The Cuttingers

1 4 0
                                    

Bored na bored na ang magtotropang sina Khlaine, Riva, Vien, Zamora, Emperor at Harry. Dahil nga sa malapit na ang end of school year ay wala na sila ng masyadong ginagawa.

"Hays amboring nubayan" reklamo ni Harry na nakaupo katabi si Emperor

"Empe tara gala tau cutting wala namang teacher eh" pag-aaya ni Harry kay Emperor

"Arat na" sabay tayo nito

"Teka ayain natin sina Vien" suhestiyon ni Harry

Agad pinuntahan ng dalawa sina Vien na nagcecellphone at nagkukwentuhan.

"Mga kapatid sama kayo samin" pag-aya ni Empe sa mga ito

"San ba" tanong Zamora

"Wala mag-iikot ikot lang amboring eh" sagot ni Harry

"Baka mapagalitan tayo niyan ha" ani Vien

"Oo nga naman baka mahuli tayo" dagdag ni Khlaine

"Hindi yan wag kayo mag-alala kami bahala ni Harry sainyo atsaka may meeting mga teacher kaya wala mga yon" sabay akbay ni Emperor kay Harry

"Sige na nga tutal boring naman eh" ani Riva at tumayo na. Nagsitayuan na rin ang iba at lumabas na ng room

Habang naglalakad lakad ang mga ito ay nakaramdam sila ng gutom kaya tumambay muna sila sa canteen.

"Guys ano bibili ba kayo buo kasi itong pera ko isasabay ko na lang mga bibilhin niyo akin na mga bayad niyo para isang bayaran na lang" tanong ni Vien sa mga ito. Binigay naman agad ng mga ito ang pera at sinabi ang kanilang mga gusto.

"Tara dun tayo sa kubo kumain" pag-aya ni Emperor at sinang-ayunan naman nila ito

Habang masaya na kumakain ang magbabarkada ay hindi nila alam na nakikinig na pala ang principal ng school sa kanila.

"Alam niyo ba si Ma'am Pauline yung principal natin liligawan ko na sana yon eh para pag may activities ang school ay libre lang ako huahaha" pagbibiro ni Emperor di niya alam na sa likod lang pala niya ito

Agad naman napansin ng mga babae na nandoon sa likod ang principal. Napatigil sila sa pag tawa dahil don. Sumenyas ang principal sa mga babae na wag sasabihin sa dalawang lalaki na nasa likod nila ang principal.

"Ah pst Empe tumigil ka na nandyan si ma'am Pauline sa likod mo" bulong ni Khlaine rito pero todo tawa lang ito pati si Harry na katabi nito

"Tapos kapag naging kayo ni Ma'am Pauline dat kami rin libre andaya naman non ikaw lang tas kami magbabayad. Diba noh girls" pagloloko ni Harry na tawa pa rin ng tawa

Awkward lang na napatawa ang mga babae. Samantalang ang dalawa ay tawang tawa na napapapalo pa sa mesa.

"Talaga ba Mr. Wang at Mr. Dixon" tanong ng principal sa dalawa. Kilala ng principal ang dalawa dahil suki ito ng guidance dahil sa pagkacutting.

"Opo Ma'am Pauline......." ani Emperor at natauhan bigla ng masabi ang pangalan ng principal

"Ha Ma'am Pauline kayo po pala hehe good morning po" bati ni Emperor dito

Natauhan din si Harry sa sinabi ni Emperor kaya tumigil din ito sa pag tawa.

"Ma'am Pauline ang ganda po ng umaga kasing ganda niyo po" nakangiting pahayag ni Harry sa principal

Nginitian din ng principal at agad din nawala iyon at napalitan ng simangot. Paktay kayo dyan.

"You two go to my office at pati kayong apat sumama rin kayo" turo rin kanila Vien, Khlaine, Riva at Zamora

Agad pumunta ang magtotropa sa principal's office at umupo sa harap nito.

"Bakit kayo nakatambay sa kubo mga iho iha" tanong ng principal sa mga ito

"Ah kasi Ma'am hehe na gutom po kasi kami kaya kumain po kami" pagdadahilan ni Harry

"Hindi pa oras ng recess ah bat kayo kumakain" tanong uli nito

"Kasi po Ma'am hindi pa po kami nag-aalmusal. Tama di pa kami nag-aalmusal diba guys" sigaw ni Emperor. Nakayuko lang ang mga babae at tanging sila Emperor at Harry lang ang nakikipag-usap sa principal

"Bat ka sumisigaw galit ka ba Mr. Wang"

"Hala Ma'am hindi po baka kayo po yung galit kasi pinapunta niyo kami rito" pagbibiro ni Harry sa principal

"Oo galit talaga ako sainyo kasi lumabag kayo sa rules ng ating paaralan" seryosong ani ng principal

"Sorry na po Ma'am hindi na po mauulit" pag hingi ng patawad ni Emperor dito

"Dahil dyan hindi niyo makukuha ang clearance niyo para makuha ang card at para makapag enroll next year"

Nagulat ang magtotropa sa sinabi ng kanilang principal.

"Ma'am parang awa niyo na po gagawin po namin ang lahat para makuha po namin ang clearance namin" pagmamakaawa ni Khlaine

"Oo nga po Ma'am kahit na ano po gagawin namin" ani Zamora

"Sigurado gagawin niyo talaga" tanong ng principal sa mga ito

"Oo Ma'am Pauline diba guys" ani Riva at tumango tango naman ang iba

"Dahil dyan may ipapagawa ako sainyo" nakangising ani ng principal

Ipinatawag ng Principal ang lahat ng grade level para pumunta sa gymnasium.

"Great Morning Evryone" bati ng principal sa mga mag-aaral

"Great Morning Ma'am Pauline" bati rin ng mga ito pa balik. Ma'am Pauline ang tawag ng mga estudyante sa principal dahil ito ay kagustuhan niya.

"Nagyong araw may magpeperform sa harap niyo gusto niyo ba yon" tanong ng principal sa mga estudyante. Tumugon naman ang mga ito at sinabing opo

"Great kasi ngayon ay may magpeperform. Let's all welcome The Cuttingers let's give them around of applause" pagpapakilala ng principal sa magtotropa

Ang punishment kasi na ibinigay sa kanila ng principal ay ang pag sayaw ng kung ano ano sa stage ng 1 oras.

Pinagsayaw sila ng Tatlong bibe, Nae nae, Gatorade ay Renegade pala at iba pang kpop songs.

Napuno ng tawa at palakpakan ang gymnasium ng dahil sa magtotropa. Feel na feel nila Harry at Emperor ang pagsasayaw samantalang sina Riva, Khlaine, Zamora at Vien naman ay mahiya hiya na sa stage.

Pagkatapos nga non ay nangako na silang hindi na magcucutting uli dahil ayaw na raw nila magsayaw sa harap ng mga kapwa nila edtudyante.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon