Trouble 3

10K 193 5
                                    

"I saw a pair of shoes on the front door. I know for sure it's not yours. Hindi ka naman siguro nagsusuot ng panlalakeng sapatos di ba?"

Napamura siya sa isip niya ng mapagtanto ang ibinulong ng sister-in-law niya. Hindi niya naisip na iniwan marahil ng mga guard niya ang sapatos ni Ruther sa entrance.

Pasalamat na lang siya at hindi napansin ng kuya niya ang sapatos ni Ruther kung hindi, sigurado siyang malilintikan siya sa mga ito.

Inilapag niya ang juice na hinanda niya saka nagpaalam na sasaglit sa front door para itago ang sapatos ni Ruther.

He tried to look for his shoes pero hindi na niya makita iyon. Impossible naman kinuha ni Ruther iyon dahil hindi naman niya nakitang lumabas iyon ng kwarto niya. At impossible ring makalabas ito dahil nilock niya ito sa walk-in closet niya.

"Saan ka na ba napunta?" She asked herself as she patiently looked for the shoes.

"Ito ba ang hinahanap mo princess?"

Napaangat siya ng tingin at nakitang hawak ng Kuya Wyeth niya ang sapatos ni Ruther.

I'm dead. Literally dead.

"Kuya. Hehe. Saan mo nakita to?" Pasimple niyang kinuha ang sapatos mula sa kamay ng kuya niya. Pasalamat na lang siya at ibinigay ng kuya niya ang sapatos.

"Kailan ka pa nahilig sa pagsusuot ng panlalakeng sapatos?" Masungit na tanong ng kuya niya.

"Kahapon lang kuya." Sagot niya.

"It doesn't look like new. And besides, may medyas sa loob. I know for sure hindi ikaw ang gumagamit niyan dahil mabango ang medyas ng may-ari niyan." Pinagpatong ng kuya niya ang mga braso nito. "Spill it Ariesa. Sinong kasama mo diyan sa loob?"

Bigla siyang kinabahan. Mukhang alam na ng kuya niya na may tinatago siya.

"Si Kuya Blake at Ate Shanelle."

"Hindi kay Kuya Blake yan Ariesa. Mabaho ang paa ni kuya. I repeat. Sinong kasama mo diyan sa loob?" Seryosong tanong ng kuya niya.

Napapikit siya. Wala na siyang choice. "Si Ru-"

"ARAY! Bakit ka ba nananakit love?" Angal ni Wyeth sa asawa ng batukan siya nito ng malakas.

"Para kang sira. Tirahan to ng kapatid mo kaya wala kang pakialam kahit na ano pa man ang gusto niyang gawin dito sa pamamahay niya." Malakas na piningot ng sister-in-law niya ang kuya niya. "Ikaw talaga. Kahit kailan ka. Napakapakialamero mo!"

"A-aray love!!" Hinawakan ng kuya niya ang kamay ng asawa para patigilin sa pamimingot sa kanya.

Kinaladkad ng sister-in-law niya ang Kuya Wyeth niya. Pero bago pa man makapasok sa penthouse ang kuya niya at ang sister-in-law niya, nakita niya ang pasimpleng pagkindat ng sister-in-law niya sa kanya.

Napatulala siya sa inasal ng sister-in-law niya. Mukhang may alam ang mga ito patungkol sa tinatago niya sa loob ng penthouse niya.

Itinago niya ang sapatos ni Ruther saka pumasok na sa loob at nakisalo sa mga kasama niya sa loob. Nag-inuman at nagkwentuhan sila.

Nang mag-aalas dose na, napatingin siya sa kwarto niya. Bigla niyang naalala yung target niyang tinago niya sa kwarto niya. Alam niyang wala pang matinong kain ito.

"May problema ba Ariesa?" Tanong ng kuya Napoleon niya.

Mabilis siyang umiling. Mamaya na lang siguro niya iisipin ang patungkol sa lalakeng kinulong niya sa walk-in closet niya.

>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<

He's been walking inside the walk-in closet for a while. Naasar na siya dahil kanina pa siya nakakulong sa loob nito. He can tell na may iba pang tao sa loob ng penthouse na kinalulugaran niya base na rin sa ingay sa kabilang kwarto.

Falling for a SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon