Trouble 4

10K 190 1
                                    

"So, what brought you here Ives?" She asked as he sat on the chair in front of her.

"Hmmm, what do you think milady?" Patanong na sagot niya rin dito.

Ariesa smiled. "Isn't it rude when I asked you a question and you'll answer me back with another question?"

Nabigla si Ives sa babaeng nasa harapan niya. Hindi niya inaasahang prangka ito magsalita at mukhang walang itong balak na urungan siya kung saka-sakali mang makipagsagutan siya dito.

Pilit niyang pinakalma ang sarili. "Sorry if I was rude to you. I didn't mean to offend you in any way. I just want to be friends with you. Gusto ko lang makilala ang babaeng bumihag sa puso ng kaibigan ko."

Tinignan ni Ariesa ang mga bagong linis na kuko sa kamay. "Kaibigan nga ba?"

She won't fall for his trap. She knows very well that this guy envy Ruther. Nahalata niya ito sa paraan ng pagkakatitig nito sa kaibigan nito. Hindi lang niya maintindihan kung bakit may inggit itong nararamdaman sa kaibigan niya. May pangyayari siguro sa nakaraan ng mga ito na naging dahilan para maramdaman nito ang labis na inggit.

"O-Of course. What made you think I'm not?"

"Wala akong sinabing hindi. Nagtatanong ako kung kaibigan mo nga ba siya." She grinned. "You know what? For a guy like you, you surely love to beat around the bush. Can you be straight forward?"

Hindi na naitago ni Ives ang paghanga sa babaeng nasa harap niya. This woman is way too different from Ruther's past partners. Masyado itong matalino at wais para maloko.

"You amaze me woman. Simple lang ang gusto ko. Sumama ka sa akin. Iwanan mo si Ruther." Diretsong sabi niya rito.

Napataas ang kilay ni Ariesa. That was a desperate move of him. "Why should I? Isa pa, 'di ba engaged ka na?"

"I called the wedding off earlier." Uminom ito ng juice mula sa inihanda ng kasambahay nila kanina. "Bubbles is too boring. Ginawa ko lang naman yun para pasakitan ni Ruther. That pathetic dumbass."

"Ang laki talaga ng galit mo sa kanya ano?"

"No. Hindi naman." Tinignan siya nito ng diretso sa mga mata. "Cause if that's the case, I would have just simply killed him. Mas madali yun."

Hindi nagulat si Ariesa sa sinabi nito. Based on his attitude, it is quite evident that this guy could definitely kill somebody just because they might hinder his plans.

But too bad. He's just a Yap. I am a Santillan.

"What if hindi ako sumunod sayo?" She asked.

Then a devilish smile appeared on the side of his lips. "I have my ways Ariesa Jade. Believe me. I have my ways."

She laughed. "Bangko ka na pala ngayon?"

"You can say it that way. Iiwan mo si Ruther at magpapakasal ka sa akin o ..." Tumingin-tingin ito sa paligid niya. "... pababagsakin ko ang pamilya niyo at gagapang kayong lahat sa hirap?" He threatened her.

Tumawa ng malakas si Ariesa. "Iba talaga ang nagagawa ng inggit ano Ives?" Tinignan niya ito ng diretso sa mga mata. "Ibang-iba ka sa kuya mo. Kuya Niccolo is the kindest brother-in-law I met in this world."

"Well, my adopted brother is really way too different from me." Balewalang sagot nito sa kanya.

Napataas ang kilay ni Ariesa mula sa narinig. "Adopted lang si Kuya Niccolo?" She never heard of that thing. Not even from her sister who happens to be the wife of her Kuya Niccolo.

"Yes. Inampon lang siya ni mommy at ni daddy noong akala nilang hindi na sila magkakaanak pa." Paliwanag nito sa kanya. "Pero kahit na ampon pa ang lalakeng yun, mas mahal siya nila mommy at daddy. Nakakaasar lang."

Falling for a SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon