"Sinong excited na sa camping?!" tanong ni Gigi ang aming classroom president.
Nagkayayaan kasi kami na mag camping na lang after ng graduation imbes na swimming. Nakakasawa na rin mag swimming eh kaya nag-isip kami ng bagong gagawin at camping ang naisip namin.
"Psst Tina may chichirya ka pa jan. Pahingi naman oh" kalabit sakin ng best friend kong si Gio
Hindi ko toh pinansin at nagtulugtulan na lang.
"Hoy Tina alam kong nagtutulugtulugan ka lang. Pahingi na ng chichirya nagugutom na ako eh" pagpupumilit nito katabi ko kasi ngayon tong lalaking toh sa bus.
Dahil naaawa ako sa kanya kaya pinagbigyan ko na. Binigyan ko siya ng dalawang mamon at juice hindi chichirya. Bakit mabubusog ka ba ron atleast sa mamon at juice pwede pa
"Yiii sabi ko na di mo ako matitiis eh. Lab na lab mo ko noh" yesh nemen ehe sa isip-isip ko.
"Baliw sige na kumain ka na wag mo na ako istorbohin natutulog yung tao eh" di naman talaga ako natutulog hihi charot lang yon.
"Finally nakarating din tayo" sigaw ng isa naming classmate
Nagsibabaan na ang iba at medyo nagpahuli ako dahil sa bandang likod kami atsaka mabigat ang aking buhatin dahil dala ko ang tent namin ni Gio at mga pagkain namin. Di ko pa ba nasasabi na partner kami at sa iisang tent kami matutulog. acckkk I'm so excited syempre noh crush mo katabi mo matulog awieeee.
"Tulungan na kita dyan Tina"
"Wag na Gio kaya ko na ito"
"Wag na makulit ako na magbibitbit ang bigat bigat oh anong kaya ka dyan." sweet talaga nitong si gio kaya nga agad akong magkacrush dito eh. Diko na ikukwento kung kailan ko siya naging crush pero mga 3rd year high school yun eh.
Nang sumapit ang gabi ay nag bonfire kami. Yung iba di sumali antok na sila eh. Yung iba naman nandon lang sa loob ng tent nila.
"Guys laro tayong truth or dare" suggest ng aming Classroom Secretary. Umupo kami ng pabilog dahil marami rami kami malaki ng bilog ang nabuo namin. By the way katabi ko nga pala ngayon si Gio. Kilig ako ehe.
"So ito ang rules bawal humindi sa dare at bawal hindi sumagot sa truth. Wag kayong madaya. At Kung sino ang maturo ng bunganga ng bote siya ang gagawa at kung sino naman ang matuturo ng pwet ng bote siya ang magbibigay. Let's start."
Nang magsimula kaming maglaro ay napuno ng tawanan, hagikgik at mga sigaw sa sobrang kilig ang lugar.
Dahil si Lucas ang huling gumawa ng dare siya na ang mag-iikot ng bote. Pag-ikot ng bote tumuro ito kay Gio.
"Pfftt ikaw yung naturo" bulong ko rito. Dahil Kay Lucas nakaturo ang isang dulo ng bote siya ang magtatanong kay Gio
"Pre truth or dare" tanong ni Lucas na may matching taas taas kilay
"Dare" aba malakas loob nito ano kayng idadare rito.
"Umamin ka kay Tina ngayon na sa harap namin" malokong saad nito. Biglang nag ayieee ang mga babae at kinantyawan naman ng mga lalaki si Gio
"Ha a-anong meron" clueless na tanong ko napatingin ako bigla kay Gio na nakatingin din pala sakin
"Gio ano bang me--"
"Tina gusto kita matagal na" bulong nito na nakatingin parin sakin
"A-ano" shet totoo ba yung narinig ko. O to the M to the G. OMG
"Gusto Kita!....Tina" sigaw nito. Lalong umingay ang paligid ng isigaw yon ni Gio
"E-eh" gosh speechless ako teh ikaw ba naman sabihan ng mahal kita ng crush mo ackkkkk. Pwede na po akong mamatay. Mamatay sa kilig wahhhhh.
"Awitized sagutin mo na agad si Gio...Tina wushu" kantyaw ni Dylan sakin
"Ha haha d-di naman nanliligaw si Gio p-para sagutin ko" sabay pilit na tumawa at napatingin kay Gio na seryosong nakatitig sakin
"Pano kung sabihin ko sayong liligawan kita bukas payag ka ba" sinserong saad nito
"S-seryoso ka b-ba" gosh syempre naman ano tatanggi pa ba ako sa blessing syempre hindi.
"Basta pagdating sayo lahat seryoso" at nagsigawan na naman sila
"Oh ano na Tina payagan mo na"
"Sus oo na agad"
"Wag na pakipot Tina payagan mo na si Gio"
Kantyaw nila. Wait guys kalma lang po tayo finifeel ko pa yung moment eh mga pashnene kayo.
"Ano Tina payag ka na bang ligawan kita" nakangiting tanong nito
"A-ah oo Gio payag na ako" nakangiting tugon ko rito. Na gulat pa ako ng bigla ako nitong yakapin
"Salamat Tina" masayang saad nito at tinapik tapik ko lang ang likod bilang tugon ko
"Wushuuu mabuhay ang bagong couple!" sigaw ni Jay
"Mabuhay!" tugon naman ng iba except sakin at kay Gio