Trouble 13

9.1K 182 3
                                    

Nakaaviator shades si Ruther ng lumabas sila sa NAIA ni Bubbles. Siya ang may dala ng lahat ng gamit nito dahil sa nagdadalang-tao ito.

Pwede naman sana silang sumakay ng taxi pero ayaw ni Bubbles dahil susunduin daw sila ni Ives.

Fvck. Mapapatay ko si Ives kung isasama niya si Ariesa sa pagsundo sa amin.

He needs more time. More time to execute his plans. Sabi nga nila, bago ka sumabak sa giyera, ihanda mo muna ang sarili mo at pagplanuhan ang mga dapat na gawin mo.

And in his case, he's doing the same thing.

"Ang tagal naman ni Ives." Naiinip na reklamo ni Bubbles.

Mag-iisang oras na silang naghihintay sa labas ng paliparan. Maiksi pa naman ang pasensya ng kasama niyang buntis. Hindi na siya magtataka kung mag-away si Ives at Bubbles kapag nagkita na ang mga ito.

"Let's ride a cab." Papara na sana siya ng makarinig siya ng malakas na sigaw.

"BUBS!" Malakas na sigaw ni Ives na tumatakbo palapit sa kanila.

"ANG TAGAL MO!" Malakas na sigaw ni Bubbles sa kanya.

Pilit na ngumiti si Ives. "Sorry. Hinatid ko pa kasi si Ariesa." He apologized.

"Hinatid mo pa." Sinamaan ng tingin ni Bubbles si Ives. "Ikaw nga Ives ay umamin, may relasyon ba kayo ni Ariesa?"

Hindi sumagot si Ives at sa halip ay ngumiti ito ng nakakaloko saka ibinaling ang paningin kay Ruther na tahimik lang na nagmamasid sa kanilang dalawa at naghihintay ng sasabihin niya.

"Wag mo kong ngisian Ives. Sagot ang kailangan ko." Inip na tanong ni Bubbles.

"None." Simpleng sagot niya sa mga ito. "As of the moment." Muli siyang ngumisi na dahilan para makaramdam ng sobrang inis si Ruther.

Three months? Fvcking three months? I'll give her my forever!

Napalingon si Bubbles kay Ruther. Walang makitang reaksyon si Bubbles kay Ruther. Bigla tuloy siyang napaisip. May gusto nga kaya ito kay Ariesa o baka nagkakamali lang siya ng akala?

"Anyway, saan mo ba hinatid si Ariesa at natagalan ka?" Bubbles asked as Ives placed their bags on the car.

Sinara na ni Ives ang likurang bahagi ng sasakyan ng mailagay niya ang lahat ng gamit nila. "Sa airport din. Ariesa left earlier. Magso-soul searching daw siya. She's been stressed from work for the past three months. Masyadong sinusubsob ang sarili sa trabaho kaya pinilit kong magbreak man lang."

Nilingon ni Ruther si Ives na katabi niya na nasa driver seat. "Aren't you taking good care of her?"

"I do. But you do know how stubborn she is. Mahirap siyang pagsabihan. Kailangan nga puntahan mo pa siya kung gusto mo talagang masigurong kakain siya. Nadevelop na kasi yung gastric acidity niya to ulcer kaya kailangan na niyang kumain sa tamang oras." Paliwanag ni Ives.

Tsk. She should have dumped you. You're taking good care of her and yet she have that shitty ulcer. What a perfect example of taking good care.

"So? Saan ba si Ariesa? Gusto ko pa naman sana siyang makita. She's so beautiful and I wanted our baby to look like her. Mukha kasi siyang manika." Nakangusong angal ni Bubbles. Gustong-gusto kasi nitong makita ang mukha ni Ariesa. Ito ang pinaglilihian niya.

"She's on Okinawa. Two weeks ata siya dun." Sagot ni Ives habang seryosong nagmamaneho.

"Why aren't you so sure? I thought you're courting her? You should know her whereabouts right?" Ruther questioned his answer.

Falling for a SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon