Trouble 12

9.2K 170 1
                                    

Ariesa didn't see it. Hindi niya akalaing gagawa ng malaking issue ang pinapatayo nilang bahay ni Ives.

Pictures of the unfinished house are all over the social networking sites. Well, rumors are all around them but the rumors had gone worst for the past two days.

Kaya naman pala nakakuha si Shiela ng litrato ng bahay.

Napabuntong-hininga siya. Kung itatanong niyo kung may iniisip niyang hakbang para matigil ang usap-usapan, wala ang sagot sa tanong niyo.

Bakit niya pahihirapan ang sarili niyang magpaliwanag kung alam niyang hindi naman siya paniniwalaan ng mga ito?

Maski ang mga magulang niya, inuutusan na siyang dalhin sa mansyon nila si Ives.

For heavens sake! Hindi naman niya kasintahan si Ives! Ni hindi nga nanliligaw sa kanya yung tao.

"Ano?! Akala ko ba si Ruther ang gusto mo?" Tanong ni Shiela sa kanya.

"GUSTO. Gusto lang Shiela. I can still forget him. I don't love him for you to exaggerate that way." Pinanlakihan niya ito ng mata.

Umupo si Shiela sa sofa ng opisina ni Ariesa. "Pero seryoso best, paano kung biglang bumalik si Ruther?"

Natigilan si Ariesa sa tanong ni Shiela. Paano nga ba kung bumalik si Ruther? Anong gagawin niya?

"I won't think unless the situation's right in front of my face." Simpleng palusot niya dito dahil hindi naman niya talaga alam kung anong gagawin niya. "Isa pa, tatlong buwan na ang nakakalipas Shiela. He should have forgotten me."

Kung talagang mahalaga siya dito, kahit pa magkalayo sila, gagawa ito ng paraan para makausap siya.

Pero hindi naman ito nag-effort ng ganun.

And hallelujah! I am sounding like a desperate hopeless romantic!

"Ikaw ba si Ruther para magsabi kung nakalimutan ka na niya o hindi?" Sagot nito sa kanya.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Sino bang kaibigan mo dito? Si Ruther o ako?"

"Ikaw!"

"Eh bakit pinagtatanggol mo si Ruther?"

Biglang natigilan si Shiela saka umiwas ng tingin. "Ano nga ulit yung topic natin?"

Umiling na lang siya sa sinabi ng kaibigan niya. Ang galing umiwas sa usapan eh.

"Pero seryoso na Ariesa, I don't want you to regret in the end." Paalala ni Shiela sa kanya.

"What are you talking about?" She asked her. Hindi niya kasi maintindihan ang punto ni Shiela.

Shiela signed zipping her lips meaning hindi ito magsasalita.

Ano bang nalalaman ng babaeng to at bigla-bigla na lang naging boto kay Ruther?

>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<>~<

Hawak-hawak ang tasa ng kape, bumalik si Ruther sa sala kung nasaan si Bubbles at hawak ang telepono niya.

"Done talking to him?" He asked before he sat on the space beside her.

Tumango naman si Bubbles. "Yes."

"He's a dumbass. Isn't he?" Ruther asked Bubbles that made the pregnant woman chuckled.

Alam ni Bubbles na walang alam si Ruther na inaasar lang siya ng kaibigan nito. Alam niyang nagkapatawaran na ang mga ito pero hindi niya alam kung paano, saan at kailan.

Falling for a SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon