"Princess Althea Pov"
Prinsesa wag na kaya tayo tumuloy paano kung mahuli tayo ng mga kawal naku mananagot ako sa mahal na hari "Kinakabahan na sabi ni Gwen
Si Gwen ay personal na katiwala ko ngunit hindi ko siya tinuturing na katiwala dahil ang totoo siya ang naging kaibigan ko simula pagkabata siya rin ang tinuturing kong kapatid dahil wala naman akong kapatid na babae at hindi niya ako iniiwan palagi siyang nandyan para pasayahin kapag ako nalulungkot.
Sa tingin mo magpapahuli tayo syempre hindi no oh ito isuot mo yan "Sabi ko sabay hagis sa kanya ng tela.
Anong gagawin ko dito? "Tanong niya sabay kuha ng tela. Napairap na lang ako sa kanya at nilapitan siya kinuha ko sa kanya ito at nilagay ko sa pagmumukha niya.
oh diba bagay sayo "Sabi ko sabay palakpak. Tumingin ito sa salamin.
Kamahalan ayos ito ah "Sabi niya at hinawakan ang tela.
Sandali hindi pa tayo tapos "Sabi ko kinuha ko yung susuotin namin sa ilalim ng kama ko. pagkakuha ko ng Kahon inilapag ko ito sa kama binuksan ko ito.
Wow kamahalan ang ganda"Nagniningning ang kanyang mga mata ng makita ito.
Alam ko suotin na natin? "Tanong ko.
Opo kamahalan "Sagot niya. sinuot na namin. mabuti na lang at sakto sa aming katawan.
Tara na? "Tanong ko
Teka prinsesa "Pigil niya sa akin.
Bakit na naman ba? "Tanong ko.
Kinakabahan kasi ako "Sagot niya.
Kung ayaw mo sumama ok lang basta kapag hinanap nila ako siguraduhin mo lang na malulusutan mo ah aalis na ako "Sabi ko sabay kaway. bigla niya akong hinatak kaya napatingin ako sa kanya.
Teka-teka prinsesa naman eh (Sabi niya sabay kamot sa ulo)sige na sige na sasama na ako"Sabi niya.
Sasama ka naman pala eh nagiinarte ka pa"Nakangiting sabi ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng silid ko. Nang masigurado kong walang tao saka kami lumabas. Sa totoo lang konti lang ang nagbabantay ngayon dahil ang ibang kawal ay pinadala sa south and North meron kasing nalaman si Amang hari hindi ko naman alam kung ano yun ayaw kasi ni Ama na maistress ako dahil ang mas pinaghahandaan niya ay yung ipakilala na ako sa buong sierin. Nandito na kami sa gate. Tumingin tingin ako sa palagid kung paano kami makakalabas.
Ayon doon tayo"Sabi ko kay Gwen sabay turo sa may puno.
Kamahalan ayaw ko ng iniisip mo mapapahamak tayo niyan baka malaglag ka "Natatarantang sabi ni Gwen.
Ang arte mo kung ayaw mo umakyat edi maghanap ka ng pwedeng dadaanan mo "Sabi ko sabay akyat. sana'y akong umakyat sa puno dahil bata pa lang ako lagi akong tumatakas at sa taas ng puno ako nagtatago. Pagbaba ko sa kabilang bakod inaantay ko si Gwen ngunit ang tagal niya kaya iniwan ko na siya.
Haist malalagot talaga ako nito. bahala na nga "Sa isip ni Gwen umakyat na ito pagbaba niya wala na ang prinsesa.
Patay "Sa isip ni Gwen at dali-daling hinanap ang prinsesa.
(Back to princess Althea).
Habang naglalakad ako parang may sumusunod sa akin napalingon ako sa likod ko wala naman tao kaya naglakad ulit ako ng may makita akong maamong aso at hinabol ko ito ngunit bigla itong nawala sa paningin ko kaya naglakad na lang ulit ako ng biglang.....

BINABASA MO ANG
Legendary Princess
Fiksi SejarahNoong unang panahon pinapaniwalaan ang unang anak na babae ng Hari at Reyna kapag nagkaroon ng marka na hugis bituin ay siya ang tinatawag na Legendary Princess. Ang Legendary Princess ay nagtataglay ng lakas,bilis at talino sa kahit anong pakikipag...