I Still Want You

4 4 3
                                        

"Drake I'm breaking up with you" nanginginig na sabi ko kay Drake ang aking boyfriend for 4 years

"Xands what's wrong b-bakit ka nakikipagbreak s-sakin akala ko b-ba, akala ko ba m-mahal mo ako" rinig ko na nagcrack ang boses nito

"I'm sorry Drake. I'm sorry. Bye my love" sabay alis ko sa harap nito habang umiiyak

Hindi ko na kasi kaya yung sakit kaya naisipan kong iwanan siya sa park. Alam kong masakit ito para sa kanya. Masakit din naman para sa akin na hiwalayan siya pero kailangan ko eh. Kailangan ko siyang hiwalayan kasi walang kasigiraduhan kung mabubuhay pa ako.

I have a stage 3 cancer at kailangan kong magpagamot sa ibang bansa. Matagal ko itong itinago kay Drake dahil ayoko siyang mag-alala. Gusto ko ang maaalala niya lang kasama ako ay masasaya at hindi puro sakit.

"Xandra are you okay" tanong ni mama na katabi kong nakaupo sa eroplano

"Yes ma" ani ko na may maliit na ngiti sa aking labi

"Everything is gonna be okay anak. May awa ang diyos gagaling ka" sabay yakap nito saakin. Doon na ako nag break down at umiyak sa kanya

Nang malapit na ang aking operasyon ay nakipag video call ako sa aking bestfriend na si Bea. Nagulat ito sa aking itsura dahil hindi ko naman sinabi rito na may sakit ako. Sabay kaming umiiyak habang mag kausap. Pinakiusapan ko rin siya na huwag sabihin kay Drake na may sakit ako dahil ayoko ito mag-alala. Pagkatapos ng aming pag-uusap ay umiyak lang ako ng umiyak at nagdasal na sana gumaling ako dahil gusto ko pang mabuhay para sa aking pamilya, mga kaibigan at gusto ko rin balikan si Drake. Gusto ko pa silang makasama ng mahabang oras.

Naging successful ang aking operasyon. Umabot kami sa States ng 10 years at dito muna kami nag stay dahil baka bumalik daw uli ang sakit ko. Nang stable na talaga ang kalagayan ko ay bumalik kami ng Pilipinas.

Hindi ko alam na may ginawa pa lang pa welcome party sila mama at papa para sa akin. Inimbitahan niya ang mga kaibigan ko dati at mga classmates ko at syempre si Drake nandoon din. Nadulas kasi si papa na naghanda sila ng welcome party para sa akin habang pauwi na kami kaya nalaman ko rin. Hindi na siya surprise haha.

Excited ako na kinakabahan dahil magkikita uli kami ni Drake after 10 years. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya ang sakit ko. Bahala na lang kapag nagkita na kami.

Pagkauwi namin ay sinalubong kami ng pag bati ng mga classmates ko before at mga friends ko. Nang si Drake na ang babati sa akin ay nanghingi ako sa kanya ng kaunting time para makapag-usap kami saglit.

"Welcome back Xandra long time no see haha" casual na sabi nito

"Thank you ah Drake pwede ba tayo mag-usap kahit saglit lang" pag tanong ko rito

"Sure doon tayo sa garden niyo" at naglakad na kami

Nang makarating kami sa garden ay umupo kami sa bench at doon nag-usap.

"So ano nga pala ang pag-uusapan natin Xandra" tanong nito

"Ah sorry pala kasi umalis ako ng walang paalam sainyo" nakayukong ani ko

"Ah yun ba ayos lang yon alam ko naman ang dahilan kung bakit umalis ka eh" saad ni Drake na nakapagpakunot ng noo ko

"Ha" takang tanong ko rito

"Sinabi ni Bea yung kondisyon mo sa akin. Pero dapat sinabi mo sakin Xandra para naman nasamahan kita sa pag laban noon sa sakit mo" gosh si Bea talaga oh sinabi ko ng wag sabihin eh sinabi pa rin pala

"Ayaw ko kasing mag-alala ka at baka ng dahil sakin ay hindi mo maayos ang pag-aaral mo. Ayokong masira ang kinabukasan mo Drake ng dahil sa akin" buong puso kong saad

"Pero sana sinabi mo pa rin" ani nito

"Kalimutan na natin ang past haha ang mahalaga ay successful ang naging operasyon mo" nakangiting ani nito.

This is it Xandra sabihin mo na ang gusto mong sabihin kay Drake.

"Ah Drake may sa-" hindi ko na na tuloy ang sasabihin ko dahil biglang nag ring ang phone ni Drake

"Sagutin ko muna ito wait" sabi nito at lumayo ng konti sa akin

Gosh ito na talaga sasabihin mo na kay Drake ang gusto mong sabihin Xandra pagkatapos niya kausapin ang tumawag sa kanya.

Pagkabalik ni Drake sa pwesto namin kanina ay umayos ako ng upo.

"Ah Drake may sasabihin ako"

"Ah Sandra alis na ako ha" sabay naming ani pero sa tingin ko ay hindi niya narinig ang sinabi ko dahil mahina lang ito

"Ha saan ka pupunta" tanong ko rito

"Ah kasi yung misis ko hinahanap na ako miss na raw ako ng anak namin haha" pagtawa nito pagkatapos ng sinabi

Bigla atang tumigil pagtibok ng puso ko sa sinabi ni Drake. Hindi ko na ito marinig tumibok dahil sa shock. May asawa at anak na pala ito ng hindi ko alam.

"Ah Xandra ayos ka lang ba" pagkaway nito sa mukha ko dahil nakatulala ako

"O-oo oo ayos lang ako haha. May asawa't anak ka na pala"

"Oo at masaya na ako sa buhay ko" nakangiting pagkukwento nito

"Sana makahanap mo na rin ang lalaking makakasama mo" dagdag nito. Pero Drake ikaw ang gusto kong makasama. Kaso hindi na pala iyon mangyayari

"Ah salamat" at napangiti na lang ako ng mapait habang pinipigilan ang pagluha

"Sige una na ako ha bye Xandra" at tuluyan na itong umalis

Pagkaalis nito ay tuluyan ng bumuhos ang mga luhang pinipigilan long bumagsak. Akala ko pa naman ay magkakabalikan kami ni Drake pagka-uwi ko rito sa Pilipinas hindi na pala mangyayari ang gusto ko.

Antanga-tanga mo kasi Xandra eh hindi mo naisip na baka may asawa na siya dahil 10 years rin ng mawala ka. Ambobo mo dahil umasa ka pa na hanggang dulo ay kayo pa rin.

Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon ng dahil sa nalaman ko. Umiyak lang ako ng umiyak dito sa garden namin hanggang sa mauubos ang mga luha ko. Pero hindi ata basta basta mauubos ito dahil ang dami. Sobrang dami ng luha na bumabagsak sa mata ko at hindi ko mapigilan ito.

"I still want you Drake. I still want you so badly" bulong ko sa hangin at yumuko habang iyak parin ako ng iyak.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon