Nakaalis na sina Ruther at Bubbles ngunit naiwan pa rin si Ariesa sa Fallen Angel's Cafe. Hindi niya maintindihan kung bakit sa halip na matakot siya, mas naaliw siya sa mga susunod na mangyayari.
Maybe it's the Santillan blood.
Matapos bayaran ang mga inorder nila ni Bubbles, nagmaneho na siya papunta sa mansyon ng mga magulang niya.
Hindi siya natatakot sa sinabi ni Bubbles patungkol sa planong pagpatay sa daddy niya. Hindi ito ang unang beses na may nagtangka sa buhay ng daddy niya ngunit sa dami ng pagtatangkang iyon, wala namang natuloy maski isa.
At kung sakali mang matuloy ang plano ni Ives, isang katangahan ang gagawin nito.
Alam ng lahat kung gaano kalakas ang impluwensiya at kapangyarihan ng pamilya nila dito. They earned and gained that power with the use of money.
Money make the world go round.
The more money you have, the higher the chances that you'll stay on top. One rule in life.
Ang taong napupuno ng galit, nagiging bobo at tanga na talaga.
Pagkadating niya sa mansyon, agad siyang dumiretso sa dining area dahil alam niyang late na siya para sa dinner nila.
"You're late Ariesa." Bungad ng daddy niya sa kanya.
Nakangiting nilapitan niya ang daddy niya saka hinalikan sa pisngi. "Mahal mo naman ako daddy eh." Bumaling naman siya sa mommy niya na nakaupo sa kaliwa ng daddy niya at binigyan ng mabilis na halik sa pisngi. "Good evening mommy."
"Good evening din anak. Kumain ka na."
Umupo si Ariesa sa upuan katabi ng mommy niya. Napansin niyang kumpleto ang buong pamilya nila.
"What's the occasion? Bakit kumpleto tayo?" She asked while waiting for the utensils to be placed in front of her.
"Next week na ang inauguration ng kapatid mo sa Santillan Empires. We all have to be there." Her dad announced.
Napatingin siya kay Napoleon who looked so uneasy for some reasons. Hindi niya alam pero mukhang ayaw nito maging bagong chairman ng Santillan Empires.
"Dad, can we just move the inauguration? Kahit a month after na lang." He suddenly asked their father.
Napatingin ang lahat na nasa mesa kay Napoleon. Ariesa can sense that there is something wrong. Call it woman's instinct and her instincts are sharp. She never had a wrong instinct.
Ibinaba ng daddy nila ang kubyertos na ginagamit nito saka pinunasan ang bibig gamit ang table napkin.
"The inauguration will be held next week. I will not move it for any reason." Desididong saad nito saka ipinagpatuloy ang pagkain.
>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<
"Kuya, you looked so uneasy." Saad ni Ariesa habang umiinom ng alak ang kapatid niya.
Kahit naman itago pa ng kapatid niya, alam ni Ariesa na may problema at pilit niyang aalamin kung ano ito lalo na at sangkot ang pamilya nila.
"Nagkakaproblema na ang Santillan Empires." Sagot ng kuya niya sa kanya saka uminom muli ng isang basong alak.
Nakakailang baso na ng alak si Napoleon bago pa man nakalapit sa kanya ang kapatid. Hindi siya mapalagay lalo na at nakarating na sa kanya ang ilang impormasyon na ni minsan ay hindi niya naisip na mangyayari sa kompanyang pinaghirapan ng pamilya nila.
"Anong problema naman yun kuya?" Nakataas ang kilay na tanong ni Ariesa.
"May nawawalang pera sa kompanya."
![](https://img.wattpad.com/cover/28613577-288-k82683.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling for a Santillan
ChickLit[The Ariesa Jade Ricafort Santillan Story] [Santillan Sibling Stories # 7] Si Ariesa Jade ang bunsong Santillan. Ang babaeng nagmana ng kagandahan ng kanyang ina at talino mula sa ama. Pero sa kabila ng tinatamasang kasikatan, may isang sikreto...