Pagkatapos ng gabing iyon na wala siyang ginawa kundi ang lumuha, gumising siya ng pilit na tinatago ang tunay na nararamdaman.
Sinubsob nito ang sarili sa trabaho. Hindi na siya naiiba sa isang robot na hindi natigil sa trabaho maliban na lang kung matutulog siya o di kaya ay kakain. Maski nga pagkain minsan ay nakakaligtaan na niyang gawin.
"Ariesa, it's lunch time. Hindi ka pa ba kakain?" Tanong ni Ives na may dalang pagkain para kay Ariesa.
Napatingin si Ariesa kay Ives saka bumuntong-hininga. Napatingin siya sa relo niya at nakitang mag-aalas tres na ng hapon ngunit iyon pa lang ang unang kain na gagawin niya sa maghapon.
"Sorry." Hinging paumanhin niya kay Ives. "Hindi ko na napansin ang oras. Marami kasi kaming projects na hinahabol." Tumayo si Ariesa at tinabihan si Ives na nakaupo na sofa at inaayos ang mga pagkain na dinala nito.
"Yan ang hirap sayo eh." Inabot sa kanya ni Ives ang isang lunchbox. "Kung hindi pa ako pumunta dito malamang aatakihin ka na naman ng ulcer mo."
Ariesa rolled her eyes. "You nag like my mom."
"Mom talaga? Hindi pwedeng boyfriend or asawa man lang?" Pagbibiro ni Ives kay Ariesa.
Napangiti lang si Ariesa. "Don't let yourself fall for me Ives. Masasaktan ka lang." Pagpapaalala niya rito.
Tatlong buwan magmula ng umalis si Ruther ay si Ives na ang palagi niyang nakakasama. Lagi siya nitong binibisita at sinasabayan sa pagkain. Hindi naman niya pinagbawalan ito dahil halos magkatapat lang ang opisina ni Ives at ni Ariesa.
Malaki na rin ang pagbabago sa ugali ni Ives magmula ng umalis si Ruther. Hindi alam ni Ariesa ang tunay na dahilan ngunit naisip niyang dahil wala na ang kinamumuhian nito kaya maganda na ang aura nito.
Nang magsimula silang maging close, nadiskubre ni Ariesa na mabait naman si Ives. Sadya lang na nalunod ito ng inggit at galit kay Ruther kaya kinamumuhian niya ito.
Para sa kanya, masayang kasama si Ives. Napapatawa siya nito, nadadala sa kung saan-saang lugar na hindi niya napupuntahan, kumakain sa labas at paminsan-minsan, gumigimik sa bar.
Marami nga ang nag-aakalang may relasyon silang dalawa dahil silang dalawa ang palaging nakikitang magkasama pero magkaibigan lang talaga sila. Sabi nga ni Ives ng minsang magkakwentuhan sila ng seryosohan, "komportable ako sayo dahil kahit na nagawan kita ng masama noon, hindi mo ko hinusgahan. Imbes na husgahan, tinanggap mo kung sino ang tunay na ako at inunawa".
Natutuwa naman si Ariesa sa mga pagbabagong nagaganap kay Ives. Ni minsan, hindi niya naisip na magagawang magbago ng ganito ni Ives. Nagbago ito para sa ikabubuti ng pagkatao nito.
At dahil nga sobrang close silang dalawa, kasalukuyang sinusubuan ni Ives si Ariesa. Sinusubo naman ni Ariesa ang kutsarang nilalahad ni Ives.
"Tama na Ives. Busog na ako." Pigil ni Ariesa kay Ives ng akmang susubuan siya ulit nito. Busog na talaga siya dahil kung makapagsubo si Ives sa kanya ay wagas kung wagas. Sobrang puno ng kutsara at halos umapaw ang laman noon.
"Anong busog?!" Kontra ni Ives. Hinawakan nito ang kamay niya saka iniangat. "Tignan mo nga yan. May balak ka bang maging model ng tingting?"
Nginisian niya ang lalake. "Magmodel, oo. Pero hindi ng tingting."
Noong nakaraang linggo ay nakatanggap siya ng offer mula sa brother-in-law niya na nagmamay-ari ng clothing company na si Niccolo Yap. May undergarments silang ilalaunch next month at siya ang gusto ng kuya niya na magmodel.
Ayaw niya talaga noong una pero may sinabi ito na nagpabago ng isip niya kaya agad siyang pumayag sa iniaalok ng brother-in-law niya.
"I thought you hate cameras?" Ives asked.
BINABASA MO ANG
Falling for a Santillan
Чиклит[The Ariesa Jade Ricafort Santillan Story] [Santillan Sibling Stories # 7] Si Ariesa Jade ang bunsong Santillan. Ang babaeng nagmana ng kagandahan ng kanyang ina at talino mula sa ama. Pero sa kabila ng tinatamasang kasikatan, may isang sikreto...