Napailing na lang si Ariesa ng makalabas si Ruther ng opisina niya. Hindi niya maiwasang matawa sa naging reaksyon nito para sa nalalapit diumanong kasal nila ni Ives.
Madaling mapaikot si Ruther. Nakuha nga ni Ives ang inaasahan niyang reaksyon mula dito. He's so easy to play with. No wonder Ives is enjoying playing with his toy.
Bumalik siya sa kinauupuan kanina at muling binasa at pinag-aralan ang mga papeles na kailangan niyang aralin ng bigla namang magring ang cellphone niya. Unregistered number ang tumatawag sa kanya kaya nagdadalawang isip siyang sagutin ang tawag.
Nang matapos sa pagriring ang cellphone niya, tinext niya ang may-ari ng numero.
To: +63937xxxxxxx
Who's this?Wala pang limang minuto ay nagreply na ang may-ari ng numero.
From: +63937xxxxxxx
BubblesNapataas ang kilay niya. Wala siyang maisip na rason para kontakin siya ng ex-girlfriend ng target niya at ex-fiance ng fiancee kuno niya.
Base sa mga napapansin niya, halata namang si Ruther ang mahal ni Bubbles. Si Ruther naman mahal din si Bubbles. Si Ives naman naghihiganti lang kay Ruther kaya pilit na nakisama kay Bubbles.
They had a fvcked up love life and she's not planning to be included on that love triangle or whatever they call it. They were the ones making their lives miserable.
Si Ariesa na naunang tumawag at agad namang sinagot ni Bubbles ang tawag niya.
"What do you need?" Bungad na bungad niya rito.
[Can we talk?]
Bubbles sounded so weak. She noticed it the moment the first word she said. She thought that Bubbles might have learned about their so-called wedding of Ives.
"Sure. Saan at kailan?"
[Fallen Angel's Cafe. Five PM if you're free.]
She checked her schedule. Wala naman siyang gagawin ng alas-singko pero may family dinner sila ng alas-siete. Malayo mula sa Fallen Angel's Cafe ang mansyon ng mommy at daddy niya.
"Fine. Magkita na lang tayo mamaya."
[Thank you Ariesa. Thank you so much.]
Is she crying?
Narinig ni Ariesa ang paghikbi ni Bubbles sa kabilang linya bago nito ibaba ang tawag. Bigla siyang naguluhan sa mga nangyayari.
If it's true that Bubbles is into Ruther, dapat matuwa ito sa nalalapit na kasal nila ni Ives. Kung tama ang hinala niya na kaya siya kakausapin nito ay para pasalamatan patungkol sa nalalapit na kasal nila Ives, tama ang lahat ng kongklusyon niya.
Pero kung hindi, alam niyang may mali.
Am I missing something?
>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<
Hindi maalis sa mukha ni Ives ang isang nakakalokong ngiti. Lahat ay umaayon sa plano niya at hawak niya sa leeg ang lahat ng mga 'bato' niya sa larong ito.
He feels like he's playing chess with a weak opponent and he's liking their game for he has all the advantages in his hands.
Nakakaganti na siya sa bestfriend niya. Nasaktan na niya ang babaeng minamahal nito. Nakuha pa niya ang babaeng gusto niyang makuha noon pa.
Malalim ang pinag-ugatan ng galit ni Ives sa bestfriend nitong si Ruther. Mga bata pa lamang sila ay napuno na ng galit at inggit ang pagkatao ni Ives. Mga batang paslit pa lamang sila noon. Hilig ni Ruther ang asarin at saktan ang kaibigan. Noong mga panahong iyon, walang-wala pa ang pamilya nila Ives kaya walang magawa si Ives. Salat na sa pagmamahal mula sa magulang si Ives at umaasa siyang kahit papaano ay makukuha niya mula sa kaibigan niya ang pagmamahal na ipinagkakait ng mga magulang niya.

BINABASA MO ANG
Falling for a Santillan
ChickLit[The Ariesa Jade Ricafort Santillan Story] [Santillan Sibling Stories # 7] Si Ariesa Jade ang bunsong Santillan. Ang babaeng nagmana ng kagandahan ng kanyang ina at talino mula sa ama. Pero sa kabila ng tinatamasang kasikatan, may isang sikreto...