Magtago kayo sa sikretong silid." aniya habang nakatitig sa mata ko.
"P-pero...paano ka?" nag aalalang tanong ko.
"Don't worry about me.I'll be back."
"Kalem...hindi.Paano kung mapahamak ka?!" nag aalalang sabi ko.
"Hindi pwede.My Father needs me.The people needs me."
Kita ko ang determinasyon sa mata nya.
"I'll be back okay?" haplos nya sa pisngi ko.
"Kasdeya.Sige na." baling nya rito at saka nagmadaling tumakbo papalayo.
Hinila na ako ni Kasdeya papunta sa isang lagusan.Madilim at makipot ito na parang tunnel.Ilang sandali pa'y nakarating na kami sa dulo nito na may hagdan na paibaba.Pababa na sana kami nang hilain ko ang kamay nyang nakahawak sa akin.
BINABASA MO ANG
The Vampire Tales (Editing)
Ma cà rồngThere's a new cool boy in the University and he has everybody talking. Stunningly handsome and has a cold personality, all the girls want him. However, Kalem Nikolaus Lawhitton has a secret--he's a ruthless vampire. Nicolette Jule or Nyx Arciaga is...