Hinaplos ni Ruther ang maamong mukha ni Ariesa dahilan para magising ito mula sa pagkakatulog.
"What are you doing?" Tanong ni Ariesa saka mabilis na lumayo kay Ruther.
"Gusto mo ng makauwi 'di ba?" Ruther asked her.
Mabilis na tumango si Ariesa. "Pakakawalan mo na ako?"
"Yes. But on one condition." Inabot ni Ruther ang brown envelope saka nilabas ang ilang papeles. "Pirmahan mo muna ang lahat ng 'yan. Magfifile kami ng kaso kay Ives para hindi ka na niya malapitan."
Mabilis na binasa ni Ariesa ang mga papeles na naroon. Mukhang desidido nga si Ruther na ipakulong na ang kaibigan nito.
"Pero bakit? Hindi ba pinagkakatiwalaan mo si Ives? Bestfriend mo siya. Bakit mo siya ipapakulong?" Takang tanong ni Ariesa.
Gumugulo sa isipan niya ang biglang pagbabago ng isip nito. Labis na bumabagabag sa kanya iyon.
"The moment Bubbles and him announced their engagement, kinalimutan ko na ang pagiging magbestfriends namin." Paliwanag nito sa kanya tsaka inabot ang isang ballpen at ang mga papeles. "Pirmahan mo na to ng maialis ko na 'tong posas sa paa mo. Para na rin makaalis ka dito."
Hindi na binasa pa ni Ariesa ang papeles at mabilis na pinirmahan ang lahat ng mga papel. Gustong-gusto na niyang makaalis sa rest house nito dahil kailangan siya ng pamilya niya ngayon.
Napangiti si Ruther ng pirmahan ni Ariesa ang lahat ng papeles. Naisakatuparan niya ang plano niya at mapapanatag na ang kalooban niya.
Ibinalik na sa kanya ni Ariesa ang mga papeles at ang papel. "Pwede mo na siguro akong kalagan ngayon."
Lumapit si Ruther sa paanan ng kama saka tinanggal ang posas sa paa niya. Madaling tumayo si Ariesa at nagunat-unat. Nangalay ang paa niya ng dahil sa pagkakaposas ni Ruther sa kanya.
"Papipirmahin mo lang pala ako ng papeles, kailangan ikulong pa ako dito?"
"Para sigurong pipirma ka."
"Pipirma naman ako kung pakikiusapan mo lang ako ng maayos." Nakasimangot na sabi ni Ariesa kay Ruther. "Hindi mo naman ako kailangan pahirapan pa."
Nilapitan ni Ruther si Ariesa saka kinurot ang mapupulang pisngi nito. "Oo na. Alam ko naman kung gaano ka kadaling kausap."
Padabog na tinapik ni Ariesa ang kamay ni Ruther. "Ang sakit mo mangurot ha!" Minasa-masahe niya ang kinurot na pisngi ni Ruther.
"Tara na sa baba. Kumain na muna tayo bago ka umuwi sa inyo." Paanyaya ni Ruther sa kanya.
Hindi naman na tumanggi si Ariesa sa paanyayang pananghalian ni Ruther. Tahimik lang silang kumain dahil mukhang may malalim na iniisip si Ruther. Gustuhin man niyang tanungin ito, hindi na lang niya ginawa dahil hindi naman niya ugali ang manghimasok sa buhay ng may buhay.
"Mag-iingat ka sa pagmamaneho pabalik ng Manila." Paalala ni Ruther kay Ariesa.
"Opo." Sagot niya habang inaayos ang seatbelt niya. Mag-isa lang siyang uuwi ng Manila dahil may kailangan pa daw itong asikasuhin sa rest house nito at sa farm na hindi kalayuan mula sa rest house nito.
"Yung pangako mo ha! Ipapasyal mo ako dun sa farm niyo." Pagpapaalala niya sa ginawang pangako nito sa kanya kanina habang nag-aayos siya para bumalik na sa Manila. Nangako ito sa kanya ng mabanggit nito ang patungkol sa farm nito.
"Oo nga." Nakangiting pagsang-ayon ni Ruther.
Tinignan ni Ariesa si Ruther at napansin niya ang lungkot sa mga mata nito kahit na nakangiti ito.

BINABASA MO ANG
Falling for a Santillan
ChickLit[The Ariesa Jade Ricafort Santillan Story] [Santillan Sibling Stories # 7] Si Ariesa Jade ang bunsong Santillan. Ang babaeng nagmana ng kagandahan ng kanyang ina at talino mula sa ama. Pero sa kabila ng tinatamasang kasikatan, may isang sikreto...