Trouble 16

9.4K 188 10
                                    

"Sir, nandito po si Mr. Uichico." Napatigil si Andrew sa paglalaro sa iPad niya ng marinig kung sino ang bisita niya.

"Papasukin mo siya." Inilapag niya ang gadget na nasa kamay niya saka umupo ng tuwid.

Dumadating na ang araw na kinakatatakutan ni Andrew. Unti-unti ng nagpaparamdam sa kanya ang mga taong may kaugnayan sa mga bagay na kinatatakutan niya.

Pumasok si Uichico sa study room. "Good afternoon Mr. Santillan." Nakangiting bati nito sa kanya.

"Take a seat Mr. Uichico." Isinenyas ni Andrew ang upuang nasa harap ng mesa niya. Agad na umupo si Mr. Uichico saka inilapag ang isang brown envelope.

Agad na kinuha ni Andrew ang brown envelope saka binasa ang mga papeles na laman nito.

"I'm back Mr. Santillan and i'm here to get her back." Nakangiting wika niya.

Nagtagis ang bagang ni Andrew ng marinig ang deklarasyong iyon ni Josef. Naikuyom niya ang kamao niya habang hawak-hawak ang brown envelope na inabot nito sa kanya.

Agad na lumabas ni Josef pagkatapos nitong magsalita. Pagkalabas naman nito, saka pumasok si Athena na may hawak na isang tasa ng tsaa at iniabot kay Andrew.

"What are you gonna do now dy?" Nalungkot ang mukha ni Athena.

"I don't know." Hindi talaga alam ni Andrew ang gagawin. Wala na siyang maisip na paraan para masolusyunan ang problemang kinasasangkutan nila ngayon.

Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ni Athena. "Hanggang ngayon ba hindi pa rin niya matanggap?"

Nang makita ni Andrew na lumuluha ang asawa ay agad niya itong nilapitan at dinaluhan. Mahigpit niya itong niyakap. "Sssh. My. Don't cry."

Gumanti ng yakap si Athena sa asawa. "What have we done dy?" Nagpatuloy sa paghagulhol si Athena sa bisig ni Andrew.

Walang nagawa si Andrew kundi hagurin ang likod ni Athena upang mapatigil ito sa pag-iyak.


>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<


Nagising si Ariesa ng mahapdi ang sikmura niya. Hindi na kasi siya nakakain kagabi dahil naiinis siya kay Ruther at kay Miranda.

Hindi naman niya ugaling mainis sa mga taong nasa paligid niya. Sa katunayan nga wala siyang pakialam sa mga ito.

Pero nag-iiba na ang usapan kapag mga babaeng nakapaligid kay Ruther ang tinutukoy na babae. Anumang oras ay handa siyang manabunot at mangwrestling sa oras na may magtangkang umagaw kay Ruther mula sa kanya.

Kinuha niya ang robe niya saka isinuot iyon at dumiretso. Pagkatapos ng ilang ritwal niya sa banyo, lumabas na siya mula doon. Hindi naman siya kagaya ng ibang babae na inaabot ng ilang oras sa banyo para lang mag-ayos.

Maganda na siya at hindi na niya kailangan pang mag-effort para pagandahin ang sarili niya.

Napataas ang kilay niya ng makita ang isang tray sa kamay niya na may juice at pagkain na laman. Sa gilid noon ay may isang bouquet ng red roses.

Isang ngiti ang sumilay sa labi niya. Wala naman ibang pwedeng maglagay noon sa kwarto niya kaya alam na niya agad kung kanino galing iyon.

Nilapitan niya ang mga ito at tinignan. Kinuha niya ang bulaklak saka inamoy ito. Mabango ang mga ito at mukhang bagong pitas lang dahil may mga dagta pa ang mga ito.

Nakita niya ang isang pulang envelope kaya kinuha niya iyon saka tinignan ang mensahe sa loob noon.

To the most gorgeous lady I ever met. Let's be friends?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling for a SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon