See You Again

5 2 0
                                    

Ngayon ang araw ng alis ko papuntang States. Doon na kasi ako mag-aaral ng college. Kasama ko si Mama na pupunta roon habang si Papa naman ay dito lang sa Pilipinas para patakbuhin ang aming business.

Bago ako umalis ay nag paalam muna ako sa mga kaibigan ko especially kay Luke, ang aking boyfriend.

"Aalis ka na ba talaga ngayon" malungkot na tanong nito sa akin

"Oo eh" sagot ko

"Basta bumalik ka ha. I will miss you" sabay halik nito sa noo ko

"I will miss you too. We will see each other again. Goodbye love" pagpapaalam ko

"See you again Love" pagpapaalam ni Luke at hinatid na ako sa bahay

-

Today is the day na makikita ko na ulit ang mga kaibigan ko at si Luke. I'm so happy dahil babalik na kami sa Pilipinas. Hindi ako nakatulog na ng maayos kagabi dahil sa excitement.

"Mom I'm so excited na uuwi na tayo ngayon" masayang pahayag ko habang nag-iimpake

"Mom makikita ko na uli si Luke. Magkakasama na uli kami" nakangiting pahayag ko at binilisan na ang pag-iimpake

"Ah anak may sasabihin pala ako sayo" bakas sa boses ni Mama ang lungkot

"Ano yon Ma" kinakabahang tanong ko

"Ano kase--"

-

Nandito kami ngayon sa sementeryo. Pagkalapag na pagkalapag pa lang ng eroplano namin ay dali dali kaming bumaba at pumunta rito.

Nang makita na namin ang hinahanap namin ay tumulo ng tumulo ang mga luha ko dahil sa pangalan na nakalagay sa lapida.

Luke Miguel G. Sincero
December 6, 1998 - February 18, 2020

Hindi ito totoo panaginip lang ito. Hindi pa patay si Luke hindi pwede. Hindi, hindi, hindi.

"Namatay siya sa isang car accident. Hindi na namin sinabi sayo dahil that time ay examination niyo" pahayag ni Mama. Ma bakit niyo tinago sakin

"Sige anak maghahanap muna ako ng makakain. Hahayaan muna kita dito" at umalis na si Mama kaya ako na lang ang naiwan dito

"L-luke diba s-sabi mo mag-magkikita pa tayo u-uli" naluluhang pahayag ko

"Andaya mo. A-andaya daya mo. B-babalik naman ako eh bat ikaw naman ngayon ang n-nawala" dagdag ko habang tuloy tuloy parin ang pagbagsak ng luha ko

"Magiging fashion designer na pala ako. S-sayang hindi mo na makikita mga d-design ko" saad ko at nagpupunas na ng luha

"Hayaan mo sisiguraduhin ko na. Magiging sikat na fashion designer ako dahil ayun ang panga rap ko. Ang pangarap natin"

"S-sana sa next life ko ay makasama na kita ng mas m-matagal" at tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa damuhan

"See you again love. Goodbye" at tuluyan na akong umalis

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon