Mabilis na nagmaneho papunta sa isang rest house sa Tagaytay si Ariesa. Ito yung address na nakalagay sa brown envelope.
Ang tanga-tanga talaga niya! Nababaliw na ba siya?
Gustong-gusto niyang sigawan si Ruther sa oras na makita niya ito. Hindi niya inakalang aabot sa puntong ganito yung lalakeng yun.
Pinaglalaruan lang siya ng kaibigan nitong may malaking galit sa kanya at hinahayaan nito ang sarili niyang mapaglaruan ng taong yun tapos ngayon bigla siyang susuko?
Ang tanga niya talaga! Nakakainis!
Dahil madaling araw na, naging madali ang biyahe ni Ariesa sa rest house na pagmamay-ari ni Ruther. Madali siyang bumaba ng sasakyan niya at pumasok sa rest house nito.
Nakabukas ang gate nito kaya naging madali lang ang pagpasok niya sa rest house nito. Nakabukas din ang pinto kaya nakapasok na siya sa mismong bahay.
"RUTHER!" Malakas na sigaw niya habang iniisa-isa ang kwarto sa buong rest house. "RUTHER! DAMN IT! NASAAN KA NA BA?!" Sigaw niya ulit habang binubuksan ang mga kwarto.
Nabuksan na niya ang lahat ng kwarto ngunit wala si Ruther sa kahit na aling kwarto na nabuksan niya.
Nasaan na ba ang lalakeng yun?
Nakaramdam si Ariesa ng malamig na matigas na bagay sa pulsuhan niya kaya napalingon siya sa gilid niya.
"RUTHER!" Gulat na gulat na sambit niya sa pangalan nito. Pakiramdam niya ay tumalon ang puso niya sa pagkabigla.
"Nagulat ba kita?" Nagpipigil tawang tanong ni Ruther kay Ariesa.
"GAGO KA BA?! TALAGANG TINATANONG MO KUNG NAGULAT MO KO?!" Iaangat niya sana ang magkabilang kamay niya para sakalin ito ng hindi niya maangat ang kanang kamay niya kaya napatingin siya dito.
May posas ang kamay niya. Isang kamay niya lang ang may posas at wala ang kabila.
Sinamaan niya ng tingin si Ruther. "Ano to Ruther?" Galit na tanong niya rito.
"Posas?"
"ALAM KONG POSAS TO! HINDI AKO TANGA!" Hindi na niya napigilang hindi sigawan ito ng pilosopohin siya ni Ruther. "Bakit mo ko pinosasan?"
"You left me with no choice Ariesa but to keep you with me." Tinaas nito ang kaliwang kamay niya kung saan nakaposas ang kapares ng posas na nasa kamay niya. "Hindi ka makakaalis dito. Habambuhay mo akong makakasama dito."
"Nasisiraan ka na ba ng bait Ruther? What made you think that I wouldn't think of a way to escape this place?"
"Bakit ka tatakas eh ikaw ang kusang pumunta dito?" Nakangising tanong ni Ruther sa kanya.
"It's because you fooled me douchebag! Akala ko totoo yung suicidal note na binigay ng kakambal mo!" Sigaw ni Ariesa kay Ruther. Hindi na niya napigilan ang sarili at hinampas-hampas si Ruther gamit ang kaliwang kamay niya. "Gago kayong magkambal kayo! Letse!"
"Bakit? Kung sinabi ko bang ikukulong kita dito sa rest house ko, sasama ka ba?" Tanong ni Ruther kay Ariesa habang patuloy na sinasalag ang paghampas ni Ariesa sa kanya.
"Siraulo ka? MALAMANG HINDI! Hindi ako tanga para magpakulong dito sa rest house mo!"
"See? That's why I lied." Hinawakan ni Ruther ang kaliwang kamay niya para pigilan siya sa paghampas. "Effective naman di ba?" He winked at Ariesa that made her even furious.
"Gago! Bobo! Siraulo! Taran-" She was taken a back when a soft lips landed on her lips.
"It's not so nice to hear you cussing. Masakit sa tenga-FVCK!" Napamura ng malakas si Ruther ng sipain siya ni Ariesa sa pinakaiingatan nito.

BINABASA MO ANG
Falling for a Santillan
ChickLit[The Ariesa Jade Ricafort Santillan Story] [Santillan Sibling Stories # 7] Si Ariesa Jade ang bunsong Santillan. Ang babaeng nagmana ng kagandahan ng kanyang ina at talino mula sa ama. Pero sa kabila ng tinatamasang kasikatan, may isang sikreto...