Trouble 10

8.9K 183 2
                                    

"So gorgeous. Will you be my date tonight?"

Iniabot nito sa kanya mula sa likod ang isang pulang pahabang velvet box. Tinanggap niya iyon at binuksan. It has a diamond necklace in it.

Sinara niya muli ang velvet box saka ibinalik kay Ives. "I can't accept this Ives and besides, I don't wanna be your date tonight."

"You're really rude."

"Well, rude is my third name." She smirked as she answered.

Bigla na naman siyang pumasok sa isip niya dahil sa naging sagot niya sa kaibigan nito. Bumalik na naman ang lungkot sa mukha ni Ariesa.

"I won't force you to be my date tonight." Sabi ni Ives ng makita niya ang lungkot sa mga mata ni Ariesa. "Pumunta lang ako dito para humingi ng tawad sayo. Iniurong ko na ang kasal."

Napalingon si Ariesa kay Ives. "Anong nakain mo at hindi mo itutuloy ang kasal?"

"Ano pang saysay ng plano ko? Hiwalay na si Bubbles at Ruther. Ruther doesn't have any plans of getting her back." Hinead to foot siya nito. "At patungkol naman sayo, it seemed like you don't shake him as well. Mukhang wala siyang pakialam sayo."

Napapoker face siya. "Sino ba kasing nagsabi sayong may relasyon kami ni Ruther?"

"Bigla ka na lang kasing tumulong sa kanya noon sa café kaya akala ko, may relasyon kayong dalawa." Kibit-balikat na sagot ni Ives.

Napailing na lang si Ariesa. "Alam mo bang maraming namamatay sa maling akala?"

"Hindi din." Sagot ni Ives.

Pumasok na siya sa loob ng fitting room at hinubad ang dress na susuotin niya para sa party mamaya at agad ding lumabas doon.

Wala siya sa mood na dumalo ng party pero wala siyang choice dahil obligasyon niyang pumunta doon bilang Santillan.

Umalis na sila ni Shiela doon at ipinasyang ipadeliver na lang sa hotel nila ang mga susuotin nila. Kasama nila si Ives na nagpumilit sa pagsama sa kanila kahit pa na ayaw niya.

She feels cool with Ives. Wala naman itong atraso sa kanya. Kahit na siya ang pinaghihinalaan niyang kumuha ng 2.5 billion sa kompanya nila, ibinalik naman nito iyon kaya wala siyang dapat na ikagalit dito.

Pero hindi niya maiwasang mailang dito. Naalala niya kasi kung paano niya nagawang gawing target ito gayong magkakaroon na pala ito ng sariling pamilya.

Hindi naman kasi siya ganun kawalang puso para ipagpatuloy ang plano niya kahit pa alam niyang magkakapamilya na ito.

She is still in the deepest of her thoughts when her mom approached her. She smiled when she felt her mom tapped her shoulders.

"You don't look good baby. May problema ba?" Tanong ng mommy niya habang hinahaplos ang uluhan niya.

Yumakap siya sa mommy niya. "Wala mommy. May gumugulo lang sa isip ko."

"Hmm? What is it?"

Hinigpitan niya ang yakap dito. "How will you know if you love someone?"

Naguguluhan siya para sa nararamdaman niya kay Ruther. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakaramdam siya ng ganito kaya hindi niya alam kung tama ba ang kongklusyon niya patungkol sa nararamdaman niya.

Ikinagulat naman ng mommy niya ang tinanong niya ngunit agad din naman itong nakabawi. Hiniwalay siya nito mula sa pagkakayakap niya dito tsaka hinaplos ang pisngi niya.

"It seems that my baby is already grown up." Nakangiting wika ng mommy niya. "You're a lady now Ariesa."

Muli nitong hinaplos ang madulas niyang buhok gaya ng ginagawa nito noong bata pa lamang siya.

Falling for a SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon