Here's my another one shot story.
Enjoy Reading!"Crystallllllllll! Gumising ka na tanghali na ikaw talaga ng bata ka napaka batugan mo!" sigaw ng aking nanay
Nubayan ang sarap sarap pa ng tulog ko eh gigisingin ako. Anong oras na ba? sa isip isip ko
Sabay tingin ko sa cellphone ko sa may paanan ko. Jusq 8:30 pa lang anong tanghali na. Nuba tong si nanay epal eh inaantok pa ako eh.
Pagkababa mo nadatnan ko si nanay na nagluluto sa kusina.
"Crystal! Bili ko nga ako ng asukal wamport lang yung puti. Kunin mo yung pera andon sa ibabaw ng ref."
Nakapikit pa akong nagtungo ng ref. Dahil nga antok na antok ako ayun nauntog tuloy ako. Pero nakuha ko pa rin yung pera.
Pagkapunta ko sa tindahan ay binili ko agad pinapabili ni nanay.
"Nay oh ito na po." mahikab hikab na sabi ko
"Paki bukas nga at ilagay mo ron sa lalagyanan natin tapos abot mo sakin" utos ni nanay. nak ng tinapa usto ko pang matulog eh
Kamot sa ulo kong binuksan ang hawak ko at inilagay sa lalagyanan.
"Ito na nay." abot ko rito at umalis na
"Ah anak! wag ka na bumalik sa taas at kakain na tayo."
Hay nako naman. Wala na akong nagawa at naupo na lang ako sa upuan at nag nap sa lamesa.
"Oh luto na ang champorado pwede ka ng kumain crystal."
Nilagyan ako ni nanay sa mangkok. Ay waw sweet naman ng nanay ko.
"Tikman mo nga anak kung anong lasa."
"Nay basta ikaw masarap lahat ng lu--" naluwa ko bigla ang champoradong kinain ko at na painom ng tubig ng bongang bonga
"Oh kasi di hinihipan ayan tuloy napaso ka"
"Nay *ehem bat sobrang alat *ehem naman nitong champorado niyo"
"Ha panong maalat patikim nga" sabay agaw ni nanay sa kutsara ko
"Anak ng--- bakit ang alat nito" tanong nito sakin
Sabay punta ni nanay sa kusina. Kaya sumunod din ako. Syempre chismosa ako eh kaya titignan ko kung anong nangyari bat ang alat ng champorado
"Crystal! Asukal ba talaga nabili mo" sabay harap nito sakin
Inalala ko kung asukal ba talaga nabili ko kanina
-Flashback-
"Pabili nga po ng asin." sabay hikab ko
"Yung tigdodos ba or yung 1/4 na asin"
"Yung 1/4 po"
-End of Flashback-
"A-ah nay hehe kasi di ko naman sina-"
"Crystalllllll! humanda ka saking bata ka!" sabay kuha ni nanay sa walis
Nawala bigla antok ko sa sigaw ni nanay. Kaya dali dali akong tumakbo pala as ng bahay.
"Kahit kailan ka talaga!!!!" sigaw ni nanay na hinahabol na ako ngayon.
