Surprise

1 4 0
                                    

Excited ang magbabarkada na sina Yumi, Adoncia, Hera, Cady, Vyx at Zach. Pupunta kasi sila ngayon sa isang Haunted House

"Sigurado ba kayo na itutuloy natin ito iba kutob ko rito eh" ani Zach pagkapunta nila sa tapat ng bahay

"Oo kanina pa nga ako excited eh tara na" pag-aaya ni Cady

"Teka lang" sigaw ni Zach

"Bakit wag mong sabihin na di ka na tutuloy samantalang kanina gustong gusto mo" ani Yumi

"H-hindi naman masama lang kutob ko rito sa bahay na ito" sabay lingon sa paligid

"Sus pumasok na lang tayo" ani Vyx at nauna na pumasok. Sumunod naman ang iba at ang huli ng pumasok ay si Zach

Pagpasok nila sa loob ay bumungad agad ang mga sapot sapot. Pagtanggal nila ng mga sapot ay tumambad sakanila ang lamesa na may mga nakapatong na bote bote, mga kandila na siyang nagsisilbing liwanag sa loob at isang libro. Agad nilapitan ng grupo ang mga ito

"Shit mata ba ito" sabay inangat ni Vyx ang isang bote at pinagmasdang mabuti ito

"Patingin nga" at lumapit si Adoncia kay Vyx. Napangiwi si Adoncia ng makita ito ng malapitan

"Mata nga" sagot nito

"U-uhm guys may libro akong nakita" ani Hera na may hawak na libro

Kaagad nila itong binuksan at pinalipat lipat ang mga pahina.

"I think this is a book of spell" ani Vyx habang pinagmamasdan ang libro na may chant

"Try natin basahin" suhestiyon ni Cady

"Baka kung ano pa mangyari sa atin wag na Cady" pagsaway ni Adoncia rito

"Sus ang kj niyo naman ano pang ginagawa natin rito kung hindi natin itatry ito" ani Cady

"Cady baka may mapahamak sa atin hindi mo ba iniisip iyon" medyo galit na pahayag ni Yumi

"Sige na guys isang beses lang naman natin itatry eh tapos maglibot na tayo" pag-uudyok uli ni Cady sa mga ito

"Bahalakayojan" galit na pahayag ni Yumi at lumayo sa lamesa.

"Sino mag babasa nito" tanong ni Cady. Umiling si Vyx na nagsasabi na ayaw niya. Umiling rin si Hera. Si Yumi naman ay inirapan lang si Cady at si Adoncia naman ay nag gawa pa ng ekis na sign.

"Sige ako na magbabasa" pagvovolunteer ni Zach na ngayon lang nagsalita

"Es ti ber ni da su la ti wa bi da so la--" biglang napahinto si Zach ng biglang sumigaw si Yumi. Tinuloy pa rin ni Zach ang pagbabasa sa chant

"Zach tumigil ka muna dyan nawawala si Yumi!" sigaw ni Cady pero si Zach ay Tinuloy tuloy parin ang chant.

Maya maya lang si Hera naman ang sumigaw at biglang nawala. Kinilabutan naman sina Vyx, Adoncia at Cady na nagtabitabi na

"Zach tumigil ka na nawawala na yung dalawa anuba!" sigaw uli ni Cady rito pero hindi pa rin ito natitinag

"Te li wa da ka ih ba ya" pagtutuloy ni Zach sa chant na siyang nagpalutang kay Adoncia

"G-guys guys tulungan niyo akong bumaba!" sigaw nito at maya maya ay bigla ng nawala

"Zach tumigil ka na please" pagmamakaawa ni Cady rito pero tuloy tuloy pa rin si Zach at sunod na nawala ay si Vyx. Dun na napaiyak si Cady ng siya na lang ang matira.

"Si da ka bi pa so na" doon lang tumigil si Zach at humarap kay Cady at unti unting lumapit dito

"Z-zach anong ginagawa mo" habang paabante ng paabante si Zach ay paatras naman ng paatras si Cady hanggang sa maramdaman na ni Cady na nakasandal na pala siya sa pader.

"Zach diyan ka lang wag kang lalapit" pero si Zach ay todo lapit pa rin. Napapikit na lang si Cady at napayuko dahil sa takot

Nang nasa harap na ni Cady si Zach ay doon lang huminto ang lalaki sa paglapit at may inabot sa gilid ni Cady at biglang sumindi ang mga ilaw.

"Happy Birthday Cady!" sigaw ng mga tao na nakapagpadilat ng mata ni Cady

"H-ha" di makapagsalita ng maayos si Cady at nakatulala lang sa kanila

"Happy Birthday Cady this is our surprise for you" sabay lapit ni Vyx kay Cady na may dala dalang cake

"Blow the candle and make a wish" masayang saad ni Adoncia rito

"T-totoo ba ito" shock pa rin si Cady sa mga nangyayari

"Yes baby girl totoo ito" natatawang pahayag ni Yumi

"Gosh shock pa rin si Cady sa nangyari" tumatawang anang ni Hera

"Sabi ko sainyo eh maganda yung plano kong surprise kay Cady eh tignan niyo napaiyak natin hahaha" ani Zach

"I-ikaw may plano nito" bakas sa mata ni Cady ang iritasyon

"Wooh Cady wag ka magagalit sakin di lang naman ako nag plano nito eh kasama rin sila rito. Si Yumi nagsabi na dito sa ancestral house nila gawin ang surprise. Si Vyx, Adoncia at Hera nag-ayos nito at bumili ng mga props sa lamesa" sabay turo sa iba nilang barkada.

"Oii ikaw nakaisip nito wag mo kami sisihin" ani Hera

"Kahit kailan ka talaga Zach" sabay kuha ni Cady ng cake kay Vyx at ihahagis sana kay Zach kaso nakatakbo na ito agad.

"Bumalik ka rito Zach kukutusan talaga kita kapag naabutan kita tamo" sigaw ni Cady na hinahabol pa rin si Zach. Ang iba ay natatawa na lang sa dalawa

Napuno ng tawanan, kantahan at sayawan ang buong bahay dahil sa celebration ng birthday ni Cady.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon