Trouble 8

9.1K 189 4
                                    

Nagising si Ariesa sa mabangong aroma ng kape. Agad niyang hinanap ang pinagmumulan ng amoy at nakita niya ang isang tasa ng kape sa side table ng kamang hinihigaan niya.

Napalingon siya sa likod niya at nakita niyang wala na si Ruther doon. Nakaposas pa rin siya pero ang kapares ng posas na nakasuot sa pulsuhan niya ay nasa isa sa poste ng kama.

Napabuntong-hininga na lang siya. Wala talaga siyang kawala kay Ruther. Siniguro talaga nitong hindi siya makakatakas.

Bumangon siya saka sumandal sa headboard ng kama. Napapaisip siya kung bakit ginagawa ni Ruther ito sa kanya. Sobra naman ata ang ginagawa nito kung gusto lang siya nitong pigilan na dumalo sa kunwariang kasal nila ni Ives.

Hindi naman talaga siya magpapakasal kay Ives. Wala sa isip niyang magpakasal sa lalakeng yun lalo na at nahahalata niyang may pagkapsychotic ang taong yun. Hindi niya isusugal ang buhay niya para sa taong alam niyang kayang-kaya siyang patayin kahit na anong oras nito gustuhin.

Isa pa sa dumadagdag sa pasanin niya ay ang problema sa Santillan Empires. Hanggang sa ngayon wala pa rin siyang maintindihan sa mga gustong mangyari ng mga kapatid niya.

Gusto niyang ipagsawalang bahala na lamang iyon ngunit hindi naman matahimik ang pagkatao niya.

"Ang lalim ng iniisip mo ang aga aga." Napalingon siya sa pinto at nandoon si Ruther na may hawak na tasa ng kape.

"Pakialam mo?" Mataray na sagot niya dito. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang pagtulog nito ng nakayakap sa kanya.

Lumapit si Ruther sa kanya saka siya tinabihan sa kama. Umupo rin ito at sumandal sa headboard ng kama. "I heard you love coffee." Inilapit nito sa kanya ang tasa ng kapeng hawak-hawak niya. "Want some?"

Mabilis siyang umiling. "May laway mo na yan iaalok mo pa sa akin?" Tinuro niya yung tasa na nasa side table. "I prefer to drink that one. Tanggalin mo na tong posas ko para makainom na ako ng kape." At para makatakas na rin ako. Dugtong niya sa isip niya.

"Okey." May kinuha ito sa bulsa ng suot nito. Akala niya ay susi ang kukunin nito ngunit laking gulat niya ng maglabas ito muli ng isa pang posas. Tumayo ito akmang hahawakang ang paa niya ngunit mabilis niyang iniiwas iyon.

"You've gotta be kidding me Ruther." Hindi makapaniwalang tanong niya rito. "You can't imprison me here! This is illegal detention!"

Napakunot ang noo nito saka hinatak ang paa niya saka kinabit ang isang posas doon. Kinabit nito ang isa pang bahagi ng posas sa paanang poste ng kama.

"This is not illegal detention missy. Kusa kang pumunta dito. You even have brought your own car outside. You went here on your own will. Hindi yun illegal detention." Paliwanag ni Ruther.

"I went here on my own will but it's against my will to stay here!" Sinubukan niyang magpacute dito. "Ruther, our company needs me. Nagkakaproblema sa kompanya namin ngayon at kailangan nila ako doon."

"Oh. I heard that." Bumalik ito sa pagkakatabi sa kanya saka tinanggal ang posas niya sa kamay. "Nawawalan daw ng 2.5 Billion ang kompanya ninyo."

Napakunot ang noo niya. "How did you know about that?"

Nagkibit-balikat lamang ito. "Gossips. Bali-balita na yan. You know being in the same circle we have. Madaling kumalat ang mga balita." Uminom ito ng kaunti sa tasang hawak nito kanina. "Lalo na kung may kaugnayan yun sa pagbagsak ng isa sa pinakamalaking kompanya sa Pilipinas."

She never thought that the problem is already this big. Hindi niya akalaing kakalat ng ganun ang kabilis ang nangyari sa Santillan Empires.

"Alam mo naman pala pero heto ka at kinukulong ako dito sa rest house mo."

Falling for a SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon