Boom Sapul

1 3 0
                                    

Papunta kami ngayon sa court para manood ng practice game ng basketball team para sa competition bukas.

"Okay guys goodluck satin bukas kaya natin 'to" rinig kong saad ng team captain nila na si Inri.

O to the M to the G. O-M-G. Inri my baby wahhh.

Nakatingin lang ako kay Inri habang naglalaro sila ngayon. Binabalewala ko lang mga pinagsasabi ni Berniece sa tabi ko dahil ang atensyon ko ay na kay Inri lang.

"Ella yung bola!" sigaw ni Berniece sakin na nakapagpagising sa kaluluwa kong nakatuon lang kay Inri.

Huli na ang lahat dahil natamaan na ako ng bola sa noo.

"Aray ansakit potek" daing ko

"Okay ka lang ba Ella. Kasi naman eh sinigawan na kita lahat lahat di mo pa narinig yan tuloy natamaan ka ng bola"

Jusq Ella yan titig pa kay Inri gusto mo pa ata matamaan uli ng bola eh. Sa isip isip ko. Nakahawak parin ako hanggang ngayon sa aking noo dahil masakit pa rin. Kukunin ko na sana ang bola na tumama sakin ng maunahaan ako ng kung sino. Pag-angat ko ng tingin ay laking gulat ko dahil si Inri ang nasa harap ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong nito.

Gosh nananaginip ba ako. Nasa langit na ba ako. Birthday ko ba para regaluhan ako ng isang napaka gwapong nilalang na nakatayo sa harapan ko ngayon.

"Uh Ella right? Ayos ka lang ba?" pag-uulit nito

Hindi ko pa rin ito sinagot at nakatitig lang ako sakanya.

"Psst Ella wag mo naman ipahalata na baliw na baliw ka dyan kay Inri. Kanina ka pa tinatanong kung ayos ka lang ba di mo sinasagot. Mamaya matunaw yan sa katititig mo sige ka" bulong no Berniece na nakapagpatino sakin ngayon

"Ha ah eh o-oo ayos lang ako hehe" gosh Ella nakakahiya ka

"Sorry ha ako kasi yung dahilan kung bakit ka natamaan ng bola" pagpapasensya nito

"Nukaba ayos lang yon. Pwede mo pa nga kong tamaan ng bola kahit ilang beses pa eh" bulong na lamang ang mga huling sinabi ko

"Ha di ko narinig yung huli mong sinabi" nagtatakang tanong nito

"Ah yon ba wala yon sige goodluck pala sa laban niyo bukas"

"Thank you and sorry uli" atsaka bumalik na sa mga ka team niya

"Berniece nilapitan ako ni Inri ackkkk" mahinang saad ko rito na kami lang ang nakarinig

"Kilig ka naman"

"Syempre noh crush na crush ko yon eh" kinikilig na saad ko

"Di ka naman crush nyahaha" pang-aasar nito

"Epal mo naman eh" at tinawanan lang ako ng babaita. Kaibigan ko ba talaga ito. Napaka walangya.

Nanood na lamang kami ng game nila at nag cheer cheer din kahit hindi pa ito ang totoong game nila. Gosh di parin ako makapaniwala na nilapitan ako ni Inri wahhhhh.

Pagkatapos ng game ay tumayo na kami sa bleachers at aalis na. Lalapitan ko sana si Inri para mag goodluck uli sa kanila ng may biglang lumapit na babae rito.

"Oh Ella andyan na ang original wag na lumapit kasi ikaw fake ka lang nyahaha" aba walangya talaga

Di ko pala nasabi sainyo na may girlfriend na si Inri at iyon ay si Suzuki. Ewan ko ba kung bakit pumatol si Inri sa isang motor.

"Oo na teh di na talaga ako aasa" pa ako. Ay marupok

Umalis na kami ng court at di na ako nagtangkang lumapit pa kanila Inri.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon