Kabanata 28-War

20 2 0
                                    

Nyx' POV

Nanatili sa isipan ko ang sinabing iyon ni Hecate.Hindi ko alam kung bakit nya iyon sinabi at kung totoo ba ang mga iyon.Hindi ko na alam.

Masyadong mahirap ang hinihingi nya sa akin.Magtiwala? Tsss.. para ano? para maulit na naman ang nangyari? Sa totoo lang ayos lang sa akin kung magkita kami ulit ng demonyong Voltemir na 'yon pero yung magtiwala ka ng paulit ulit at paulit ulit ka ring tatraydurin ay ibang usapan na.

Pero paano nga kung totoo yung sinabi nya?

Paano kung may plano talaga silang lumusob? Masyadong mahina ang depensa ng Palasyo ngayon dahil wala si Prinsipe Orpheus at ang kanyang hukbo.At kung hindi ko ito sasabibin,malalagay sa panganib ang buong Palasyo.


Psh.Kasalanan ko pa kapag nagkataon.Bakit ba kasi ako tinubuan ng konsensya?-,-


Umalis ako ng Palasyo upang puntahan ang bahay ni Hecate.Mahirap lumunok ng pride lalo na kung bareta pero mas mahirap maguilty lalo na at kapakanan ng sambayanan ang nakataya.


"Kamahalan!Kamahalan!"


Napahinto ako sa paglabas sa tarangkahan nang tawagin ako ni Kasdeya.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Saan po kayo pupunta?Ibinilin po ng Prinsipe na huwag kayong palabasin ng Palasyo." nag aalalang sambit nito.


Tss.. hayan na naman ang pagiging over protective ng lolo nyo.Akala mo naman tatay ko sya.

Ngumiti ako ng matamis.


"Huwag kang mag aalala Kasdeya mamamasyal lang ako.Pakisabi na lang kay Kalem na nasa bahay ako ni Hecate.Okay?" nag Ok sign ako.

"Sasamahan ko na po kayo Kamahalan.Baka kasi magalit ang Prinsipe."


"No thanks.Kapag nagalit sya Kingina nya kamo." sabi ko at tumalikod na.


Narinig ko pa ang pagtawag nya ngunit mabilis na akong nakalayo.


Kumatok ako ng tatlong beses sa kahoy na pintuan nang marating ko amg bahay.Ilang sandali pa'y bumukas na ito at tumambad ang gulat na hitsura ni Hecate.

"Nyx.."


"Hindi mo ba ako papasukin?" masungit na sabi ko.

Natataranta naman nyang niluwagan ang pintuan kaya agad akong nagmartsa sa loob.Napatayo ang mga nasa sala nang makita ako.Isa isa kong pinasadahan ng tingin sina Caius,Adrasteia at Amicus at walang pasubaling naupo sa pang isahang kahoy na upuan.


"Bakit ganyan ang mga hitsura nyo? Para kayong nakakita ng multo." tamad na sabi ko at humilig sa upuan.


Tumikhim si Hecate at naupo na rin.Wala sa sarili naman silang nagsiupuan na rin.


"Pumunta ka." Si Amicus.



"Hindi ako 'to.Anino ko lang 'to."


"Huh?" nagtataka ang hitsura nya.


Tss..

"Sinasabi ko na nga ba Binibini..hindi mo kami matiis." ngisi ni Caius.


"Hindi ako nagpunta rito upang makipagkamustahan. Sabihin nyo kung anong meron sa paglusob." seryoso na ang boses ko.

Sumeryoso naman ang mukha nilang lahat.

The Vampire Tales (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon